"So, nalilito po kayo kung dapat ba kayong umasa sa mga actions niya or i-disregard 'yon dahil baka pinapaasa n'ya lang kayo?" Kunot-noong tanong niya sa'kin at pinatong ang kutsara at tinidor sa pinggan. Seems like she was already done eating. Habang ako, nakakakalahati pa lang dahil nalibang sa pagkukwento sa kanya. Well, hindi ko naman pinagsisisihan na naikuwento ko sa kanya dahil for sure kapag nakita ko si Quentil o si Acril, masasabi ko rin sa kanila ang nangyaring 'yon sa'min para hingin ang judgement nila. "Ayaw niyo po bang i-take 'yong risk na umamin sa kanya na in love pa rin kayo sa kanya?" Binuhusan niya ng tubig ang baso na hawak-hawak. Umiling ako. "I can't take that risk. Masyadong delikado. Isa pa, hindi niya rin alam na na-in love ako sa kanya before." Though, munt

