"I see..." Bulong ko at ngumiti na lang. "That's... good for you." Sinubukan kong siglahan ang boses ko pero kahit na anong pilit ko, bumabalik ako sa panlulumo. What should I do? This was bad. I felt like I was gonna cry any minute from now. I shouldn't have come with him. Kung mas nagkaro'n lang ako ng paninindigan na kuhanin si Thalie mula sa kanya at umuwi na, hindi sana ako masasaktan ng ganito ngayon. I was a dumb... a big dumb. "Is it really good for me?" I nodded a bit. "You look like you're thinking the opposite." "H-Huh?" Umiwas ako ng tingin dito at mabilis ns umiling. "Hindi, ah." Nabasa niya ba ang iniisip ko? O masyado akong halata?! Muntikan ko nang makalimutang magaling mambasa ng atmosphere 'tong si Riu. Kailangan kong ilabas ang galing ko pagdating sa acting.

