Matapos ang pag-uusap ni Amelia at ng kanyang tiyohin ay hindi pa rin siya napanatag. Pero muli ay sumunod siya rito. Hindi na siya muling lumabas pa ng mansyon at tanging sa talon na lamang nagpupunta. Matapos din ng pag-uusap nila ni Vhal ay hindi niya na ito muling nakita. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil doon o malulungkot. Mayroon kasing parte sa kanya na hinahanap-hanap niya ang binata. Mula rin noon ay hindi na siya isinama ni Maxine sa nayon. Palagi pa rin itong umaalis pero hindi niya alam kung bakit, at kung saan ito nagpupunta. Hindi naman ito nagkukwento sa kanya. Naging pormal na lang din sila sa isa’t isa mula noong mangyari iyon. Naging doble rin ang pagiging maingat nito sa kanya. Kasalukuyang nakaupo si Amelia sa gilid ng lawa. Nakalaylay ang kanyang m

