Ang ganda rito! Lalong napangiti si Amelia nang marinig niya ang sinabi ng kanyang lobo. Dahil hindi siya makalabas ng mansyon ay maging ito hindi rin nakakapunta sa iba’t ibang lugar. Kaya naman ay nararamdaman niya ang labis na pagkagalak nito. Busog na bugos ang mga mata ni Amelia dahil sa mga bagong tanawin. Halos lahat ng mga ito ay nakita na niya sa mga libro. Maingay rin ang buong paligid dahil s amalakas na pagpapatugtog ng mall. Dahil likas na mas matalas ang kanyang pang-amoy. Malinaw niyang na sasamyo ang mga nilulutong pagkain sa mga restaurant na naririto sa loob. Ngayon lamang kumalam nang matindi ang kanyang tiyan. Nakararamdam siya ng pagkagutom noon ngunit iniinom lang niya ng dugo ay nawawala na iyon. Pero ngayon? Ngayon lamang siya nagutom nang dahil sa pagkain. “V

