⚠️ WARNING: ⚠️ This chapter contains mature and intense themes that may be uncomfortable for some readers. Please read with caution. This story is a work of fiction and is meant for mature audiences only. JAHAIZAH'S POINT OF VIEW “Ma'am Jahaizah!!” Mabilis akong bumaling sa pinanggalingan ng boses, pigil na pigil ang paghinga habang sinusubukang ayusin ang sarili. “Hindi pa tayo tapos mag-usap, Liora!” mariing sambit niya at sa isang iglap lang ay tuluyan niya akong isinandal sa matigas na pader. Nanlaki ang mga mata ko nang takpan niya ang aking labi gamit ang palad niya. Sinubukan kong alisin iyon dahil palapit nang palapit ang boses ng mayordoma kung nasaan kami naka-pwesto ngayon. Nawindag ako nang sumilay ang pilyong ngisi sa kanyang labi at halos kapusin ako ng hininga

