JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
“Sorry about what happened last night,” biglaang wika ni Adrian.
Natigilan ako at gano'n din ang kamay kong inaayos ang kanyang necktie. Unti-unti akong nag-angat ng tingin upang makita ang itsura niya.
Lumamlam ang mukha ko at bahagyang ngumiti, kasabay niyon ay ang marahang paghaplos ko ng kanyang pisnge.
“It's okay,” panimula ko. “Its a family matter and I understand. There's no need to be sorry.” Pagpaagaan ko ng kanyang loob.
Agad na pumungay ang kanyang mga mata at ilang saglit lang ay bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit.
“Thank you. You're way too, understanding. Hindi ko na alam kung deserve pa din ba talaga kita,” aniya at narinig ko ang mahinang halakhak niya.
Natawa ako at niyakap siya pabalik, ilang segundo pa ay nagulat ako ng naramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Hindi ko iyon inaasahan kaya bahagya akong napatalon. Ngunit hindi ko rin naman siya tinulak.
Hinayaan ko siyang halikan ako roon, hanggang sa naglakbay ang labi niya patungo sa aking panga, sa pisnge ko hanggang sa lumapat iyon sa aking labi.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinabayan ang kanyang pagh*lik. I encircled my arms around his neck as our k*ss went deeper and deeper.
Hindi nagtagal ay pinakawalan niya ang labi ko at muling gumapang ang labi Kiya sa aking leeg. I bite my lower lip when his hands traveled down to my stomach, down to the v-line of my waist. I gasp for air when he pulled down shorts, at tuluyan iyong nahulog sa sahig.
Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at hinawakan niya ang suot kong p*nty. Ang aking h*likan ay naging mapusok, konting-konti na lang ay maibababa na niya ang suot kong p*nty, pero natigilan kaming dalawa nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na malalakas na katok mula sa labas.
“Sh!t!” mariing mura ni Adrian.
Maging ako ay nakaramdam nang matinding inis, dahil naputol ang init ng sandaling pinagsaluhan naming dalawa.
“I guess we will continue this some other time,” bulong niya sa akin at tinulungan niya akong isuot ang shorts ko.
Tinulungan niya rin akong ayusin ang itsura ko at pagkatapos niyon ay magkahawak-kamay kaming naglakad paglapit sa pinto. Pagbukas niya niyon ay bumungad sa aming harapan ang mayordoma.
“Maam, Sir. Pasensya na po sa istorbo, pero kasi ‘yong sekretarya niyo po ay kanina pa nasa labas. Hinihintay na po kayo,” paliwanag nito.
Nginitian lang ito ni Adrian, pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa gate. Hindi pa man kami tuluyang nakalapit ay natanaw ko na ang kanyang sekretarya. At nang makita niya kami ay ngumiti siya sa akin at kumaway.
“Good morning, Mrs De Vega,” masayang bati niya.
Tinanguhan ko lang siya at bumaling ako kay Adrian. Tumingin din siya kaagad sa akin.
“See you next week. I will surely miss you,” aniya at bahagyang pumuot.
Napangiti ako at pinatakan nang h*like ang kanyang labi.
“Mag-ingat ka roon. Mami-miss din kita.” Wika ko.
Lumawak ang kanyang ngiti at agad na binitawan ang kamay ko. Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa loob ng kotse. Sinundan ko ito ng tingin, kumakaway habang pinagmamasdan ang tuluyan paglayo ng kotseng sinasakyan niya.
“How sweet….”
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Malrik. Umikot ako para tingnan siya at binigyan ito nang isang walang kabuhay-buhay na tingin.
“Tch,” asik ko at nilagpasan siya.
Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko ang matalim niyang titig sa akin. Maging ang mga yabag niya ay malakas na para bang nasa likuran ko lang siya.
Dumiretsyo ako sa kusina, naghahanap ng makakain at para na rin maiwasan siya.
“Ang hirap kayang magkaroon ng kasamang d*monyo sa bahay.”
Nang may mahanap ako ay inilagay ko iyon sa food tray na nasa harapan ko lang. Isang sandwich at gatas, tahimik ko iyong in-arrange sa tray at pagkatapos ay binitbit iyon palabas ng kusina.
Sa dining sana ako pupwesto, pero hindi ako tumuloy doon dahil nandoon si Malrik. Madilim ang ekspresyon sa mukha habang tahimik na umiinom ng alak.
“Lasenggo… ang aga-aga umaalak kaagad,” komento sa isipan ko at tinalikuran ito.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay bigla siyang magsalita na siyangikinataas ng kilay ko.
“Are you really that determined to avoid me?” he said, and there's a hint of playfulness in his voice.
Sinamaan ko siya ng tingin at dumiretsyo sa labas ng bahay kung nasaan ang maliit na garden at may swing din roon. Nang nakapwesto na ako ay inilabas ko ang cellphone ko para tawagan ang numero ng kaibigan ko. Ngunit, nabigo ako dahil hindi nila sinagot ang tawag ko.
“Ano naman kaya ang nangyari sa mga lukaret na ito at hindi nila sinasagot ang tawag ko?” mahinang sambit ko sa kawalan at ilangs segundo pa ay sinimulan ko nang kainin ang sandwich na kinuha ko kanina.
Payapa akong ngumunguya ng pagkain, isinasayaw ang magkadikit na paa habang ang aking tingin ay nasa maliwanag na kalangitan.
“Ang ganda ng panahon,” pabulong kong wika at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko para damhin ang malamig na simoy ng hangin.
Napangiti ako nang naramdaman kong nagliparan ang iilang hibla ng buhok ko dahil sa malakas na hangin. Gumaan ang pakiramdam ko na para bang tinangay iyon ng hangin papalayo sa akin.
Sobrang ganda na nang moment ko, pero hindi iyon nagtagal ng tumama ang malamig na tubig sa katawan ko.
“T*NGINA KA TALAGA!!!!” malakas kong singhal ng makita ko si Malrik, hawak-hawak niya ang hose at nakatutok iyon sa akin.
Wala siyang balak na tumigil, kung kaya ay hindi na ako nakapagtimpi pa at nilapitan siya. Inagaw ko ang hose sa kanya at masama siyang tiningnan.
“ANO BANG PROBLEMA MO?! KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO AY BUMALIK KA NA LANG KUNG SAAN KA GALING!” sunod-sunod kong bulyaw sa kanya, pero ni isang segundo ay hindi man lang siya natinag.
Nanatili itong kalmado habang pinagkatitigan ang mukha ko.
“SIR*ULO KA BA?! TINATANONG KITA, BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?! PIPI KA NA RIN BA?” muling singhal ko, pero mas lalo lang akong nainis lang bigla siyang ngumisi.
Sa mga sandaling iyon ay para na akong sinapian ni anger dahil sa pagkapikon ko sa kanya. Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg, kakasigas sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
“Stop shouting. You might lose your voice. Gustong-gusto ko pa namang marinig ang boses mo lalong-lalo na kapag sa ibabaw ng kama.” Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumaling sa paligid ko para tingnan kung may mga tao roon. At nang makita kong wala ay nakatingala ako nang maluwag.
“Bullsh*t, Malrik! Stop playing with me! Tigilan mo na ako dahil nakakapagod na ang laro mo.” Saad ko sa kanya, at nakita ko ang mabilis na pag-iba ng ekspresyon sa kanyang mukha.
Biglang nanlamig ang mga palad ko at halos mabitiwan ko ang hawak kong hose. Mabilis ang t***k ng puso ko, parang sasabog sa dibdib ko. Sa bawat hakbang niya, pakiramdam ko ay lalo akong nadidiin sa kawalan ng lakas.
Para akong kinulong ng sarili kong hininga.
"I'm just cleaning up," malamig niyang saad.
Hindi ako kaagad nakapag-react, dahil hindi ko iyon naintindihan.
“You almost fvcked each other earlier, right?” paanong niyang wika at patuloy na humahakbang papalapit sa akin.
Nakatingala ako sa kanya at patuloy ding umaatras.
“Paano niya nalaman ‘yun?” sa isip ko pa.
Nanlambot ang buong katawan ko nang mariin niyang hinawakan ang braso ko at malakas akong hinatak papalapit sa kanya.
Dumukwang siya sa akin at pakiramdam ko ay para akong matutunaw dahil sa pagkakatitig niya sa ‘kin.
“Nakikita ko lahat ng ginagawa mo, Jahaziah. Everytime you're taking a bath, sleeping on your bed, k*ssing that as*h*Le and even when you're fvcking with him! I watched all of it! And do you know what? As I watched you being fvcked by him, I was challenged, Jahaizah. And I was disappointed. He touched you, but he never knew how to break you the way I will.” He said as he smiled, sinisterly.
Nawindag ang buong pagkatao ko sa aking narinig. How could he do that?
Gano'n ba siya kab*liw para gawin niya lahat ng bagay na iyon?
Ang malalim kong pag-iisip ay huminto sa mga sandaling bumalik ako sa reyalidad. Muli siyang humakbang nang isang beses, dumukwang siya at inilapit ang kanyang labi sa tainga ko na naglatayo sa aking mga balahibo.
“Every breath you take, every move you make, I see it. I own it. He never deserved you… but I’ll make sure you’ll remember me, Jahaizah. Because this week, I’m free to do anything I want with you.”
TO BE CONTINUED……