THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nasa lamesa na ang dalawang magkaibang pamilya. Magkatabi sila Adrian at ang kanyang ina sa kaliwa bahagi ng mesa, kaharap naman nila si Jahaizah, at katabi nito ang kanyang mga magulang.
Habang ang ama ni Adrian at nasa pinakadulong bahagi ng mesa, at may bakanteng silya sa tapat niya.
“I'm sorry about the sudden visit, Adrian. Nasabi namin na sa susunod na buwan pa dapat kami, pero biglang nagbago ang desisyon namin,” paghingi ng paumanhin ng Ina ni Jahaizah.
Umiling si Adrian, “Its okay, Mom. We're always prepared.” Tugon nito, at lahat sila ay natawa maliban kay Jahaizah.
Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan dahil sa presensya ng ama ni Adrian. Kahit noong mga bata pa sila ni Adrian, ay napapansin na niya ang kakaibang aura ng ama nito. At kahit tuluyan na silang maikasal ay hindi pa rin nagbago iyon, ilang na ilang pa rin siya at may halong takot iyon.
“So, how was the married life?” biglang sambit ng Ina ni Adrian.
Agad na nag-angat ng tingin ang dalaga, at ngumiti siya ng makita niyang nakaharap na pala ito sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.
“Everything was great, Mom. Wala naman pong problema, we just have to be used to it.” Sagot niya.
The woman smiled and turned her gaze to his son, who was currently filling Jahaizah’s plate with foods.
“You really are taking care of my princess, Adrian. We're lucky to have you as our Son-in-law,” puri ng lalaking Celvarres.
Ngumiti lamang si Adrian, at sinenyasan ang asawa na kumain na. Tumango lang siya ay nagsimula ng hiwain ang steak na nasa kanyang plato.
Tahimik siyang kumakain habang ang limang kasama niya sa hapag ay nagku-kwentuhan tungkol sa negosyo. Hindi naman siya makakasabay sa pag-uusap nila dahil wala siyang alam sa negosyo.
She graduated with culinary course. Kaya kung tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ay tahimik lamang siya at makikinig lang sa kanila.
“So where was your brother? I heard that he was staying here with you guys?” biglang bulalas ng ama ni Jahaizah.
Natigilan roon ang dalaga, dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang asawa at nakita niyang nakangiti ito sa mga magulang niya.
“He was actually in his way here. May I asikaso lang daw siya, but he's going us.” Anito at nakita ng dalaga ang paglipat ng atensyon nito sa may pintuan.
“Oh, there he is.” Ani Adrian.
Sa nga sandaling iyon ay nagsimulang gumapang ang matinding lamig sa buong katawan ng dalaga. Para siyang nanigas sa kanyang kinauupuan, lalong-lalo na nang naramdaman niya ang presensya nito sa gilid niya.
Naupo siya sa pinakadulo kung saan malapit lang iyon sa dalaga, at sa tapat ni Malrik at ang kanyang ama.
“Sorry for being late, I just run some errands. Should we proceed?” dinig niyang sambit nito.
Sumang-ayon ang lahat at napatingin ang dalaga sa kamay nito ng abutin niya ang bote ng wine na nasa tapat niya lang din.
******
JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
“You're also a businessman?” tanong bigla ni Daddy.
Lahat sila ay nakatutok sa kanya, habang ako ay nakayuko lang at nakatitig sa pagkain ko.
Simula nang dumating siya kanina ay mas lalong bumigat ang tensyon sa buong paligid. Kahit wala siyang ginawa ay kinakabahan ako, pakiramdam ko kasi ay isang salita lang galing sa kanya ay magiging magulo ang dinner.
“Yes, Sir. A businessman.” Tugon niya at binigyan diin talaga ang salitang businessman.
Pakiramdam ko tuloy ay nagyayabang siya, sa tono kasi ng pananalita niya ay parang sinasabi niyang hindi lang siya basta-bastang businessman lang.
“Would you mind if we ask what kind of business were you handling?” si mommy.
Hindi agad sumagot si Malrik, at sa mga sandaling iyon ay nagsimula na akong kabahan. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-angat ng tingin para makita kung anong ginagawa niya.
Napamaang ako ng makita kong tuloy-tuloy ito sa pag-inom ng wine. Sa t'wing mauubos ang laman ng wineglass niya ay muli niya iyong sinasalinan na para bang uhaw na uhaw siya.
“I understand that you're curious, Mrs Celvarres. But there are things that I couldn't disclosed to anyone.” Saad niya.
Naikuyom ko ang palad ko at kung nakakam*tay lang ang tingin ay kanina pa siya bumagsak sa sahig dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
“I understand, Malrik. Some things were better hidden than shown.” Sagot ni Mommy.
Hindi na silang muling nagtanong pa, kaming lahat ay naging tahimik at tanging tunog lamang ng mga kubyertos na gamit namin ang gumagawa ang ingay.
Sobrang awkward ng buong paligid. Na kahit huminga ay nahihiya akong gawin sa sobrang tahimik ng paligid.
Sa gitna nang matinding katahimikan ay may bumasag roon. Walang iba kundi ang mommy ni Adrian.
“Any plans for having kids?” bakas ang excitement sa boses niya habang tinanong niya iyon sa ‘kin.
Matagal bago ako nakapag-react kasi hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Bumukas ang bibig ko upang sumagot, pero naunahan ako ni Adrian.
“We can have as much as you want, Mom. I'm sure Jahaizah, was also ready to have kids,” nakangiting sambit niya sabay hawak ng kamay ko.
Gusto kong itama ang sinabi ni Adrian. It's not that I don't want kids, it's just
I'm not ready for now. I'm not yet ready
to be a mother and that I needed some time for it.
Pilit akong ngumiti at sinang-ayunan na lamang ang sinabi ni Adrian. Ayaw kong masira ang dinner, kung kaya ay iniiwasan kung magsalita lalo na kung wala naman akong sasabihing ikakatuwa nila.
“It's good to hear that. We elders can't wait any longer to have our grandkids, right Maria?” saad ng mama ko Adrian, sa mommy ko.
Nakita kong ngumiti at tumango ang mommy ko, sabay bumaling sa akin.
“How about you, Malrik? Wala kang planong mag-asawa?”
Lahat kami ay natahimik nang biglang magsalita si Mr De Vega. Maging ang mga magulang ko ay natahimik din at naghihintay ng sagot ni Malrik.
And when I looked at him, he was currently having a sip of wine. Inubos niya ang laman ng kanyang wineglass, at pagkatapos niyon ay dahan-dahan niyang inilapag ang baso at diretsyong tiningnan ang kanyang ama.
“I don't want to have responsibility to someone,” diretsyong sagot niya na ikina-gulat ko.
Walang kasing lamig ang kanyang boses nang binitiwan niya ang katagang iyon.
“Why? You're not getting any younger. You're old enought to get marri—”
“Iyan din ba ang inisip mo ng iwanan mo si Mama?” pagputol niya kay Mr De Vega, na mas lalong dumagdag sa gulat ko.
“That you're not getting any younger so you left her right away, to spend you're remaining time with another woman?” he added.
Gano'n na lamang ang gulat ko nang malakas na hinampas ni Mr De Vega ang mesa, tumayo siya mula sa kanyang pagkaka-upo at nanlilisik ang mga matang tinitingnan si Malrik.
“How dare you disrespect m–”
“And who do you think you are to share your opinions when I'm not even interested to listen to it?!” pabalik na sigaw ni Malrik sa kanyang ama.
Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang naririnig ang palitan nila ng mga salita.
Malrik was being disrespectful, but at the same time, I can feel the bitterness in his voice as he said those words to his father.
“If you didn't want to be disrespected, then keep your opinion to yourself, because I don't need any of it. I don't want to take advises from someone who left his own family and decided to get back to his ex, after finding out that he had a child with her. You left the family you had first, you abandoned us in order to give him a complete family.” aniya na nakapag-patahinik sa kanyang ama.
Maging si Adrian at ang mommy niya ay hindi nakapag-salita, kitang-kita ko ang pagkapahiya sa kanilang mukha. Ilang sandali lang ay napalingon ako sa direksyon ni Malrik, ng marinig ko ang pag-ingay ng inuupuan niya.
Nakatayo na siya habang hawak-hawak ang isang boteng wine.
“Enjoy your dinner,” bilin niya, pero bago siya tuluyang tumalikod ay bigla siyang bumaling sa akin na ikina-gulat ko.
Ngumisi siya, isang ngisi na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ikakainis. Yung paraan kasi nang pagngisi niya ay parang nakaka-insulto.
Then, I watched him slowly turning his back at us. Nakatingin lang ako sa direksyon na dinaanan niya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
TO BE CONTINUED….