THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
“What were you saying again?” walang emosyong tanong ni Malrik, sa isang lalaki.
Habang naghihintay siya ng sagot at dumiretsyo siya sa isang bakanteng silya, naupo siya roon at nakasandal ang buong bigat sa swivel chair.
“The traitor was one of the members of the brotherhood, Mio Sovrano.” Tugon ng lalaki sa kanya.
Dumapo ang kanyang mata sa isang itim na invitation card sa ibabaw ng lamesa. Sandali niya iyong tinitigan at ng mapansin iyon ng lalaki ay humakbang siya upang lapitan si Malrik, at nang maipaliwanag niya kung para saan iyon.
“That invitation was given to us by one of Velasquez’s men. He's expecting you to attend that event next week.” Anito.
Marahang tumango ang binata at pagkatapos ay ipinatong ang ulo niya sa head rest ng silya, nakapikit ang mga mata habang nilalaro ang p*nyal sa kanyang kamay.
“Call him, tell him to do the examples. I want it public. Just make him suffer for a bit, but I k*ll him myself. And right after you deliver my order, go to Italy and tell hacovo to start cleaning those fvckers mess, I want the job to be done by the next day.” pikit-matang sambit ng binata.
The man in front of him nodded and made his way out of the room, leaving Malrik, alone.
Naiwan siyang mag-isa sa loob ng solid, nananatiling nakapikit ang mga mata at maya-maya ay gumalaw ang kamay niya para abutin ang gilid ng ulo niyang may benda. Mahina siyang natawa at napamura, paulit-ulit niyang naaalala ang itsura ni Jahaizah.
Sa t'wing nakikita niya ang galit nitong mukha, ang mga mata nitong nanlilisik ah hindi niya mapigilang makaramdam ng tuwa. Gustong-gusto niyang makita ang gano'ng klaseng reaksyon ng dalaga.
“It's really your fault. You're way too gorgeous to be ignored. You have this plump lips, almond-shaped eyes and small face. I was smitten by the moment I saw you that night,” sa isip nito habang inaalala ang unang beses na makita niya ang dalaga sa loob ng bar.
That night, he was sitting far away from her direction, he was just drinking all by himself, until he saw her dancing with her friends.
He was attracted to her, that's why he approached her and both of them ended up ok the same bed, naked.
Hindi nagtagal at iminulat niya ang kanyang mga mata ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ay umalis na siya sa kanyang pagkaka-upo at tahimik na naglakad palabas sa silid na iyon.
Bawat taong nakakasalubong niya sa hallway ay napapahinto habang nakatingin sa kanya. Dahil sa kakaibang tindig at matinding aura na meron siya ay nakukuha niya ang atensyon ng kahit na sino kahit naglalakad lamang siya. Habang siya ay walang pakialam sa mga ito, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng gusali, dumiretsyo ito sa kanyang sasakyan at agad na binuhay ang makina niyon at mabilis na pinaharurut ang sasakyan.
******
JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay tumingin-tingin muna ako sa paligid, pinapakiramdaman ko kung nandidito na ba ang b*liw na lalaking iyon. Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong naramdamang presensya niya, kung kaya nakahinga ako nang maluwag.
Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas magmula ng ikasal kami ni Adrian. Maganda naman ang samahan naming dalawa, wala kaming naging problema. Maliban na lamang sa bagay na tungkol sa aming dalawa ng kapatid niya.
At tungkol doon ay gustong-gusto ko nang ipagtapat sa kanya, pero ewan ko ba. Sa t'wing nagbabalak akong magtapat sa kanya ay siya ring pagsulpot ni Malrik. Sa kagustuhan kong layuan ito ay umiiwas ako lagi kapag nasa paligid siya. Nagpapaalam pa ako kay Adrian, na may lakad kami ng kaibigan ko kahit wala naman talaga.
Gusto ko lang talagang makalayo sa b*liw na iyon kung kaya kahit ano na lang ang ginagawa kong dahilan para lang talaga makaiwas.
Gaya na lamang ngayon, wala akong balak na lumabas ng kwarto, pero dahil narinig ko kay Adrian na umalis ito ay naging panatag akong lumabas. Simula kasi ng nandito na siya ay naging magulo na ang lahat. Kakasimula pa lang namin ni Adrian, pero sinira na niya iyon.
Naisip ko tuloy kung may sayad ba siya sa utak, kung nabagok ba ang ulo niya I sadyang gano'n talaga siya. G*gong at sir*ulo. Sino ba naman ang taong normal na ngingiti kahit hinampasan mo na Ng babasaging pinggan ang mukha.
And take note, nabasag iyong inihampas ko sa kanyang pinggan, pero kahit dumudugo na ang gilid ng ulo niya ay parang tuwang-tuwa pa din siya.
Sa t'wing ngumingiti siya o kahit magtama lang ang mga mata naming dalawa ay kinikilabutan na ako.
Para kasi siyang isang d*monyo. Nakakatakot na hindi ko alam, sobrang hirap ipaliwanag.
“Ma’a—”
“AY LE*CHE!!!!” biglaang sigaw ko, maging ang mayordoma ay napatalon rin dahil sa ginawa ko.
Nilingon ko ito at kitang-kita ko ang paghawak niya sa kanyang d*bdib habang nakaharap sa akin.
“Pasensya na po, Manang. Kayo kasi e, nakakagulat kayo,” nakangusong sambit ko habang hinahaplos ang likuran nito upang kumalma.
“Ma'am, kanina ko pa po kayo tinatawag. Pero parang sobrang lalim nang iniisip niyo dahil hindi niyo man lang ako pinansin,” mahinang sambit niya.
Na-guilty tuloy ako.
“Bakit po ba?” mahinahong saad ko, at naging kalmado na din ako dahil nakita kong um-okay na ang pakiramdam niya.
Tumuwid ito nang tayo at humarap sa akin. “Pinapasabi ni Sir Adrian, na darating raw ho mamaya ang daddy at mommy niya, at gano'n din ang mga magulang mo. Dito daw sila magdi-dinner.” Usal nito.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko, masyado iyong biglaan. Dahil sabi nila ay susunod na buwan pa sila dadalaw, kaya bakit?
“Wala na po bang ibang pinapasabi si Adrian, bukod roon?” pambubusisi ko.
Umiling lamang ang mayordoma at nagsimula na itong humakbang papalapit sa hagdan.
Nag-isip na ako ng kung ano-anong dahilan, pero ni isa ay wala talagang pumasok sa isipan ko. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Adrian, hindi naman nagtagal ay sinagot niya iyon.
“Yes, Sweetie?” bungad nito.
Lihim akong napangiti, bago ako sumagot ah tumikhim muna ako.
“Dito magdi-dinner sina Mom and Dad, mamaya?” tanong ko.
“Yeah. It was an unexpected visit, I'm sorry because Mom just told me about it, earlier.” Sambit nito.
Ngumiti ako at umiiling, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginagawa e hindi niya naman niya iyon nakikita.
“Sweetie, I'll hang-up the call, okay? I'm still on the meeting,” biglang wika niya.
“Okay–”
“Leandro…”
Napahinto ako nang umalingawngaw ang boses ng isang babae sa kabilang linya.
“Leandro?” sa isip ko.
When I was about to asked him who is was, he suddenly spoke.
“Bye, Sweetie. I just call you later, okay?” Aniya.
Hindi na din ako nagsalita hanggang sa tuluyan na niyang ibinaba ang linya.
Nanatili akong nakatayo sa labas ng kwarto ko, iniisip kung saan ko huling narinig ang pamilyar na boses ng babaeng ‘yon.
“Masyadong ka lang nag o-overthink, Jah,” sambit ko sa sarili ko, umiiling para burahin ang hindi magandang ideyang namumuo sa isipan ko.
Ibinaba ko ang aking cellphone, at naglakad na pababa sa hagdan. Dumiretsyo ako sa kusina at tumulong sa paghahanda para sa gagawing dinner mamaya. Habang abala kaming lahat ay todo dasal ako na sana hindi umuwi si Malrik, mamaya.
Kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa dinner, kung sakaling kasabay siya. Wala din kasi akong alam tungkol sa relasyon niya sa kanyang ama. Kung kaya hindi ko masasabi na magiging maganda ang kahihinatnan kapag nasa iisang lamesa na kami kasama ang mga magulang ko.
Iba pa naman ang takbo ng utak ng isang ‘yon, kaya mas mabuti nang hindi siya makasama sa dinner.
TO BE CONTINUED…..