JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
“Mabuti naman at dumating ka sa kasal ko. I'm glad to see you, even though you're late.” Wika ni Adrian.
Nasa reception pa rin kami, pero wala na ang mga bisita. Hating-gabi na din kasi, kaya nagsi-uwian na sila. Ang mga parents ko ay umuwi na rin, pati ang mother at father-in-law ko.
Tatlo lang kaming naiwan, ako si Adrian at si Malrik.
Pilit kong pinapanatili ang atensyon ko kay Adrian, pero kahit anong gawin ko ay parang may kung anong malakas na humihila sa akin para sulyapan si Malrik.
Labis akong nagpipigil na mapalingon sa kanya kung kaya ay halos kumapit na ako sa silyang unuupuan ko. Doon ako kumukuha ng lakas upang pigilan ang sarili kong gumawa ng bagay na hindi ko dapat gawin.
“Stop drinking, you're drunk.” Usal ko at inagaw ang baso sa kanyang kamay.
Paano kasi, kahit na halos isuka na niya ang iniinom niyang alak at patuloy pa din siya sa pag-inom.
“Let him be, Jahaizah.” Sabat naman ni Malrik.
Napatiim-bagang ako at masama ang tingin na nilingon siya. Kalmadong-kalmado siya na para bang hindi siya naka-inom. He's still sober compared to Adrian. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako at kung sinasadya niya bang lasingin itong si Adrian.
Kumislap ang kanyang mga mata at pagkatapos ay binalingan ang Asawa ko. Kitang-kita ko ang dahan-dahang pag-angat ng kanyang kilay at kasunod niyon ang kanyang pagngisi.
Nagtaka ako at agad na ibinalik ang atensyon ko kay Adrian, at parehong bumagsak ang mga balikat ko nang mapagtanto kong tulog na ito.
Nakayuko na siya at nang silipin ko ang mukha niya ay nakapikit ang kanyang mga mata. Sinubukan ko pa siyang gisingin, pero wala talagang epekto. Tulog pa din ito at parehong bagsak ang mga balikat.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga, inabot ko ang purse ko upang tawagan ang personal driver niya upang magpa-alalay.
“What are you doing?” bulalas ni Malrik, na nakaupo pa din sa tapat ko.
Hindi ko siya pinansin at mabuti na lang ay agad na sinagot ng driver ang tawag ko.
“Kuya Luis. Nasa reception kami ngayon, okay lang ba puntahan mo kami rito? Lasing kasi si Adrian, hindi ko naman siya kayang alalayan.” Saad ko.
“Sige po, Ma'am. Papunta na rin po kasi ako dyan.” Tugon nito.
Nakahinga ako nang maluwag. Bago ko ibinaba ang tawag ay nagpasalamat muna ako sa kanya.
“Why call someone when I'm here? You can ask me to carry your husband.” muling sambit niya at binigyang diin ang huling katagang binitawan niya.
Sa muling pagkakataon ay binalewala ko pa rin siya. Nagpanggap akong wala akong narinig hanggang sa sumulpot si Kuya Luis sa aming harapan. Doon lamang ako naging kampante, agad ko siyang pinakiusapan na akayin na patungo sa sasakyan ang Asawa ko.
Naiwan si Malrik sa reception, at laking pasasalamat ko iyon dahil magiging tahimik na ang kapaligiran ko.
*****
“Maraming salamat talaga, Kuya Luis,” nakangiting sambit ko nang mailapag na niya sa ibabaw ng kama si Adrian.
Ngumiti lang siya at pagkatapos ay agad ng nagpaalam na uuwi na. Kaya naiwan akong kasama si Adrian.
Hinubad ko ang suot kong sapatos bago sumampa sa ibabaw ng kama upang hubarin ang suot niyang damit. Kasunod niyon ay pinunasan ko muna ang mukha at katawan niya. Nang natapos na ay hinubad ko na din ang suot kong dress at nagtungo sa loob ng banyo upang maligo.
Habang nasa ilalim ako ng shower ay nakatitig lamang ako sa kabuuan ko. Lantad na lantad ang naglalakihang marka sa mga balat ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero may parte sa akin na natutuwang nalasing si Adrian. Dahil kung hindi ay nakita na niya ang katawan ko at khindi ko lubos maisip kung ano ang posible niyang magawa kapag nakita niya ang mga ito.
Lalong-lalo na kapag nalaman niyang ang mismong kapatid niya ang naglagay ng mga ito sa katawan ko.
Nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo na tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa buong katawan ko. Sumampa ako sa ibabaw ng kama at tahimik na pinagmamasdan ang mukha ng Asawa ko.
Sobrang himbing ng tulog nito na para bang ito ang unang beses na nakatulog siya nang maayos sa buong buhay niya.
Gumalaw ang kamay ko at marahang hinaplos ang kanyang pisnge, at dahan-dahan… dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at pinatakan ng h*lik ang kanyang pisnge.
“I'm sorry,” I whispered as I embrace him.
Nahiga ako sa tabi niya, hindi na ako nag-abalang magsuot ng kahit anong damit dahil asawa ko naman na siya. Mahigpit kong iniyakap ang aking mga braso sa kanya katawan habang ginagawang unan ang kanyang braso.
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng pagod at antok.
*****
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SENSITIVE CONTENTS, SUCH AS H*RASSMENT AND EXPLICIT SCENES.
Two days later…..
“So you're staying here for a couple of months?” nasisiyahang sambit ni Adrian, habang nasa hapagkainan sila kasama ang kanyang asawa at si Malrik.
Tipid na tumango ang binata bilang sagot, nagkukunwaring abala sa pagkain ngunit ang totoo ay lihim niyang sinusulyapan si Jahaizah, na ngayon ay mapayapang kumakian.
Sa bawat pagsubo ng pagkain ay siya ring pagbigat ng paghinga ng binata. Nasisiyahan siyang pagmasdan ang dalaga habang abala ang Asawa nito sa pagkain.
“Should we call Dad, and invite him?” Ani Adrian.
Tipid na ngumisi ang binata at ilang sandali pa ay nakita niya sa gilid ng mata niya ang pagtayo ng dalaga at nagtungo ito sa kusina.
Isang hindi kaaya-ayang ideya Ang pumasok sa kanyang utak dahilan para mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. At sa hindi inaasahan ay sumabay ang tadhana sa kanyang pina-plano dahil sa biglaang pagtunog ng telepono ni Adrian.
“Oh, excuse me for a bit.” Paalam nito sa kanya at nagsimulang lumakad palabas ng dining area.
Agad na sinundan ni Malrik ang si Jahaizah sa kusina. Nakapamulsa siyang naglalakad papalapit sa dalaga na ngayon ay abala at nakaharap sa lababo.
Maingat siyang humakbang, tahimik at walang ingay para hindi maalarma ang dalaga.
Nang tuluyan na siyang makalapit at dahan-dahan niyang inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang sulok ni Jahaizah upang ikulong ito at hindi makatakas mula sa kanya.
Gulat na gulat ang dalaga na halos nabitawan na nito ang hawak niyang pinggan na kaagad namang nasalo ni Malrik.
“Careful there. You might hurt yourself, Puttanella,” paos na boses niyang bulong sa mismong tainga ng dalaga.
Napangiti siya ng makita niya ang sunod-sunod na paglunok ng dalaga. Ngunit, ang ngisi ng binata ay agad na nabura nang mahagip ng paningin niya ang panibagong markang nasa collarbone ni Jahaizah.
Ibinalik niya ang kanyang tingin sa mukha ng dalaga, at sa pagkakataong iyon ay madilim na ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Did you let him touch you?” umiigting ang pangang sambit nito.
Sa sandaling iyon ay si Jahaizah na ang ngumisi. Ipinagkrus ng dalaga ang kanyang mga braso at hinahamon ng tingin ang binata.
“Of course I will. He's my husband for Pete's sake. I will let him fvck me, bite me and mark me because I belonged to hi–”
“It's me who owes you, Woman!” mariing pagputol ng binata sa kanya.
Umalingawngaw ang sarkastikong halakhak ng dalaga na siyang mas lalong ikinainit ng ulo ni Malrik.
“Ikaw nga ang nakauna sa akin, pero hindi ibig sabihin niyon ay pagmamay-ari mo na ako. My husband owes me. At maliban sa kanya ay wala ng ibang nagmamay-ari sa akin.” Tugon ni Jahaizah.
Umangat ang sulok ng labi ni Malrik, at bigla-bigla na lamang nitong hinawakan ang panga ng dalaga. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon kung kaya ay umawang ang bibig ng dalaga.
“You wanna test me, huh?” he said smirking, then slowly he put his hand inside her cloth.
Naalarma si Jahaizah nang tuluyan nitong nahawakan ang d*bdib niya, pinisil ito ng binata at hindi niya napigilang kumawala ang isang ingay mula sa kanyang bibig.
Hindi niya binigyan ng tyansang manlaban ang dalaga nang siniil niya nang mapusok na halik ang labi nito. She tried to push him away, but he's too strong. Na kahit kaonting distansya lamang ay hindi niya nagawang mailayo ang binata sa kanya.
Malrik pressed himself on her body and the moment their chest touched each other's her breathing started to become heavy.
Pero gano’n na lamang ang gulat ng binata nang kagatin ng dalaga ang kanyang labi.
Napakurap siya, bahagyang natigilan, ngunit hindi man lang siya nagtangkang pigilan ang dalaga, sa halip ay lalo pa niyang nilaliman ang halik, mariin at mapang-angkin, hanggang sa halos maiyak na si Jahaizah dahil hirap na itong huminga.
Ilang segundo ang lumipas ay umalingawngaw ang mahinang halakhak ng binata sa pagitan ng kanilang paghah*likan. At bago tuluyang kumalas, marahan niyang pinaglandas ang dila sa gilid ng labi nito, parang tinatatakan ang kanyang teritoryo.
“Ang sarap mo, talaga,” bulong niya, mababa at doon na tuluyang nasagad ang galit ng dalaga.
Dumapo ang malakas na sampal sa pisngi ni Malrik, matinis ang tunog sa hangin. Ngunit sa halip na magalit, ay mas lalo pang lumaki ang ngisi ng binata, tila ba mas lalo siyang naaakit sa galit nito.
“Psycho!” galit na asik ni Jahaizah.
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Malrik, nanatili ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Para bang ang salitang iyon ay isang papuri, hindi insulto. Ang kanyang mga mata’y kumikislap sa halong saya at hamon, na para bang lalong ginaganahan sa bawat patak ng galit na ibinubuhos sa kanya.
“Too bad,” he drawled, eyes glinting with amusement. “This psycho will be living under the same roof as you… for months.” ngiti-ngiting sambit nito.
Sa galit ng dalaga ay inabot niya ang pinggan na nasa di kalayuan at basta-basta na lamang iyong inihampas sa gilid ng ulo ng binata.
“I hate you!” mariing sambit ng dalaga t malaki ang bawat hakbang na ginawa upang lisanin ang Kusina.
Napahawak si Malrik sa kanya ulo, at mas lalong nagliyad ang matinding apoy na nararamdaman niya ng makita niya ang d*go sa kanyang palad.
“H*ll yeah,” aniya at sinundan ng tingin ang dalaga. “Just hate me, Puttanella. I don't mind whatever it is, as long as you feel something towards me.”
TO BE CONTINUED…