JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
Kinabukasan…. nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para tingnan kung ano iyon.
Ang antok ko ay agad na nawala ng matanaw ko ang mahabang braso at malaking kamay ng isang lalaking nakapulupot sa aking bewang.
“What the….” mahinang sambit ko at mabilis na inalis iyon sa bewang ko.
Sa sobrang pagiging aligaga ko ay nahulog ako sa sahig. At doon ay natanaw ko ang mapupulang marka sa aking hita at tyan. Wala akong suot na kahit Isang saplot kung kaya ay kitang-kita ko ang mga markang iniwan ng ginawa namin kagabi.
Sinubukan kong tumayo, at halos maiyak ako dahil sa biglaang pagkirot ng gitna ko at ng buong katawan ko.
“T*ngina, Liora… Anong ginawa mo!” sa isip ko, at kahit na hirap ako ay isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nasa sahig.
Dumapo ang tingin ko sa aking cellphone, nilapitan ko iyon at halos manlamig ang buong katawan ko ng makita ko ang message ni Zennah. Isa sa mga kaibigang kasama kagabi.
Hindi lang siya ang nag-message sa akin kundi marami pa. Iisa lang Ang kanilang mga tanong at iyon ay kung ‘nasaan ako,”. Mariin akong napapikit at napatingin sa wall clock, napamaang ako dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang seremonya at nandito pa din ako.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga at dali-daling isinuot ang mga damit ko. At nang natapos na akong ayusin ang sarili ko ay nagtungo ako sa pinto, nang akmang bubuksan ko na iyon ay umalingawngaw ang baritonong boses ng lalaki na siyang nagpatigil sa akin.
Unti-unti akong bumaling sa kanya, at sa muling pagkakataon ay para akong kinulam. Hindi ko kaagad naiwas ang tingin ko sa oras na nagsimulang magtama ang tingin naming dalawa.
L*ntek na mga mata yan.
Kung hindi lang dahil dyan ay hindi ako bumigay. Masyadong mapang-akit ang mga mata niya, kaya kahit na alam kong ikakasal na ako ay hindi ko pa rin nagawang pigilan ang sarili kong malunod sa kanya.
“You're leaving?” Wika niya at nagsimulang umalis sa pagkakasampa sa ibabaw ng kama.
Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin, at para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang bumaba ang tingin ko sa parte ng katawan niyang sumira sa akin kagabi.
“Oh, should we have another round?” nakakalokong sambit niya at doon lamang ako nag-angat ng tingin sa kanya.
Nakagat ko ang dila ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Simpleng ngiti lang iyon, pero halos lamunin na ako nang buo.
Pero sa mga sandaling sumagi sa isipan ko si Adrian, ay bumalik ako sa reyalidad.
Ikakasal na ako at mali iyong nagawa ko. Habang buhay ko itong pagsisisihan, at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na malaman niyang ibinigay ko ang katawan ko sa isang taong hindi ko kilala.
“Excuse me, Mister or whoever you are! Its just a one night stand. I'm just drunk and I didn't know what I did last night.” Sipat ko sa kanya.
Ngumisi lamang siya, sinamaan ko siya ng tingin at agad na binuksan ang pinto at lumabas roon. Pabato kong isinara ang pinto at umalingawngaw ang malakas na tunog niyon sa buong hallway.
Bitbit ang sandals ko ay nagsimula akong tumakbo patungo sa elevator, at nang makapasok na ako sa loob ay agad kong tinawagan ang numero ng kaibigan ko.
“Nasaan ka ba?!” bungad nito, pagkasagot niya ng tawag.
Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang sapo-sapo ang noo at hindi alam kung ano ang isasagot.
“Wag ka ng magtanong. I'll be there in ten-minutes. Pakisabi sa make-up artist.” Saad ko at in-end ang tawag.
Huminto ang elevator sa ground floor, nang bumukas iyon ay mabilis akong tumakbo hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng building. Agad akong pumara ng sasakyan at mabuti na lang ay may kaagad na huminto sa harapan ko kung kaya sumakay na ako roon ay ibinigay ang address ko.
*****
A few hours later…..
“Now, let's give a round of applause to the bride!!!” dinig kong sambit ng mc, at ilang sandali lang ay unti-unting bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang magagandang ngiti ng mga bisita.
Sa mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang pagbigat ng buong katawan ko, na para bang ayaw kong tumuloy at tumakas na lamang. Pero hindi ko iyon nagawa nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Adrian, nakatayo ito sa altar at masayang nakatingin sa akin.
Parang sin*ksak ng punyal ang p*so ko. Nadudurog iyon para sa kanya, sobrang ganda ng ngiti niya at wala man lang siyang ideya kung ano ang ginawa ng babaeng mapapangasawa niya bago ang kanilang kasal.
Alam kong darating sa akin ang napakalaking karma, pagdating ng panahon. I know that he'll resent me, the moment he finds out I did it with someone else.
Tuluyan na akong nakalapit sa kanya, inilahad niya ang kanyang palad, sandali kong tinitigan iyon bago unti-unting tinanggap ang kanyang kamay at magkahawak kaming nagtungo sa harapan ng pari.
The priest began to speak. We already wore the rings and changed vows.
Hindi na tumagal pa iyon at umabot na kami sa pinakahuling seremonya na gagawin.
Adrian looked at me, hindi man lang nabura ang magandang ngiting iyon sa kanyang labi, habang unti-unting sinakopnng kanyang mga palad ang magkabila kong pisnge.
Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa tuluyang naglapat ang aming mga labi. He k*ssed me tenderly, I can feel how gentle he is as he kisses me.
Ibang-iba sa paraan ng h*lik na ipinadama sa akin ng lalaking nakasama ko kagabi.
“I love you, Jahaizah,” he whispered after he pulled away from our k*ss.
Ngumiti ako sa kanya at hindi mapigilang mapangiti ng mapait, dahil muling sumasagi sa isipan ko ang bagay na hindi ko dapat ginawa.
****
When the wedding ceremony ended, we went to the reservation for a mini celebration. All of the guests gathered there, including our close relatives.
Lahat ng bisita ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kamag-anak at ibang bisita. Habang kaming dalawa ni Adrian, at nilapitan ang iilan sa aming mga kaibigan upang batiin at pasalamatan.
“Hi!” masiglang bati ng isang babaeng, ka-trabaho ni Adrian.
Nakangiti itong lumapit sa akin at bumeso.
“Thank you for coming.” Usal ko at tumango lang siya.
Bumaling siya kay Adrian, at nakipag-shake hands. Ilang sandali pa ay nagsipalapitan ang ibang kaibigan ni Adrian, pero hindi nagtagal ang kanilang usapan ng biglang umingay ang kanyang cellphone.
Nagtaka ako dahil sobrang laki ng ngiti niya habang kausap niya ang kung sino sa cellphone. Ilang segundo nakalipas ay bumaling siya sa may entrance. Sinundan ko iyon ng tingin ay halos manlambot ang buong katawan ko.
Mula sa pinto ng bulwagan, isang hindi inaasang presensya ang biglang sumulpot. Nakasuot ng purong itim, at kanyang mukha ay nabalutan rin ng isang madilim na ekspresyon.
Hindi ko inasahan, hindi ko naisip.. ngunit narito talaga siya. Nang magtagpo ang aming mga mata, para akong nalunod sa lalim ng tingin niya. Mapusyaw ang kulay-hazel ng kaniyang mga mata, at sa gitna nito, sumisiklab ang maliliit na gintong tuldok na parang mga bituing nagliliyab sa ilalim ng gabi.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng lapitan ito ni Adrian, at mahigpit na niyakap, ngunit ang kanyang tingin ay nanatili pa rin sa akin.
Inakbayan ito ni Adrian, at sabay silang naglakad patungo sa direksyon ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ko man lang magawang ibaling sa ibang direksyon ang aking atensyon.
“This is my wife, Jahaizah,” nakangiting sambit ni Adrian.
Mula kay Adrian ay bumaling siya sa akin, pinagkatitigan niya ako at maya-maya pa ay unti-unti niyang inilahad sa akin ang kanyang palad.
“Sweetie, this is Malrik.” Ani ni Adrian.
Pilit akong ngumiti, nanginginig ang mga kamay kong tinanggap ang palad niya at halos mapamura ako ng tuluyang magdikit ang aming mga palad.
“It’s nice to finally meet you, Jahaizah.
I am Malrik, your husband's brother.”
TO BE CONTINUED.