Plead #1
“Are you going to eat here for dinner? “ tanong ni Danica sa asawa. Kasalukuyan itong nag-aayos ng nectie dahil papasok ito sa trabaho.Tiningnan lang siya nito ng malamig bago umiling at nagpatuloy sa ginagawa.
“I already cooked breakfast. Let’s eat before you leave!” aniya nagbabakasakali na pumayag ito. Hindi ito umimik, sa halip ay kinuha ang bag na ginagamit sa opisina bago walang lingon-lingong umalis.Binagsak pa nito ng malakas ang pinto na siyang ikinagulat niya.
He’s cold towards her.Mula pa noon ay ganito na ang lalaking makitungo sa kanya, sumobra lang noong naging mag-asawa sila at sapilitan ditong pahiwalayan ang girlfriend nito para pakasalan siya.Oo asawa siya nito pero sa papel lang iyon. Ni minsan ay hindi niya naramdamang itinuring siya nitong asawa lalo na pag sila lamang dalawa.
Nanghihinayang siya habang nililigpit ang inihanda niyang pagkain. Nawalan na siya ng ganang kumain kaya ililigpit na lang niya iyon.Hindi na siya natuto,ni minsan naman ay hindi sumabay kumain sa kanya ang asawa kaya ano pa bang ikinalulungkot niya. Dapat pa nga na ipagpasalamat niya na tumingin ito sa kanya kahit ramdam niya ang lamig niyon, kahit paano ay nagkakaroon na ito ng reaksyon sa kanya kasi dati-rati hindi manlang siya tinatapunan ng tingin nito, minsan pa nga feeling niya ay may sakit siyang nakakahawa kung lumayo ito.
Pagkatapos magligpit ay dumiretso siya sa kwarto niya. Magkabukod sila ng kwarto ng asawa dahil ayaw nitong kasama siya.Kulang na lang ay palayasin siya nito sa tuwing umuuwi ng bahay at nakikita siya. Ramdam niya ang galit,poot, pandidiri, at pagkasuklam nito sa kanya sa minsang makakasalubong niya ang tingin nito.Mahal na mahal niya ang asawa mula pa noong bata siya kaya kahit ganito ang pakikitungo nito sa kanya ay okay lang iyon, ang mahalaga ay kasama niya ito at ginagamit ang apelyido.
Naputol ang kanyang pag-iisip ng marinig niyang tumunog ang cellphone. Nakita niyang ang lolo niya ang tumatawag.
“Hello hija?”
“Lo!” masayang bati niya dito.
“Kumusta na kayo ng asawa mo? Masaya naman ba kayo?”
Natigilan siya sa narinig. “Ah… Oo po lolo, masaya po kami.Mabait po sakin si Marco, palagi niya akong binibilhan ng pasalubong,” pagsisinungaling niya.
“Mabuti naman Hija! Tama lang ang desisyon ko na ipinakasal kita sa kanya.”
“Opo lolo, masaya po ako!” muling pangungumbinsi niya sa sa kausap at sa sarili.
“May laman na ba Hija? Makakaasa na ba ko ng apo sa tuhod mula sayo?” tanong ng matanda pagkatapos ay humalakhak.
“Lolo naman eh!”
“Natural na yan Hija lalo na at mag-asawa na kayo.Bueno! ako’y magpapaalam na, kinumusta ko lang naman ang aking paboritong apo, mamamasyal pa kami ng mga kumpare ko.”
“Sige po Lo! Ingat kayo! Pasalubong Lolo” pahabol niya sa matanda bago binaba ang tawag.
Ang lolo niyang iyon ay ama ng kanyang ina. Paborito siya nito sa kanilang magpipinsan palibhasa ay nag-iisa siyang babaeng apo. Sunod sa layaw at palaging ibinibigay ang kung anumang gustuhin niya. Ang pinakahuli nga ay ang paghiling niya ditong maipakasal kay Marco, ang lalaking mahal na niya noon pa man. Kasalukuyan itong nasa ibang bansa para magliwaliw at bisitahin ang iba pa nilang mga kamag-anak doon.
Napagpasyahan niyang dalhan na lang ng lunch ang asawa sa opisina para hindi na ito magpadeliver ng pagkain.Sa isiping kakainin nito ang luto niya ay inabala niya ang buong oras sa paghahanda ng pagkain. Nagluto siya ng adobo na halos mawalan ng sabaw at fried chicken na may kaunting sunog pagkatapos ay nilagyan niya iyon ng kanin.
Hindi siya gaanong magaling magluto palibhasa ay lumaki siyang ibinibigay ng katulong ang lahat ng kailangan niya. Pero ng magka-asawa ay pinag-aralan na niya iyon dahil gusto ni Marco na wala silang kasambahay.
Okay lang naman sa kanya iyon dahil siya ang gumagawa ng mga gawain sa bahay. Feeling niya ay housewife siya sa tuwing pinagsisilbihan niya ito.
Pagpatak ng alas-onse ay nagdrive na siya papunta ng opisina ng binata. Isa itong Engineer at may sariling construction company. Siya nama’y isang fashion designer pero dahil nag-asawa ay hindi na siya pinagtrabaho ni Marco na sinang-ayunan ng kanyang lolo,ang gusto nito ay nasa bahay lang siya.
Mayaman ang pamilyang pinagmulan ni Marco pero mas mayaman ang lolo niya at maimpluwensya. Tinagurian itong business mogul dahil walang makalampas sa galing nito sa pamamahala. Chains of Hotels at Casinos ang pagmamay-ari nila samantalang ang pamilya ni Marco ay mga construction firm.
Pagdating sa opisina ng asawa ay pinigilan siya ng sekretaryang pumasok. Nakita niya ang alanganing ngiti nito sa kanya ng akmang bubuksan niya ang pinto.
“Ma’am… ahh , may kasama po kasi si sir sa loob,”imporma nito.
“Ka meeting ba? Hindi naman ako magtatagal, dadalhin ko lang itong hinanda kong lunch niya” ngiti niya sa babae.
Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng muli siyang pinigilan nito. “Ma’am… hindi po talaga p’wede!”tila natatakot na sabi nito kaya agad siyang nagka ideya kung anong nasa loob.
Binuksan niya ang pinto ng opisina ng asawa para muling matigilan sa nakita. Isang babae ang nakaupo sa lamesa nito habang hinahalikan ng asawa niya ang leeg. Bahagya pang nakababa ang strap ng dress ng babae.
Nanikip ang dibdib niya sa nakita lalo na ng makita niyang ipinagpatuloy ni Marco ang ginagawa kahit alam nitong nakikita niya. Tila binuhusan siya ng asido sa dibdib, sobrang sakit niyon kaya muli niyang sinarhan ang pinto.
“Ma’am!” tawag sa kanya ng sekretarya.
Dire-diretso siya sa elevator, panay ang agos ng luha niya. Ang sakit na makitang may iba ang asawa mo, mas lalong doble ang sakit dahil hindi lang ito ang unang beses na nangyari iyon. Minsan ay nagdadala din ito ng babae sa bahay nila. Magdamag niyang titiisin ang sakit na naririnig habang umuungol ang babae nito sa kabilang kwarto na dapat ay kwarto nila.At ang sukdulang sakit doon ay alam ni Marco na alam niya ngunit wala itong pakialam kahit madurog siya ng paulit-ulit.
He's cruel but she loves him so much.Hindi niya alam kung martir lang siya o manhid na.Pero naisip niyang ginusto niya ito, pinili niya ang landas na maging asawa ito so she must bear with the consequences.
Pagkauwi sa bahay ay nilibang niya ang sarili sa paglalaba ng mga damit niya at damit ni Marco.Isinantabi niya ang nararamdaman dahil wala na siyang magagawa doon.Iniyakan na niya kaya siguro ay lilipas din.
Pagdating ng gabi ay nagluto siya ng hapunan kahit alam niyang late o hindi na naman uuwi ang asawa.
Bandang alas nuebe ay humiga na siya ngunit nagulat siya ng marinig niya ang tunog ng sasakyan ng lalaki.Agad siyang bumangon at hinamig ang sarili, humarap siya sa salamin at siniguradong presentable siya.
Suot ang puting nighties ay bumaba siya sa first floor ng kanilang bahay.Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit dahil alam niyang wala lang kay Marco kung anuman ang suotin niya, kahit ata hubad siya ay wala itong mararamdaman.
Naabutan niya itong nagtatanggal ng sapatos,tinulungan niya ito at siya na mismo ang naglagay sa kanilang shoe rack.Hindi manlang nagpasalamat ang lalaki, iniwan siya nito doon at dumiretso na sa loob.
"I prepared dinner, iinitin-"
"Don't bother, I had eaten already!" malamig nitong turan.
Napakagat siya ng labi pagkatapos ay tumango.Tinalikuran siya ng asawa at pumanhik na ito sa second floor patungong kwarto.
"Atleast wala siyang inuwing babae ngayon!" pakonswelo niya sa sarili.