Plead #2

1265 Words
Tinanghali siya ng gising kinabukasan dahil napuyat siya sa pag-iisip ng gabi kung paano maaayos ang relasyon nilang mag-asawa. Desidido siya na ayusin sila, ang kailangan niyang gawin ay isipin kung paano kukumbinsihin si Marco na subukang mag work-out ang kanilang relasyon. Agad siyang bumangon para magluto ng umagahan. Alas-otso umaalis ang asawa, 7:15 na pero pwede pa siyang magluto ng umagahan nito.Tiningnan niya ang kabilang kwarto, tahimik doon; siguro’y nagliligo ang binata sa kabilang parte kaya wala siyang marinig na ingay. Nagluto siya ng bacon na may kaunting sunog, ham na hindi pantay ang pagkaluto, at sunny side-up na hindi maganda ang pagkakabuo pero pwede ng pagtyagaan. Naghanda din siya ng kanin, tinapay, at gatas para may pilian ang asawa. Nakangiti siyang inaantay ito, kumakanta pa siya habang naghahanda ng table. Pagtingin niya sa wristwatch ay alas-otso na pero hindi pa din bumababa si Marco. Umakyat siya sa kwarto nito at kumatok. Nag-antay siya ng ilang sandali, idinikit nya ang tenga sa pinto pero hindi niya binuksan iyon. Dati ay nagalit sa kanya si Marco ng magpasok-pasok siya ng kwarto nito dahil hindi ito umiimik,yun pala ay naliligo ito, ilang araw itong hindi umuwi sa galit sa kanya at sa kompanya natutulog.Kaya hindi na ulit siya nag-attempt na gawin iyon. Wala siyang marinig sa loob. “Bahala na nga,”wika niya sa isip.Pinihit niya ang seradura ng pinto. Tumunog ito tanda na hindi ito naka-lock. “Marco!” tawag niya sa asawa. Pinasadahan niya ng tingin ang kwarto, wala ito sa kama. Malinis ang kwarto ng asawa.Ito ang personal na naglilinis niyon, ayaw din nito noong una na labhan niya ang damit nito pero dahil mapilit siya ay hinahayaan nalang siya nito. Nagtungo siya sa banyo para icheck, wala din doon ang asawa. Nanlumo siya, hindi kaya umalis na ito? Lumabas siya ng kwarto ng asawa,balak niyang puntahan ang garahe para tingnan kung nandoon ang kotse ng asawa. Ngunit wala din iyon, umalis na nga ito. Bakit ba na late siya ng gising? Hindi niya tuloy ito naabutan, sayang naman ang agahan na niluto niya. Wala siyang nagawa kundi kainin ang pagkain na inihanda niya mag-isa, ang natira ay ipapakain niya sa kanyang alagang aso na isang black na american bully.Ibinigay ito sa kanya ng mama ni Marco noong mag 21 years old siya, aniya ay regalo ng asawa na ibigay sa kanya pero duda niya ay hindi talaga dahil ng tanungin niya ito ay hindi ito kumibo.Ganunpaman ay itinuturing niyang anak nilang dalawa ni Marco ang bibong aso. “Hyper!” tawag niya sa aso na siguradong naglalaro sa kanilang bakuran dahil pinakawalan niya. Madalas kasi ay kinukulong niya ito dahil kapag lumalabas siya ay tumatakbo din ito sa kalsada. Natatakot siyang masagasaan ito ng mga sasakyan. Medyo malayo pa ang kalsada sa kanilang bahay pero mas mabuti na ang nag-iingat kaya ikinukulong niya ito. Lumapit ang aso sa kanya at naglambing,ikinakawag nito ang buntot sa may kanyang paa.Tumawa siya pagkatapos ay umupo at hinipo ito, ibinigay niya ang dala niyang natirang pagkain sa pinggan at nilagay ito sa bowl na siyang binili niyang kainan ng aso. Hindi ito maarte sa pagkain kaya tiyak niyang kakainin nito ang niluto niya. Kinain ito ni Hyper habang kumakawag-kawag ang buntot na tila tuwang-tuwa. Hinihimas naman niya ang likod nito, mabait ang aso at malambing, bagay na nagustuhan niya dito. “Mabuti ka pa hyper, kinakain mo ang niluluto ko, pero ang daddy mo hays…” pagkwento niya sa aso. “Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin, dinadaan-daanan niya lang ako na parang hangin tapos alam mo ba hyper, nahuli ko na naman siyang may babae!” nagsusumbong na kwento niya sa aso na tapos na palang kumain at nakatingin na din sa kanya na tila nakikinig. Natawa siya dito dahil humiga agad ito sa harap niya. “Ikaw talaga, antamad mo, kakakain mo lang eh!” patuloy na pagkausap niya dito. Nalilibang siya sa pagkwento sa aso ng tumunog ang cellphone niya na inilagay niya sa short na suot. Ang bestfriend niyang si Maxine ang tumatawag.Bunsong kapatid ito ni Marco at kasalukuyang nasa ibang bansa kasama ang boyfriend nito. Napangiti siya bago sagutin iyon. “Bff hello!” maligayang bungad nito sa kanya. “Max! How are you?” aniya habang nakangiti. “Okay lang kami dito, eh ikaw diyan? Kumusta na ang pakikitungo ni Kuya sayo? Maayos ba? Sabihin mo lang Bff bubugbugin ko talaga yan” mahabang litanya nito na ikinangiti niya. Opposite ang ugali nito kay Marco, kung ang asawa ay sobrang tahimik ang kapatid naman nito ay maingay,kalog, at sobrang protective sa kanya. Ito ang nakakaalam kung paano talaga siya tratuhin ng asawa, wala siyang itinatago dito dahil mula bata pa lang ay kasama na niya ito sa lahat ng kalokohan. Kaya nga kahit ayaw nito na pakasalan niya ang kuya nito dati dahil hindi siya nito mahal ay pumayag na din ito dahil sa kanya. “Tapatin mo nga ako Bff, maayos na ba ang trato sayo ni Kuya ha?” tanong nito pagkatapos niyang tumahimik sa linya. “Wala namang nagbago Max, ganoon pa din naman siya sa dati. Cold pa din.” “Ayan na nga ba ang sinasabi ko, bakit ba kasi pinakasalan mo yun, sobrang ganda mo naman mana ka sa akin, si Kuya bakulaw yun!” Napangiti siya, baliw talaga ang kaibigan, pati ang kapatid nito ay sinisiraan na din basta siya ang usapan. “Kidding aside Bff, namimiss na kita, di bale uuwi na din ako next week, kung bakit ba naman kasi itong si Troy ay napakatagal ng meeting dito, ayan tuloy extend kami ng extend dahil sa mga projects niya.” Isa ding Engineer ang boyfriend ng kaibigan, kaibigan naman ito ng kanyang asawa. “It’s okay Max, enjoy your stay there. Pasasaan ba at lalambot din ang puso ng kapatid mo sa akin!Tingnan mo bukas makalawa, baka ang problemahin mo naman ay paano kami mapapaghiwalay.” wika niya na puno ng confidence. “You’re impossible! Inlove ka nga! Sige na Bff, I’ll call you nalang ulit ha? Pupunta kasi kami sa labas ni Troy, idi-date niya daw ako.” kinikilig na wika nito. “Okay Max, ingat kayo!” masiglang sabi niya dito bago ibaba ang tawag. “You’re hopeful that I will love you?” Bigla siyang napatalon ng may magsalita sa kanyang likod, muntik pa niyang mabitawan ang cellphone sa gulat. Napatingin siya sa asawa. Tila kadarating lang nito dahil may kaunting pawis pa ang visible sa noo. “Kanina ka pa?” tanong niya dito hindi pinansin ang naunang sinabi. “Yes! And I heard it all including your confidence that I will also love you” nang-uuyam na wika nito habang unti-unting lumalapit sa kanya.Umuurong naman siya,mabuti na lang at nakaalis na si hyper kundi ay nayapakan na niya ito, natanaw niya itong nilalaro ang bola sa gilid. Hinila siya ni Marco ng malakas, muntik na siyang mapasubsob dito. Hindi pa siya nakakabawi ay nagsalita ito sa may tenga niya na nagdulot ng kiliti, idagdag pa ang malapit na distansya nila. Dinig niya ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib. “Dream on! I will never love a bratty selfish like you. Isang taong ginagamit ang impluwensya para lang makuha ang gusto!” nandidiring wika nito pagkatapos ay binitawan siya ng malakas na naging dahilan para matumba siya. Naiwan siyang nakatulala sa sinabi nito.Napahikbi siya, diring-diri pa din ang binata sa kanya. Galit na galit ito, paano ba niya mapapalambot ang puso ng lalaking sa una pa lang ay wala ng interes sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD