Itinulog niya ang nararamdamang sama ng loob sa asawa.Hindi siya nag-abalang kumain ng tanghalian, nandoon lang siya sa kwarto, nakahiga at nagkukulong.Biglang sumama ang pakiramdam niya tila lalagnatin pa yata siya.
Nang dumating ang hapon ay pinilit niyang bumangon para magluto ng hapunan.Nagluto lang siya ng afritada at kanin. Buti na lamang at may natira pa siyang stock sa ref, pero konti nalang iyon, kailangan na rin niyang mamili sa isang araw kundi ay mauubusan siya ng lulutuin.
Uminom siya ng paracetamol dahil sobrang masakit ang ulo niya.Hindi na siya kumain dahil pakiramdam niya ay isusuka niya iyon. Bumalik siya sa kwarto para magpahinga, wala siya sa mood na makita ang asawa. Oo at natitiis niya ang masasakit na salita nito pero ang ginawa nitong pagtulak sa kanya ay parang labis na dahil wala naman siyang ginagawang masama dito.Unang beses nito iyong gawin sa kanya kaya siguro ay labis ang naramdaman niyang sakit.
Nagising siya sa ungol na nagmumula sa kabilang kwarto. Tangina! May iniuwi na naman siyang babae. Mas lalong sumama ang pakiramdam niya, ng feeling niya ay naduduwal siya ay nagtungo siya sa cr at doon sumuka sa bowl. Joint ang kwarto nila ni Marco kaya iisa lang ang cr nila. Kaya ngayong nandoon siya ay dinig na dinig niya ang nangyayari sa kabilang kwarto.
Nanghihina niyang flinush ang bowl at lumabas ng cr.Sinarhan niya iyon ngunit ang ungol na nagmumula sa kabila ay tila nag-eecho sa kanya. Naluluha siyang naglalakad pabalik sa kama ng biglang dumilim ang paningin niya at bumagsak siya sa sahig.
Nagising siya ay maliwanag na , nakahiga na siya sa kanyang kama at may kumot na nakatabon sa kanyang katawan.Natanaw niyang may bimpo na nakalagay sa maliit na planggana sa may side table niya na may tubig. May thermometer pa doon.
Luminga-linga siya sa paligid pagkatapos ay nagpilit bumangon para sumandal sa headboard. Medyo maayos na ang pakiramdam niya, hindi na masyadong masakit ang ulo niya gayundin ay hindi na mainit ang kanyang temperature hindi katulad ng nagdaang gabi.
Bumukas ang kanyang pinto at pumasok doon si Marco, may dala itong mangkok na nakalagay sa isang tray. Nakikita niya ang salubong na kilay nito pagkatapos ay malamig na tingin sa kanya.
"Eat this soup before it gets cold." wika nito pagkalapit sa kanya. Ipinatong ang dala sa kanyang kama matapos nitong tanggaling ang dulo ng comforter sa ibaba ng higaan. Umalis ito at agad ding bumalik na may dalang maliit na table , ipinatong nito doon ang bowl at utensils matapos tanggalin sa tray.
"Salamat"
"Don't think that this has other meaning, I don't want my family to think na minamaltrato kita dito.And please lang, if you are not feeling well, just don't do anything even cooking!" malamig pa ring wika nito pagkatapos ay may dinukot sa bulsa na gamot at ipinatong sa table na nasa harap niya.
"Drink this if you're done!" aniya pagkatapos ay tumalikod. Sinundan niya ito ng tingin para lang makita ang babaeng nasa may pinto, tantiya niya ay kapapasok lang nito doon.
It's Stella Ong, his long-time girlfriend bago siya pakasalan. Nakatingin ang babae sa kanya pagkatapos ay nagtaas ng kilay.Sumabay ito kay Marco palabas pagkatapos ay inangkla ang braso sa asawa niya. Naka bathrobe lang ito ng black na sa tingin niya ay gamit ng asawa.
She's back! Ang babaeng mahal na mahal ng asawa niya. Ang babaeng pakakasalan dapat nito. Ang babaeng binigyan nito ng engagement ring sa mismong harap niya.
Tumulo ang luha niya.Akala niya'y magiging masaya siya dahil sa ginawa ng lalaki ngunit ng makita ang kasama nito na siyang marahil kaniig ng asawa kagabi ay bumagsak ang balikat niya.
Paano na siya lalaban kung nagbalik na ang babaeng pinakamamahal ng asawa.Sa tingin nito sa kanya kanina ay tila sinasabi nito na hindi niya kailanman napaltan ang pwesto nito sa buhay ng lalaki.Oo siya ang pinakasalan ngunit dinala nito ang puso ng lalaki sa pag-alis nito. Alam niya kung gaano nagluksa si Marco ng iwanan ito ni Stella matapos malaman ang tungkol sa pagpapakasal nila. Kung gaano ito nagwala at binuhos sa alak ang nararamdaman.
Nanlulumo siyang ininom ang gamot pagkatapos kainin ang soup na ibinigay ng asawa. Hindi ngayon ang oras para magkasakit siya dahil nandito na si Stella.Nandito na ang karibal niya, kung dati-rati ay madaling tanggalin ang selos na nararamdaman niya sa mga babae ng asawa iyon ay dahil sa alam niyang walang feelings dito si Marco.Ngunit iba na ngayon, iba na kapag si Stella ang usapan.Hindi niya ibabalik si Marco dito, ilalaban niya ang kanyang karapatan kahit anong mangyari.
Agad siyang bumangon ng dumating ang oras ng tanghalian.Mabuti na ang kanyang pakiramdam, wala na ang sakit ng ulo. Marahil ay nakatulong ang pagkain at pag-inom niya ng gamot kanina samahan pa ng pagpahinga niya ng ilang oras.
Suot ang isang jeans at crop-top na pinaresan niya ng 2 inches stilleto ay nagtungo siya sa isang italian restaurant na malapit. Balak niyang bilhan ng tanghalian ang asawa para magpasalamat na din sa paghanda ng pagkain nito sa kanya kanina.
She looks sophisticated as she goes inside the restaurant.People are looking at her, sanay na siya roon. Hindi sa pagbubuhat ng bangko ngunit sinasabi ng lahat na maganda siya.Her height is 5'7,kaya maraming nag-aalok sa kanyang mag modelo na palagi niyang tinatanggihan dahil wala siyang makitang rason para gawin iyon.Ayaw ni Marco sa mga babaeng nakikita sa magazine, ang gusto nito ay simple lamang katulad ni Stella, kaya hindi na din siya nagtangkang tumanggap ng career tungkol sa pagmomodel.
Ang kanyang maliit na mukha na may roong maliit ngunit matangos na ilong ay itinuturing niyang asset, ang labi niyang kahit hindi niya lagyan ng lipstick ay sadyang mapula, makapal din ang kanyang kilay at maganda ang arko nito, ang panga niyay maliit ngunit bagay sa kanyang kabuuan.Higit sa lahat ay ang itim na itim niyang mata na minana niya sa kanyang ama.Agaw pansin iyon dahil ayon sa kanyang best friend ay tila hinuhusgahan na niya ang kanyang kaharap kahit tinitingnan lang naman niya.
Umorder siya ng isang Italian recipe na paborito ni Marco.Dahil sa pagmamahal niya doon mula noon ay kabisado na niya ang lahat tungkol dito. Ang ayaw at gusto nitong pagkain, ang mga ayaw nito sa babae gayundin ang gusto nito, at paborito nitong kulay maging ang mga damit na gusto nitong suotin. Napangiti siya, sana ay magustuhan ng binata ang binili niya, di bale na ang tungkol kay Stella.Siya ang asawa kaya ito ang sumisira sa relasyon nila ngayon hindi siya.Habang naghihintay ay umupo siya sa isang table sa parteng gilid ng restaurant.
Natanggal ang ngiti niya ng makita ang pumasok, si Marco iyon at si Stella, nag-uusap ang dalawa, bahagya pang tumatawa si Stella ngunit si Marco ay tumitingin lang dito habang naglalakad.
Eksakto namang isinerve na ng waiter ang kanyang order na take out kaya natabunan siya nito.Tama lang iyon dahil nakita niya ang pagbaling sa kanya ni Stella sabay ngisi nito. Akmang susulyap din si Marco sa may kanya ngunit hinila na ito ni Stella sa may VIP Room ng restaurant.
Napatingin siya sa pagkain na inorder, wala din palang kwenta iyon dahil nagtatanghalian na ang asawa niya.Napailing siya pagkatapos ay tumayo at lumabas ng establisyimento. Nang may makitang bata na nakaupo sa gilid ay nilapitan niya ito at binigyan ng pagkain.
"Bata, sayo nalang ito oh!" aniya pagkatapos ay inabot dito ang kanyang dala. Nakita niya ang ilan pang bata na marahil ay naagaw niya ang atensyon sapagkat nagtatakbuhan ang mga ito palapit sa kanya.
"Ate kami din po, pahingi!" sabay-sabay na wika ng mga ito.Naawa siya sa itsura ng mga bata, payat ang mga ito at halatang gutom.Ang mga damit ay marumi at tila walang mga magulang.
"Gusto ninyo bang sumama sa akin? May foundation ako na nangangalaga sa mga bata na nagpapagala-gala na katulad ninyo.Doon ay masisigurado ko na sapat ang inyong pagkain, meron din kayong matutulugan, tapos may mga laruan din kayo." Masayang tanong niya sa mga ito. May foundation siya, hindi iyon alam ng lahat maliban sa kanyang lolo at sa best friend niya na si Maxine.Hilig na kasi niya ang tumulong mula pa noon, kaya ng mag-18 years old siya at tanungin ng lolo kung ano ang kanyang gusto ay sinabi niya na gusto niyang magkaroon ng sariling foundation na makakatulong sa mga bata kaya pinatayuan siya nito.
Sa ngayon ay nasa 300 na bata na ang nandoon, ang perang ginagamit nila sa pangangailangan ng mga ito ay mula sa mga donations ng ilang mga mayayaman na nais ding tumulong tulad niya,gayundin ay ang perang kinikita niya sa pag- racket sa kanyang pagguhit ng mga gowns na binibili sa kanya ng ilang fashion company para gamitin ng mga ito.
"Sige po ate,sasama po kami.Salamat po sa inyo!" wika ng batang sa tantiya niya ay pinakamatanda.Lima ang nandoon.
"Sige, anong mga pangalan ninyo?"
"Ako po si girlie ate ganda" wika ng batang babae habang ngumingiti at pinapakita ang bungi nitong ngipin. Nginitian niya ito pabalik.
"Ako po si Joshua"
"Ako naman po si Mayann"
"Trisha naman po ang pangalan ko."
"Andrea naman po ate ang pangalan ko.Kapatid ko po si Joshua at Mayann, samantalang ay pinsan ko po si Girlie at Trisha."
"Pwede ninyo akong tawaging Ate Danica." pagpapakilala niya sa mga ito sabay abot ng kamay sa bawat isa.
"Asan na pala ang mga magulang ninyo?" tanong niya sa mga ito habang kumakain sa Jollibee.Dinala niya ang mga ito doon para pakainin, mamaya'y dadalhin niya ang mga ito sa mall para ipamili ng mga gamit.
"Wala na po kaming magulang ate, namatay po sila sa sunog kaya po palaboy-laboy kami ngayon.Galing po kami sa Tondo, doon po kami dati nakatira pero dahil namatay na ang mga magulang namin ay umalis na din po kami doon hanggang sa mapadpad kami dito," malungkot na wika ni Andrea.
Naaawa niyang tiningnan ang mga ito.Malupit ang mundo para sa mga bata sa murang edad. Ipinapangako niyang simula ngayon ay ibibigay niya ang pag-aalaga sa mga ito.
Pagkatapos kumain at dumiretso sila sa mall.Tuwang-tuwa ang mga bata habang namimili ng mga damit kaya hindi niya maiwasang mapangiti din.
"Ate salamat po ha?Hulog po kayo ng langit sa amin." Sabay-sabay na wika ng mga bata pagkalabas nila ng mall, niyakap siya ng mga ito, niyakap din niya ang mga iyon pabalik.Maliit na bagay sa kanya ang ginawa ngunit ang makita ang saya sa mukha ng mga bata ay nakapaghatid ng hindi maipaliwanag na saya sa kanya.
Pagkatapos niyang ihatid ang mga bata sa foundation at ibilin kay Nikki na siyang kasalukuyang namamahala sa mga iyon ay umuwi na siya ng bahay. Saglit niyang nakalimutan ang problemang kanina ay nakadagan sa kanya.
Ang sarap talagang tumulong! Ngingiti-ngiti niyang bulong sa sarili habang papasok ng bahay nila ni Marco.