Plead #4
"Where have you been?" malakas na boses ni Marco ang narinig niya pagkapasok niya sa salas ng kanilang bahay.
"Ay palaka!" napasigaw siya sa gulat dito.Nakapatay ang ilaw kaya akala niya ay wala pa ang asawa, bakit hindi niya napansin ang sasakyan nito sa garahe nila.
"Saan ka galing? Alam mo bang kanina pa ako nandito? Diba sinabi ko na magpahinga ka, masama ang pakiramdam mo diba?" sunod-sunod na sinabi ni Marco kaya natigilan siya.Tunog nag-aalala ang boses nito.
"Ah...lumabas lang, sumagap ng hangin." mahina niyang sagot habang pinipigilan ang pag-ngiti.Masaya siya na nag-aalala ang asawa sa kalagayan niya, simple lang ang bagay na iyon ngunit tila hinaplos niyon ang kanyang puso sa saya.
"Why are you smiling?Do you think I care about you?"
"Hindi ba?" malakas ang loob na tanong niya.Nais niyang subukan muli ang chance sa asawa.
"No. I DON'T CARE ABOUT YOU! AND NEVER WILL BE!" aniya na nakapagdulot ng lungkot sa kanyang puso.
Ayan Danica, tatanong-tanong ka pa,tapos mamaya iiyak ka na naman.
"Ok.Bakit mo ba ako hinaha-..este iniintay?"
"My parents called... may dinner daw sa bahay bukas. Wear something presentable, ayokong mapahiya." wika nito bago siya iwan sa salas.
Asa pa more Danica, hindi ka nga mahal.
Pagdating niya sa kwarto ay namili siya ng pwedeng suotin, madami naman siyang damit dahil palagi siyang pinadadalhan ng kanyang lolo.Ang personal shopper nito ang namimili para sa kanya, from casual to formal party dress; kumpleto siya noon.
She picked a simple lavender dress na medyo conservative ang style. Tuwing may party o okasyon silang dadaluhan ni Marco ay ayaw na ayaw nitong magsusuot siya ng mga fitted na damit, aniya ay mababastos lang siya doon at ayaw nito ng gulo.Kaya naman tuwing mamimili siya ng suot ay palagi niyang iniisip ang sinasabi nito para hindi ito magalit sa kanya.
Pagkatapos mamili ng susuotin ay nag-ayos na siya ng sarili para matulog.Busog naman siya kaya matutulog na siya.Bitbit ang tuwalya ay dire-diretso siya sa bathroom.Pagbukas niya ay agad siyang tumili ng makita si Marco na walang saplot at kasalukuyang nagbibihis.
"Sorry!" aniya pagkatapos ay agad niyang sinarhan ang pinto ng cr. Bakit ba hindi iyon ini-lock ng asawa? Hindi naman sila nagkakaproblema kahit parehas sila ng cr, nasanay na siya doon. Tuwing ganitong oras naman ay nakahiga na ang asawa kung wala itong kasamang babae or di kaya ay nagtatrabaho sa laptop nito.
Napakagat-labi siya ng maalala ang nakita. Napakagwapo ng asawa niya.Ang prominenteng ilong nito na perpekto ang pagkatangos, ang makapal nitong kilay, ang manipis nitong labi, at ang perfect jaw nito na may kaunting stubbles.Idagdag pa ang malapad na dibdib ni Marco na may tumutulo pang konting tubig, tila ang sarap niyong pasadahan ng labi para matanggal.
Tangina! He's huge, partida na tulog pa iyon.What more kung gising Danica, pucha!ang sarap luhuran.No wonder madami ang baliw sa asawa niya.
Nakatayo pa din siya sa harap ng pinto ng banyo habang pinapantasya ang asawa ng bumukas iyon at tumambad sa kanya si Marco na nakabihis na.
"Nagustuhan mo ba ang nakita mo Danica?" nang-uuyam na wika nito. "You'll keep on dreaming about it because even you're the last woman on earth, I will never sleep with you. Dream on woman!" malakas nitong wika bago siya pagsarhan ng pinto.
Okay na sana eh, napaka demonyito lang talaga ng asawa niya. Perpekto na ito, wag lang magsasalita ng kung ano about sa kanya.Tila isa siyang allergy na pilit nitong tinatanggal sa kanyang katawan.
Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling buksan ang bathroom.Wala na doon si Marco kaya pagkakataon na niyang gawin ang kanyang seremonyas bago matulog. Dali-dali siyang nag hot bath, ok naman ang kanyang pakiramdam.Siguro'y sumama lang ang pakiramdam niya kahapon dahil nalipasan din siya ng gutom.
Pagkatapos maligo ay agad na siyang humiga para makapagpahinga ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Bumangon siya at nagpasyang bumaba na muna para uminom ng gatas.
Hindi na siya nag-abalang magbukas ng ilaw dahil kabisado na niya ang bahay.Hindi pa siya bumababa sa may hagdan ay naulinigan niyang may nagsasalita sa kanilang veranda sa second floor.Dahil sa pagiging curious ay pumunta siya roon, tila may kausap si Marco sa cellphone.
"I told you she's nothing! You don't have to be jealous. Ikaw lang ang mahal ko, don't worry ginagawan ko ng paraan para siya na mismo ang makipaghiwalay. It's better that way, para walang hassle, then we can marry right away if you want hmm..."
"Yeah hon... I'll do everything para mawala siya sa landas natin!"
Tangina! Dapat pala hindi na siya nakinig.Tila pinipiga ang puso niya sa sakit.May balak na makipaghiwalay ang asawa sa kanya at bumalik sa babae nito, marahil kay Stella.He will do everything para mawala siya, ibig sabihin kaya siya nitong patayin? Ang sakit-sakit !
Umurong siya kaya natabig niya ang vase na nakalagay sa gilid.Lumikha iyon ng tunog ng pagkabasag.Tumakbo siya sa kabilang parte habang humihikbi, hindi dapat malaman ni Marco na narinig niya ang balak nito.Ayaw niya ng komprontasyon, hindi ngayon!
Nakita niyang nilapitan ni Marco ang vase na nabasag pagkatapos ay luminga linga ito, mabuti nalang at may malaki silang halaman sa parteng iyon, nagkubli pa siyang lalo.Natanaw niyang hinayaan lang ng asawa ang nabasag pagkatapos ay dumiretso ito sa harap ng kwarto niya. Akmang kakatok ngunit ibinaba din ang kamay, bahagya pa nitong nilapit ang tenga sa may pinto niya, marahil ay pinakikinggan ang loob. Mabuti na lang at hindi siya nagbukas ng ilaw bago lumabas.Blessing in disguise ang katamaran niya kanina.
Nang siguro'y matiyak na tahimik sa loob ay dumiretso ito sa kabilang kwarto na pag-aari nito.
Doon bumuhos ng tuluyan ang luha niya.Nanghihina siyang napaupo sa kinaroroonan. Perpekto ang tingin niya sa asawa mula pa noon kaya hindi niya alam na kaya nitong gawin ang lahat para lang mawala siya. For years, she only love him, she focused on how to get his attention, how to make him fall for her, and how to make him obsessed with her just like how she is to him.
He is evil, she should loathe him.Iyon ang nasa isip niya habang nasa kwarto. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagmahal siya ng lalaking makasarili.She put him on pedestal, minahal niya ito ng walang hinihinging kapalit mula pa noon ngunit ito ang makukuha niya. Masasakit na salita, sakit ng damdamin tuwing may babae itong kasama at kaniig, at higit sa lahat ang plano nitong tanggalin siya sa landas nito para lang makasama ang babae nito.