Plead #5

1172 Words
WHEN IT ALL START ... Naglalaro siya sa sarili niyang playground sa labas ng kanilang bahay ng bigla siyang tawagin ng kanyang lolo. Pagkatapos bumaba sa swing sa pamamagitan ng pag-alalay ng kanyang yaya ay agad siyang pumunta sa kanyang lolo para bumati. "Lolo!" masayang salubong niya dito pagkatapos ay yumakap sa hita nito. Bumaba naman ang kanyang lolo sa kanya pagkatapos ay binuhat siya nito at niyakap. Don Faustino Madrigal looked strict wearing his coat and black pants.His hair is combed backward in a clean way. He has bodyguards everywhere na handang alalayan ito. He is her lolo, the one who spoiled her as she grew up. Mahal na mahal siya nito palibhasa ay nag-iisa siyang babae sa kanilang magpipinsan sa side ng ina. "Kumusta na ang paborito kong apo?Namiss mo ba ang lolo?" tanong nito sa kanya habang karga pa din siya nito sa katawan. "Opo lolo, namiss po kita.May pasalubong po ako?" "Makakalimutan ko ba ang paborito kong apo? Syempre may pasalubong ang lolo!" pagkatapos at tinanguan nito ang bodyguard na nasa gilid, tumawag naman ito sa hawak na walkie talkie. Maya-maya'y, isa isa nang inilalabas ng iba pang bodyguards ang samu't-saring paperbags na tingin niya'y para sa kanya. Binuhat siya ng kanyang lolo hanggang sa kanilang bahay. Nadatnan nila doon ang kaniyang mga magulang na nakaupo sa kanilang salas at nag-uusap. Agad namang tumayo ang kanyang mommy para batiin ang ama nito. Ang daddy naman niya ay lumapit din para bumati at magmano. "Dad, nakauwi na pala kayo, hindi manlang kayo nagpasabi.Nasundo manlang sana namin kayo sa airport." Aniya ng ina. "I'm done with my business abroad, and besides namimiss ko na ang apo ko!" si Don Faustino sabay pisil nito sa kanyang pisngi pagkatapos ay hinalikan iyon. She smiled widely to her parents because of what her Lolo said.Ngumiti din sa kanya ang kanyang mommy na sanay na sanay na sa pang-iispoiled ng papa nito sa kanya. Bumaba siya sa kanyang lolo at tiningnan ang mga pasalubong nito. Marami ang mga damit doon na sigurado siyang mamahalin dahil sa mga sulat na nakikita niya sa paper bag na tingin niya ay tatak niyon.May mga laruan din na siyang ikinangiti niya. "Salamat Lolo!" malambing niyang wika sa matanda sabay halik sa pisngi nito. "Anything for my favorite grandchild." aniya. "Siya nga pala mga anak..", baling ng lolo niya sa mga magulang. "Isasama ko si Danica mamaya sa party ng mga Dela Fuentes. Sasamantalahin ko na at matagal na nila akong iniimbita, ngayon ko lang pauunlakan ang kanilang alok." Tumango naman ang kaniyang magulang kaya napangiti siya. Masaya siya tuwing isasama siya ng Lolo sa mga okasyon.She looked forward to it ,gusto niyang magkaroon ng maraming kaibigan dahil wala pa siya masyado noon.Ang mga yaya lang niya ang madalas niyang kalaro at kasama. Wearing a cute pink dress, a white lacey shoes, and her hair in braid. She goes to the party which her lolo is talking about. Napansin niyang malaki ang bakuran ng may host ng party.Malawak iyon ngunit hindi kasing laki ng kanila. Madami din ang mga tao na kaparehas ang suot ng kanyang lolo. "Mr.Madrigal, natutuwa akong pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon!" masiglang wika na bati ng isang lalaki na may kasamang ginang pagtapos nitong kamayan ang kanyang lolo,tingin niya'y ang mga ito ang may-ari ng bahay.Ang ginang naman ay nakipag beso sa kanyang lolo. "I'm also glad to be here!" pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "By the way, this is my grandchild Danica." pakilala nito sa kanya. Lumapit naman siya sa dalawa at nagmano.Sanay siya sa ganoon, tinuruan siya ng mga magulang kung paano ang tamang asal sa lahat ,mapa-mahirap man o sa tulad nilang mayaman. Turo ng mga ito na kung may isang bagay na hindi mabibili, iyon ay ang respeto. "Magandang gabi po!" nakangiti niyang bati sa mga ito pagkatapos magmano. "Ang gandang bata naman nito at napakagalang Don Faustino" nakangiting wika sa kanya ng ginang. Humalakhak ang kanyang Lolo. "Kanino pa ba magmamana ,syempre sa gwapong lolo." Pagyayabang nito na ikinatawa ng mga kausap. "By the way, congratulations sa success ng inyong kumpanya.Unti-unti ng nakikilala ang inyong construction firm." "Thank you Don Faustino, but this is nothing compared to your chains of hotels and casinos locally and internationally," ani ng lalaki. "Pasasaan ba at lalaki din ito, ganito lang din ako nagsimula noon.Sa maliit na hotel lang, sinamahan lang ng sipag at tiyaga, tiwala sa sarili, at pagtawag sa taas," wika ng lolo sabay tapik sa balikat ng lalaki. "Anyways, enjoy the party Don Faustino and pretty Danica." baling ng ginang sa kanya pagkatapos ay ngumiti at tila may naalala. "Stay here with Don Faustino hon, ipapakilala ko lang si Danica sa anak natin para may makalaro siya." Tumango naman ang kanyang lolo pagkatapos ay pinagpatuloy na nito ang pakikipag usap sa lalaki, umupo pa ang mga ito sa isa sa mga table na may disenyo roon. Dinala siya ng ginang sa may table na punong-puno ng regalo.Doon ay may batang babae na tingin niya'y kaedad niya, naka-braid din ito ngunit ang suot na dress ay royal blue na bumagay sa maputing kulay nito. "Maxine, come here baby. This is Danica, ang apo ni Don Faustino, make her your friend ha?" wika ng ginang pagkatapos ay bumaling sa kanya. "This is my daughter Alesha Maxine Dela Fuentes, she's kind Danica.You can be friends." Tumingin siya sa batang ipinakilala, nakita niya itong ngumiti sa kanya kaya nginitian niya din ito. "I will leave you two here, kumain nalang kayo kapag nagugutom na kayo. Maxine ikaw na ang bahala kay Danica!" "Yes Mommy, halika Danica maglaro tayo sa kwarto ko, may mga barbie dolls ako doon!" "Sige tara!" excited niyang wika dito pagkatapos ay tinanggap ang kamay nitong iniaabot sa kanya. Hawak kamay silang pumasok sa bahay at naglakad patungo sa second floor. Papasok na sila sa kwarto ni Maxine ng may makasalubong silang isang batang lalaki na tingin niya'y mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. Nakasuot ito ng maliit na coat, black pants, at ang buhok ay maayos na nakahipid, nakasalamin ito. "Hello kuya, maglalaro lang kami ni Danica sa room ko!" paalam ni Maxine dito hindi tinatanggal ang pagkakapit ng kamay nito sa kanya. Tumango lang ang lalaki pagkatapos at tumingin sa kanya. Malamig ang tingin nito, tila hinuhusgahan ang buong pagkatao niya.Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan sila. "Kuya mo?" bulong niya kay Maxine. "Oo, that's kuya Marco, wag kang matakot sa kanya.Mabait naman yoon, suplado lang minsan lalo na pag hindi niya kilala." "I think he's cute!" she said to Maxine after a while. "Si kuya cute? Ambata pa natin para dito Danica, stop thinking about kuya, let's just play!" si Maxine. Ngunit hindi na nawala sa isip niya ang lalaking malamig kung tumingin mula ng gabing iyon.Tila may pinukaw itong damdamin sa kanyang puso na hindi niya alam kung ano. Mula din ng gabing iyon, nagkaroon siya ng matalik na kaibigan sa katauhan ni Maxine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD