"Nana, h'wag ninyo na po akong samahan sa loob ng school, safe naman po ako doon." sabi niya sa kanyang yaya Dolor ng umagang samahan muli siya nito papasok, grade 3 na siya pero hanggang ngayon ay sinasamahan pa din siya ng kayang yaya tuwing papasok sa school, nag-aantay ito sa labas ng kanilang classroom hanggang uwian pagkatapos ay sabay silang pupunta sa parking lot kung saan nandoon ang kanyang personal driver, si kuya Gardo.
"Pero hindi pwede Danica, kagagalitan ako ng Mommy mo,. lalo na pag nalaman ng Lolo mo, gusto mo ba na ibalik yung bodyguard mo?" tanong nito.
Dahil business mogul ang Lolo niya ay mahigpit ang kanyang seguridad dahil maraming kalaban ito sa negosyo. Hindi siya basta-bastang makakaalis ng kanilang bahay ng hindi kasama ang kanyang yaya, ng minsang may magtangkang kumidnap sa kanya na kalaban ng kanyang lolo ay galit na galit ito kaya pinadalhan siya ng bodyguard, mabuti nalang ng mag grade 3 siya ay pinagbigyan siya nito na wag ng isama iyon sa school, ngunit tuwing lalabas papunta ng pamasyal ay kasunod pa din nila ito ng kanyang yaya pero sa tuwing nasa school siya ay nasa bahay lang ito at nagsisilbing bodyguard ng kanyang mommy.
Napabuntong-hininga siya, ayaw naman niyang ibalik ng kanyang lolo ang bodyguard niya dahil paniguradong kabuntot niya iyon sa school. Minsan nahihiya siya dahil siya lang ang bukod tanging may bodyguard sa eskwelahan nila.Private iyon ngunit hindi gusto ng Lolo niya na i-risk ang kanyang seguridad at iasa sa gwardya ng eskwelahan.
"Sige po Nana ,papasok na po ako," aniya dahil nasa tapat na sila ng classroom.Nakita pa niyang nandoon na si Maxine na kumakaway sa kanya.Nginitian niya ito ngunit medyo malungkot pa din.
"Sige, wag kang magpapasaway ha? Isumbong mo sa akin kapag may umaaway sayo, aantayin kita dito sa labas pero baka magpunta ako sa cafeteria." si yaya Dolor bahagya pa nitong hinaplos ang buhok niya.
Pumasok siya sa room at dumiretso sa may tabi ni Maxine dahil seatmate sila nito.Naging best friend niya ang babae simula ng makilala niya ito sa party.
"Bff bakit nakasimangot ka?" tanong nito matapos niyang ibaba ang bag sa tabing upuan nito.
"Ayaw kasi ni yaya na pumayag na h'wag na niya akong samahan dito sa school," matamlay niyang sagot. Walang yaya na kasama si Maxine at ang kuya nitong si Marco tuwing papasok ngunit inihahatid ito ng kotse pagkatapos ay babalikan nalang kapag uwian na.Gusto niya sana ay ganoon din siya.
"Hayaan mo na bff, gusto lang nila na safe ka," pang-aalo nito sa kanya. "May assignment ka na sa Math?" tanong nito. "Pakopya."
Hindi siya umimik ngunit kinuha ang kanyang notebook at ibinigay dito.Sanay na siya sa kaibigan, matalino naman ito pero pagdating sa Math ay talagang bokya, madalas itong zero kaya kinagagalitan ng magulang.Hindi ito katulad ni Marco na top 1 sa kanilang klase mula grade 1 at panlaban ng kanilang school sa mga competition.
Nang dumating ang kanilang teacher ay lutang pa din siya samantalang si Maxine ay nakikinig ng mabuti dahil dinidiscuss na ang tungkol sa assignment nila.
"Bff, tara na magmeryenda na tayo, ginutom ako sa math." aniya pagkatapos ay tumayo na.Siya naman ay niligpit ang notebook pero nanatiling nakaupo, matamlay pa din.
"Hay naku bff, h'wag mo ng isipin yun.Alam ko na kung paano ka sasaya, tara na, dahil nasa mood ako ngayon at dahil malungkot ka , sasamahan kita para makita mo si kuya.Gusto mo?"
Biglang siyang sumigla sa narinig, alam ni Maxine na crush niya ang kapatid nito.Palagi niya itong niyayaya tuwing recess para makita ang kapatid nito dahil dadaan sa classroom ng grade 6 bago makapunta sa cafeteria nila.Ayaw siya nito madalas samahan, palagi lang niyang pinipilit, first time na ito ang magpresinta sa kanya kaya agad na siyang tumayo.
"Tara!" mas masigla niyang sinabi.
"Hay naku, ewan ko sayo.Basta pagdating kay kuya ang bilis mo, hindi ka naman pinapansin ng supladong yon." pairap na wika nito sa kanya.
"Hindi ah. Ginugutom na din talaga ako," tanggi niya dito pagkatapos ay hinila ang kaibigan bago pa ito magsalita.
Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang palapit sa classroom nila Marco.Madalas na hindi ito tumitingin sa kanya tuwing napapadaan sila ngunit wala iyon sa kanya ,ang mahalaga ay masilayan niya ito. Hindi niya alam kung anong meron kay Marco at nagkagusto siya dito, ang batang puso niya ay isinisigaw na gusto niya ang atensyon ng lalaki sa kanya.
Pagkadating nila sa tapat ng classroom ay agad niyang hinanap ang madalas na pwestuhan ni Marco, nandoon ito at matamang nakikinig sa teacher. Bahagya pa siyang sumilip para mas makita ito, hindi naman siya napansin ng teacher ngunit ang mga kaklase ni Marco ay naghiyawan.
"Marco, nandito na yung batang may crush sayo, sinusundo ka na ata!" ani ng kaklase nito na sinundan ng malakas na tawanan at kantiyawan kaya uminit ang pisngi niya.Sanay ang mga itong makita siya dahil madalas siyang pumunta roon para lang tingnan si Marco.Lumingon lang ng bahagya si Marco sa may pwesto niya pagkatapos ay bumaling ulit ito sa ginagawa, hindi siya pinansin.
"Bff nakita mo na si kuya diba? Halika na ginugutom na ako," si Maxine naman ngayon ang humihila sa kanya.Wala siyang nagawa kundi magpahila dito, dumiretso sila sa cafeteria kung saan nag-iintay na ang kanyang Nana Dolor sa kanila.Dati ay sinusundo pa siya nito sa classroom tuwing oras ng meryenda ngunit pinilit niya ito na h'wag na dahil kasama niya si Maxine.
"Ang tagal ninyo naman Danica, nahirapan ba kayo sa klase?" tanong nito.
"Ah..eh- hindi po Nana, si Danica pa ba mahihirapan , eh matalino itong best friend ko, tinamad lang po kaming pumunta agad dito." pagdadahilan ni Maxine para sa kanya.Hindi pwedeng malaman ni Nana Dolor ang kanyang kalokohan kundi isusumbong siya nito sa kanyang mommy, istrikta pa naman ito.
"Tama po ang sinabi ni Maxine Nana, pasensya na po" paghingi naman niya ng paumanhin, mahal at iginagalang niya ang kanyang yaya dahil mula pagkabata ay ito na ang nag-aasikaso sa kanya dahil madalas ay nasa ibang bansa ang mga magulang para sa negosyo nila.
"Oh siya, sige , ako na ang pipila para sa meryenda ninyo.Antayin ninyo ako dito." pagpapaalam nito pagkatapos ay tumayo at dumiretso na sa pagkuha ng kanilang pagkain.
"Salamat po Nana," sabay pa nilang wika ni Maxine bago sila umupo sa lamesang ini-reserve ng yaya sa kanila.
Habang kumakain sila ay dumating ang mga grade 6, maiingay ang mga ito at panay ang kwentuhan papasok ng cafeteria. Hinanap agad ng kanyang mata si Marco na agad din naman niyang nakita papasok kasabay ang isang babae at isang lalaki.Napasimangot siya dahil bahagya pang nakakapit sa braso nito ang babae habang nakangiti si Marco sa kung anumang sinasabi nito.
"Bff ,yan yung Ayanna na sinasabi ng iba na may crush kay kuya bukod sayo.Kaklase niya yan, grade 6 din pero transferree." bulong sa kanya ni Maxine dahil napansin nito ang tinitingnan niya.
"Oh, anong pinagbubulungan ninyong dalawa diyan.Ubusin ninyo na agad ang pagkain ninyo para makabalik na kayo sa classroom.Andito na din ang mga grade 6,masyadong maiingay ang mga yan." si Nana Dolor sabay baba ng dalawang tray na may lamang lasagna at toast bread may pineapple juice din doon,tiningnan pa nito ang mga pumasok sa cafeteria.
"Sige po Nana," wika ni Maxine pagkatapos ay kinublit siya at inginuso ang pagkain niya, kinain nito ang lasagna na ibinigay ng Nana Dolor niya.
Muli niyang tiningnan ang kinaroroonan ni Marco, nakaupo na ang mga ito sa lamesa na medyo malayo sa kanila, katabi nito ang babaeng kasama kanina.Maputi ang babae at maganda, maayos itong magdala ng damit kahit bata pa.Tiningnan niya ang suot, naka-uniporme din siya katulad ng babae ngunit ang kanya ay halatang pambata pa, naka-braid pa ang kanyang buhok na ang Nana Dolor niya ang nag-aayos.
Pagkatapos magmeryenda ay umalis na silang tatlo sa cafeteria, inihatid sila ng yaya Dolor niya sa classroom.Bilin pa nito na kainin niya ang baon sa tanghalian dahil aalis ito saglit para mamalengke pero babalikan siya bago mag-uwian ng hapon.Tumango lang siya bago tuluyang pumasok sa room.
Nakatukod ang kanyang siko sa arm chair ng upuan habang bored na bored na nag-aantay ng oras ng lunch, kalahating-oras pa ang iintayin niya.English ang kanilang subject pero dahil palaaral siya ay alam na niya ang idinidiscuss ng teacher dahil nag-advance study na siya kahapon.Nang tingnan niya si Maxine ay nakatungo na ito, antok na antok na, ang teacher naman nila ay hindi sila napapansin dahil busy ito sa pagsusulat ng kung ano sa board.
Biglang may kumatok sa kanilang pinto kaya napalingon siya, napaayos ang kanyang upo ng makita niyang si Marco iyon, may dalang paperbag.
"Good morning po Mrs.Castro, ibibigay ko lang po ang lunch ng kapatid ko." magalang na wika nito pagkatapos ay bahagyang inayos ang suot na salamin. Maayos na maayos ang suot nitong uniporme at ang itim na sapatos ay bahagya pang makintab.
"Good morning too Marco! Danica pakikuha ang baon ng katabi mo, and you Ms.Alesha Maxine Dela Fuentes, natutulog ka na naman sa klase ko." Nakita niyang biglang umayos din ng upo si Maxine at nagpunas ng kaunting laway sa gilid ng labi nito.Bago pa siya nito unahan na kunin ang ibinibigay ng kapatid nito ay agad siyang tumayo at pumunta kay Marco.
Iniabot nito ang paperbag sa kanya, magpapasalamat pa lang siya ng bigla siya nitong tinalikuran matapos niyang makita na minwestrahan nito ang kapatid ng "lagot ka!"
Bitbit ang paperbag ay bumalik siya sa upuan ng nakasimangot.Ang teacher naman nila ay nagsasalita na at nagsesermon na bawal ang patulog-tulog sa klase.Si Maxine naman ay hindi ito pinapansin kundi nakatingin lamang sa kanya habang papalapit siya.
"Oh eto Max, pagkain mo." sabay abot niya sa paperbag na dala, nakasimangot pa din.
"Salamat Bff, pasensya ka na kay kuya ha? Hayaan mo sasapukin ko mamaya para makaganti ka sa kasupladuhan."
"H'wag na Max, sanay na ako, kailan ba babait yang kuya mo sa akin.Dinaig pa si Nana Dolor sa kasungitan kapag may dalaw."
Tinawanan siya ni Maxine kaya napatingin na naman sa may kanila si Mrs.Castro, nakasimangot na ito, akmang sasawayin na naman sila kaya pinatigil niya ang kaibigan sa pagtawa.
"Hay naku Bff, iba nalang kasi ang i-crush mo, h'wag na si Kuya."
"Siya gusto ko eh, basta alam kong one day magugustuhan niya din ako."
"Ewan ko sayo" si Maxine pagkatapos ay tumingin na ito sa teacher nila, handa ng makinig.