Ganoon lang ang routine niya araw-araw, papasok sa school, makikinig pagkatapos ay hahanap ng tyempo para makita si Marco. Nang dumating ang Sabado ay pinilit niya si Maxine na pupuntahan niya ito kahit umaayaw ito dahil ang sabi ay matutulog lang maghapon, wala daw ito sa mood maglaro ngunit iba ang plano niya kaya umu-o nalang ito kahit labag sa loob.
Nagpaalam siya sa mommy niya ngunit dahil busy ito ay tumango nalang , ang daddy naman niya ay wala sa bahay dahil nasa byahe palang galing sa travel nito.Minsan ay magkasama pa ang dalawa kapag umaalis ng bansa kaya siya lang ang naiiwan kasama ng mga katulong.
Kasama niya si Nana Dolor habang nakasakay sila sa kotse habang si kuya Gardo ang driver.Ang bodyguard naman niya ay nasa isang kotse at sumusunod lamang sa kanilang sasakyan.
"Danica, magbabait ka doon ha? Nakakahiya kila Mrs.Dela Fuentes kapag nagpasaway ka, susunduin ka namin mamayang hapon, ang sabi naman ni Mrs.Dela Fuentes ng tawagan ng Mommy mo ay sa kanila ka na kakain kaya hindi na ako nagdala ng pagkain mo ,pero may snacks ako na inilagay sa bag mo kung sakaling gugutumin ka." mahabang paliwanag ng yaya Dolor niya kaya tumango siya.
"Salamat po Nana, ingat po kayo." aniya ng makababa siya sa sasakyan, sinundo siya ng mag-asawang Dela Fuentes sa labas kasama si Maxine na baging gising, naghihikab pa ito.
"Good morning po Mr. and Mrs. Dela Fuentes." bati niya sa mag-asawa pagkatapos ay nagmano siya.Ngumiti naman ang mga ito at niyaya na silang dalawa ni Maxine pumasok.
"Max, si Marco?" bulong niya sa kaibigan ng iwanan sila ng mag-asawa sa sala ng bahay.Binilinan ng mga ito ang mga katulong na bantayan at pakainin silang dalawa dahil aalis sila at may aasikasuhin sa negosyo.
Umiling ito at nagkibit-balikat."Hindi ko din alam, kita mo naman na kakagising ko lang, pero siguro nasa kwarto niya at nag-aaral.Hindi naman iyon masyadong lumalabas kapag ganitong Sabado, minsan hinahatiran pa iyon ng pagkain sa kwarto."
Nalungkot siya, akala pa naman niya ay makikita niya si Marco kaya excited siyang pumunta sa bahay ng mga ito.Nagsuot pa naman siya ng magandang dress para kahit paano ay ma-impress ito sa kanya.
Naglaro sila ni Maxine ng mga dolls nito sa kwarto ng kaibigan.Bandang lunch ay niyaya siya nitong bumaba para kumain sila. Naabutan nila si Marco na nakaupo sa sofa habang busy sa pag-aaral, may libro pa itong katabi.
"Hi Kuya! Nandito ka pala, inimbitahan ko dito si Danica para makapag-aral kami." pagsisinungaling ng kaibigan niya, bahagya pa siyang kinindatan.
Tiningnan ito ni Marco pagkatapos ay sumulyap sa kanya, itinaas nito ang isang kilay na tila hindi naniniwala sa sinabi ng kapatid. "Ikaw nag-aaral? Lokohin mo sila Maxine, h'wag ako!"
"Grabe ka naman sa akin kuya, tss... oo na naglalaro lang kami ni Danica. Halika na nga bff, kumain na tayo... iwanan na natin yang supladong yan." Pagkatapos ay hinila siya nito, sinulyapan niya si Marco na hindi na muling tumingin sa kanila at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.
"Bakit mo naman siya inaway Max?" tanong niya sa kaibigan.
"Dapat lang yun sa kanya...masyadong suplado, mamaya isusumbong ko siya kay Mommy para pagalitan." wika ng kaibigan pagkatapos ay humalakhak pa.
Napailing siya, "Totoo namang hindi tayo nag-aaral eh, paano siya maniniwala, may bitbit ka pang doll kanina."
"Hay naku bff, magtatampo na ako sayo, si kuya kinakampihan mo eh ako ang best friend mo."
"Hindi ah... sinasabi ko lang mali na nangatwiran ka pa, tama naman kasi siya."
"Hayaan mo na yon best, kain na nga lang tayo. Yaya, kakain na po kami." tawag ni Maxine sa yaya nito na kalalabas lang ng kusina.Hinila na naman siya nito, this time ay sa dining table na siya dinala.
Habang kumakain sila ni Maxine ay daldal ito ng daldal, siya naman ay pasulyap-sulyap sa pinto dahil baka pumasok na din si Marco para kumain.
"Hindi ba kakain si Marco?" hindi niya natiis na itanong sa kaibigan.
"Hayaan mo ang nerd na yon, busy yon sa libro niya, kakain din yun pag nagutom." sagot ni Maxine sa kanya.Panay pa din ang daldal nito ng kung ano-ano kaya tumango nalang siya.
Patapos na silang kumain ng pumasok sa may dining si Marco, agad itong nilagyan ng pinggan ng katulong pagkaupo nito sa hapag-kainan.Ayaw pa sana niyang umalis dahil gusto niyang kausapin ang lalaki ng bumaling ito sa kanya.
"You're done eating right? You can leave!" bossy nitong utos sa kanya. Nagsalita naman si Maxine na tila nayayamot sa sinabi nito.
"You're so rude kuya, isusumbong kita kay Mommy para pagalitan ka.Halika na nga Danica, h'wag mong kausapin ang lalaking yan! Epal!"
"What? I'm just asking, minasama ninyo lang."
"Tama na Max, let's go, hayaan mo na." saway niya sa kaibigan dahil sasagot pa sana ito sa kapatid.
Pagkalabas nila ay niyaya ulit siyang pumunta sa kwarto ni Maxine.Pagkaupo sa kama nito ay kinuha niya ang doll nito at sinuklayan, "Max, dapat di mo na pinatulan ang kuya mo, alam mo naman na mainit talaga ang dugo noon sa akin."
"Tapos hahayaan ko siya na ganunin ka? No Danica, you're my best friend, bakulaw yung kuya ko.Nakakainis siya!" aniya pagkatapos ay sinuntok ang manika nito sa inis kaya nalaglag.
"Kasi... bad yun. Kapatid mo pa din siya Max," pagtatanggol pa din niya sa lalaki.
"You're being unfair bff, ikaw na nga pinagtanggol ko...hayss, hayaan mo na nga, magsosorry na lang ako mamaya.Okay na?"
"Sige." Masayang wika niya. Ayaw niya na siya ang maging dahilan para magkasira ang magkapatid.Close naman ang mga ito pero madalas patulan ni Maxine si Marco kapag siya na ang inaaway nito.
"Uuwi na ako Max, salamat bff, see you sa Monday." paalam niya sa kaibigan ng tawagin siya ng katulong ng mga ito para ipaalam na dumating na ang sundo niya.
"Okay bff, ingat ka." wika ni Maxine pagkatapos ay niyakap siya.Niyakap din niya ito pabalik bago tuluyang lumabas sa kwarto nito at naglakad pababa ng hagdan.
Nadaanan pa niya si Marco sa sofa, katulad kanina ay busy pa din ito. Lalampasan na sana niya ito ng magsalita ito kaya napalingon siya.
"I'm sorry." mahinang wika nito kaya napakunot ang kanyang noo. Tinuro niya ang sarili, "ako ba kinakausap mo?" tanong niya.
"I'm sorry kanina... sa sinabi ko," pag-uulit nito.Natigilan siya,agad namang nagligpit ng gamit si Marco pagkatapos ay agad siyang tinalikuran at naglakad pataas ng hagdan. Naiwan siyang nakatulala ngunit ng marealized ang sinabi ni Marco ay napangiti siya.
"Sheeet.... kinausap niya ako." kinikilig na wika niya.
Malaki ang kanyang ngiti hanggang sa makarating sa bahay at makapagpalit ng damit. Excited na siyang mag-monday para ikwento kay Maxine ang nangyari. Nakatulog siyang may ngiti sa labi.
Nang dumating ang Sunday ay dumating ang kanyang Lolo para yayain siya nitong magsimba at mamasyal. Dinala din siya nito sa mall pagkatapos, ipinamili siya ng mga bagong damit at sapatos. Kahit ayaw niya ay hindi nagpapigil ang matanda, ani nito ay minsan lang siya nito ipamili.Napailing siya, oo madalang siyang ipamili nito pero ang personal shopper nito ay halos linggo-linggo ang pagdala ng mga bagong damit niya sa bahay nila.Kaya punong-puno ang closet niya, ang mga bagong labas na nakikita niya sa tv na damit na ini-endorse ay kadalasan na meron na siya maging ang mga sapatos.
Nang kumakain na sila sa restaurant ay masaya ang matanda habang sinasandukan siya ng kanin nito. Prinsesa ang turing nito sa kanya, lahat ng kapritso niya ay susundin nito, iyon ang sigurado siya.
"Lolo, paano po ang feeling kapag in love ka?" tanong niya sa matanda.Natigilan naman ito pagkatapos ay uminom ng tubig at humalakhak pagkatapos.
"Napakabata mo pa apo.. ano ba itong tinatanong mo sa akin?"
"Basta Lolo, paano mo po bang masasabi na mahal mo ang isang tao?" pangungulit niya sa matanda.
"Apo...mahal mo ang isang tao kapag masaya ka na kasama siya.Iyong tipong habang tinitingnan mo siya ay panatag ka , na minsan makikita mong nagfa-fast forward ang paligid at makikita mo ang future na kasama siya.Bakit apo, may nagugustuhan ka na ba?" tanong nito.
"Wala po Lolo.. hehe natanong ko lang po." pagtanggi niya sa matanda dahil alam niya kung gaano ito ka over-protective baka mamaya ay pagbawalan na siya nitong sumama kahit kay Maxine pag malaman nito ang pinaggagawa niya.
"Don't rush things Hija...baby pa din kita.Hindi ko pa kayang ipaubaya ka sa ibang lalaki.Kailangan na dumaan sila sa butas ng karayom at mapatunayan sa akin na karapat-dapat sila sa pagmamahal mo."
"Opo Lolo, I love you Lolo." paglalambing niya sa matanda pagkatapos ay niyakap niya ito.
"I love you too Apo...lahat ay gagawin ng Lolo para sayo.Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo para makauwi na din tayo, may pasok ka pa bukas, kailangan mo pang magpahinga." masuyo nitong wika sa kanya pagkatapos ay hinaplos pa ang kanyang ulo.
Pagkatapos nilang kumain at mamasyal ay umuwi na sila sa kanilang bahay, agad din namang nagpaalam ang kanyang Lolo matapos siyang ihatid nito. Paakyat na sana siya sa kwarto ng marinig niya ang pagtatalo ng mga magulang sa may veranda. Halos magsigawan ang mga ito.
"Aalis ka na naman ha? Pupuntahan mo na naman ang babae mo?" galit na akusa ng mommy niya sa daddy niya.Hindi siya nakikita ng mga ito dahil medyo madilim sa parteng kinatatayuan niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong babae ha?" sagot ng daddy niya.Tila galit na galit na din ito dahil nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito.
Naiiyak siya, hindi siya sanay na ganito ang mga magulang. Oo madalang niyang makita na sweet ang mga ito ngunit naniniwala siyang masaya naman ang mga ito kahit ganoon, madalas pa nga silang magtravel na magkasama.
"Bistado na kita Darwin... alam kong anak mo ang batang iyon.Hindi mo ba alam na pina-imbistigahan na kita, ipina-dna ko ang bata at 100% na match kayo." sumisigaw ng wika ng mommy niya, naghi-hysterical ito. Tila nabingi siya sa narinig, ibig bang sabihin ay may kapatid siya? Hindi niya napigilang humikbi na nakapukaw ng atensyon ng dalawang nagtatalo..napatingin ang daddy niya sa kanya.
"A-anak..." tawag nito.
Umiiyak siyang tumakbo palayo sa dalawa, dumiretso siya sa kwarto at ini-lock iyon. Hindi siya makapaniwala sa narinig, niloloko ng daddy niya ang mommy niya, may kapatid siyang iba. Hindi niya iyon matatanggap, ang batang puso niya ay nasasaktan ng sobra.Narinig niya ang katok sa pinto at pagtawag ng mommy niya sa kanya ngunit hindi niya iyon binuksan. Nakatulugan nalang niya ang pag-iyak.