Nilagnat siya kinabukasan, sobrang init ng pakiramdam niya at hinang-hina siya. Nang puntahan siya ni Nana Dolor at hawakan nito ang noo niya ay bahagya pa itong napasigaw.
"Ay jusko ! Napakataas ng lagnat mong bata ka." aniya pagkatapos ay mabilis itong lumabas ng kwarto niya.Siya nama'y hilong-hilo kaya nakatulog ulit. Naramdaman na lang niya ang pagdampi ng isang bimpo na malamig sa noo niya,pagkatapos ay masuyong pagbulong sa kanya ng kanyang mommy na magpagaling siya.
Nang muli siyang magising ay ang Nana Dolor na niya ang kasama niya, may soup itong dala na umuusok pa ng kaunti, tila bagong luto.
"Kumain ka na Danica...mabuti at nakatulong ang pagpupunas sa katawan mo ng mommy mo, bumaba na ang iyong temperature.Mamaya ay pupunta ang family doctor ninyo para tingnan ka,kaya kumain ka na para makainom ka na din ng gamot." mahabang litanya ng Nana Dolor niya.
"Nana... maghihiwalay na ba kila mommy?" malungkot niyang tanong dito, hindi pinansin ang sinabi nito.
"Ah..eh- hindi naman siguro anak.. may hindi lang sila pagkakaintindihan, alam mo namang mahal na mahal ka ng mga magulang mo diba? Hindi nila hahayaang masira ang pamilya ninyo." sagot nito ngunit tila hindi sigurado. Mas lalo siyang nalungkot, sigurado siyang sa narinig sa mommy niya kagabi ay maghihiwalay ang mga ito, isang kahihiyan sa pamilya nila ang magkaroon ng anak ang daddy niya sa iba.Hindi papayag ang Lolo niya oras na malaman iyon.
"Nana, ayaw ko pong kumain... wala po akong gana." nanghihinang wika niya pagkatapos ay akmang hihiga.
"Anak naman... alam mo bang halos mamatay ako sa pag-alala sayo, kinatok kita ng kinatok kagabi pero di mo ako pinagbuksan.Hinayaan kita tapos ngayong umaga,ganitong sitwasyon mo ang makikita ko. Kumain ka na Danica, magiging ayos din ang lahat."
"Nana... may kapatid akong iba, may anak si Daddy sa iba." sagot niya dito habang humihikbi, hindi niya mapigilan ang sarili sa tuwing maiisip iyon.
"Baka naman nagkamali lang Danica, mahal ng Daddy mo ang Mommy mo kaya alam kong hindi niya magagawa iyon."
"Nana... si Mommy na ang nagsabi, anak iyon ni daddy." patuloy siya sa paghikbi. Narinig niyang muling bumukas ang pinto. Nang tingnan niya ay ang mommy niya iyon, bakas sa mukha nito ang lungkot at maga pa ang mata marahil ay sa pag-iyak.
"Sige na Nana Dolor, ako na ang bahala kay Danica."
"Sige po Ma'am." sagot ni Nana Dolor pagkatapos ay naaawang tumingin sa kanya at tumalikod.Umupo ang Mommy niya sa inalisan ni Nana Dolor pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at hinila siya palapit dito, niyakap siya nito na mas nakapag-paiyak sa kanya.
"I'm sorry anak kung narinig mo iyon." bungad nito."Ayaw kong itago sayo Danica, totoo ang lahat ng narinig mo,may anak na iba ang daddy mo maliban sayo." malungkot nitong pagkumpirma sa bumabagabag sa kanya.
"Hindi na ba niya tayo mahal mommy?" tanong niya.Tila dinudurog sa sakit ang puso niya, andami niyang gustong itanong ngunit ayaw niyong lumabas sa bibig niya.
"He love you Danica, alam mo yan.Ang kasal namin ng daddy mo ay dahil sa negosyo ngunit natutunan ko siyang mahalin.Ang pagkakamali ko lang ay nakampante ako,akala ko kontento na siya sa pamilya namin na binuo ngunit ng bumalik ang babaeng minahal niya bago kami ipagkasundo at malaman niyang nabuntis niya ito ay palihim silang nagkikita.Ang bawat travel niyang mag-isa ay hindi pala sa negosyo kundi ginagamit niya para makasama ang anak niya." Naiiyak na pagtatapat ng Mommy niya, nararamdaman niya ang lungkot nito.Tulad niya'y nasaktan din ng sobra ang momny niya.
"We talked calmly after you left last night, he said that he wanted divorce. Wala na ang daddy mo Danica, mas pinili niya ang isang pamilya niya kesa sa atin." wika nito na nakapagpaiyak lalo sa kanya ng sobra. Iniwan na siya ng daddy niya, bakit ang dali lang ditong iwanan siya at pumunta sa isa pang anak nito, hindi ba siya nito minahal?Mas masaya ba siya kapag kasama ang isa pa niyang pamilya?
Ang buhay niyang dating kumpleto ay nasira ng isang iglap. Ang pamilyang sinasandalan niya ay nawasak sa sandaling panahon.Hindi niya alam ang mararamdaman, halo-halo ang kanyang emosyon; galit,sakit, pagdaramdam sa ama, at pagsisisi sa sarili dahil kung perpekto siya ay maaaring hindi siya iniwan nito para lang sa ibang pamilya. Hindi niya alam ngunit dahil sa nangyari ay isang linggo siyang hindi nakapasok, kahit gumaling na siya ng hwebes ay wala na siyang ganang pumasok sa school, tila nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay.
Nang mag-lunes ay pinilit siya ng Nana Dolor niya na pumasok sa eskwelahan, ang mommy naman niya ay nasa kwarto lang nito at nagkukulong.
Pagdating sa eskwelahan ay nakita niya si Maxine na nag-aantay sa kanya. Agad siya nitong kinausap pagkaupo niya sa katabi nito.
"Bff, okay ka na ba? Tumawag si mommy sa mommy mo dahil kinulit ko siya na kumustahin ka, sabi niya nilalagnat ka daw kaya hindi ka nakapasok ng isang linggo." nag-aalalang tanong nito pagkatapos ay bahagya pa siyang hinawakan sa noo.
"Magaling na ako Max, siguro ay napagod lang ako kaya nilagnat ako." Ayaw na niyang sabihin dito ang tunay na dahilan dahil gusto niyang sa sarili lang niya muna iyon.
Akmang magsasalita pa si Maxine ng pumasok na ang teacher nila sa Mathematics.Tumayo sila at sabay-sabay itong binati ng good morning.
"Danica, pumasok ka na pala, magaling ka na ba?" tanong ng guro niya sa kanya. Tumango naman siya dito, siguradong ang Nana Dolor niya ang nagsabi sa school dahil kapag hindi pumasok ang estudyante ng isang araw ng walang paalam ay tumatawag sa mga bahay nila ang school para itanong ang dahilan.
"Opo sir!" sagot niya na pinilit pasiglahin ang boses. Tumango naman ito kaya umupo na din siya.
"Anyways class, may Math Competition na gaganapin sa kabilang school, bale limang private school at fifteen public schools ang maglalaban. From grade 1 to grade 6 ay kailangan ng isang kalahok, sinong pwedeng magrepresent sa inyo? Sa kabilang section kasi ay wala daw dahil hindi sila masyadong magaling sa math" mahabang paliwanag ni Mr.Cruz, ang math teacher nila.
Biglang natahimik ang klase, ng tingnan niya ang mga ito ay pare-parehas ang mga itong nakatingin sa kanya. Umiling siya, ayaw niyang sumali, mahiyain siya, minsan ay name-mental block siya kapag maraming tao atsaka hindi niya kayang sumali matapos ang nangyari sa pamilya niya, nawalan siya ng gana.
"Go na bff, kayang-kaya mo yan!" pagchi-cheer ni Maxine sa kanya na sinang-ayunan ng mga kaklase.Pinukpok pa ng mga ito ang kani-kaniyang armchair pagkatapos ay sabay-sabay na ginawang chant ang pangalan niya.
"Ayaw ko talaga sir, pasensya na po." pagtanggi niya sa guro.
"Sige Danica... hayaan mo at sasabihin ko sa ibang mga advisers ng grade 3, ikaw din ang itinuturo nila kasi malakas ka sanang pambato.Siguro naman ay may makukuha kaming iba sa ibang section."
"Sir, sino po bang mga kasali sa ibang grade?" tanong ng isang kaklase niya.
"Hindi ako sigurado sa iba pero sa grade six ay si Marco Dela Fuentes, kilala ninyo naman siguro siya diba?"
Natigilan siya, kasali si Marco.Bakit ba niya nakalimutan iyon eh ito naman ang laging pambato sa grade nila kapag may kompetisyon. Nahihiya na tuloy siyang bawiin ang sinabi sa teacher nila dahil nakatanggi na siya, pero chance na sana niya iyon.
"Bff" kublit ni Maxine. "Go na , andoon si kuya... time mo na para mapansin niya."
"Pero nakatanggi na ako," bulong din niya dito.
"Akong bahala!" sabi nito.Itinaas nito ang kamay para makuha ang pansin ng guro nilang nag-iistart ng mag discuss.
"Sir! Sasali na daw po si Danica." malakas nitong wika na ikinapula ng pisngi niya, mamaya kung ano ang isipin ni Mr.Cruz.
"Totoo ba iyon Danica?" baling naman nito sa kanya.
"Opo sir." sagot niya pagkatapos ay bahagyang yumuko. Ayaw niyang mabasa ng guro ang tunay niyang iniisip sa biglaang pagsali.
"Well then ... it's settled, ikaw na ang pambato ng grade level ninyo. Next week pa ang competition pero mamayang hapon ay may review kayo kasama ang iba pang grade level na kasali."
Tumango siya, siguro'y sasabihin nalang niya sa Nana niya ang about sa review,maiintindihan naman siya nito. Nang dumating ang lunch ay sa cafeteria sila kumain ni Maxine, kasama nila si Nana Dolor na siyang kumuha ng mga utensils nila na gagamitin.
"Nana, may sasabihin po si Danica sa inyo. Bff sabihin mo na." masiglang bungad na naman ni Maxine. Napatingin sa kanya si Nana Dolor, tila tinitimbang siya, mula kanina ay hindi ito masyadong umiimik marahil ay tinitingnan pa ang kanyang magiging reaksyon.
"Ano yun Danica?" tanong ng kanyang Nana.
"Ah... kasi Nana sasa-" hindi niya natapos ang sasabihin ng magsalita si Maxine.
"Sasali siya Nana sa Math, siya ang napili na magrepresent sa grade level namin." pagtutuloy nito.Tiningnan niya ang kaibigan at pinandilatan, nag peace sign naman ito sa kanya.
"Ganoon ba? Sige at sasabihin ko sa mommy mo ang tungkol dito.Kailan ba yon?"
"Sa next week po Nana." sagot na naman ni Maxine inunahan siya na tinawanan niya lang, dinaig pa nito ang pagiging spokesperson niya.
"Oh siya sige, ako na ang bahala." may kasiguraduhang wika ng Nana niya.
Umingay ang cafeteria, dumating na pala ang mga grade six at grade 5 para mag lunch. Kasama kasi sa tuition nila ang kanilang meryenda at lunch pero madalas ay nagbabaon siya ng lunch dahil maselan siya sa ulam at ayaw ng Lolo niya na paulit-ulit ang pagkain niya, kulang nalang ay dagdagan nito ang tuition niya para i priority din ang meals niya na tinanggihan niya naman.
Nakasalubong ng mata niya sa Marco dahil nakatingin din ito sa kanya pagpasok ng cafeteria, ngayon ay dalawang lalaking kaklase naman nito ang kasama. Umiwas ito ng tingin pagkatapos ay dumiretso sa table na nasa unahan lamang nila.
Pagkatapos kumain ay muli silang inihatid ng Nana Dolor niya sa classroom, hindi na niya muling tiningnan si Marco ng lumampas sila sa may table ng mga ito dahil baka mahalata na siya ng yaya atsaka masama ang tingin sa kanya ni Marco kanina kaya nahihiya siyang mahuli nitong tinitingnan na naman niya.
Nang matapos ang klase nila ng hapon ay dumiretso na siya kasama ni Mr.Cruz sa may study room, sabi nito ay nandoon na din daw ang ibang mga kasamahan niyang contestants kasama ang mga advisers ng mga ito.
Pagdating nila ay nakaupo na ang 5 pang mga representatives na tulad niya sa nakahilerang upuan, sa harap ng mga ito ay may kani-kaniyang lamesa.Nandoon si Matthew McConaughey, grade 1 na kilala niya dahil anak ito ng kaibigan ng mommy niya at madalas niyang makita tuwing may party, sa grade 2 ay si Mika Tan, ang grade 4 at 5 ay hindi niya kilala pero madalas din niyang makita sa school at syempre si Marco ang representative ng grade 6. Hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin ng pumasok at ipakilala siya, masungit lang itong nakaupo at nakahalukipkip.
"Okay students, kayo ang anim na representatives ng school natin sa darating na Mathematics Competition sa kabilang paaralan.Kami na ang bahalang magsabi sa mga parents ninyo ng tungkol dito, rest assured na pananatilihin namin ang inyong kaligtasan all throughout your one week review as well as during competition proper."
Sabay-sabay silang tumango at nagpasalamat sa guro.Ini-announce din nito na bukod sa mga advisers na magtuturo sa kanila ay magkakaroon ng partners ang higher grade sa kanilang mga nasa lower grade para mas madali sa kanila na makibagay sa mga ito dahil tulad nila ay estudyante din.
Nang magbunutan ay hindi niya maitago ang ngiti ng si Marco ang mabunot niya, tiyak na gaganahan siyang mag-review kapag ito ang tutor.Nang pagtabi-tabihin ang mag papartner ay agad siyang lumapit kay Marco. Bored na bored lang naman siya nitong tiningnan at humalumbaba pa.
"Hi!" masigla niyang bati dito.
"Kuhain mo na ang lapis mo at sagutan ang isusulat ko sa papel, para matapos na tayo agad." malamig nitong wika sa kanya, kitang-kita niya ang boredness nito.
"Sige."
Madali lang ang pinasagutan nito sa kanya, kayang-kaya niyang i-perfect pero dahil ayaw pa niyang matapos ang pagtuturo nito ay nagpamali siya ng 4 sa sampung tanong. Matapos nitong tingnan iyon ay tumaas ang kilay.
"I thought you're smart?How come ikaw ang napili na lumaban sa section ninyo?"
"Sorry Marco, nalilito lang ako pasensya na." Hindi na ito umimik pagkatapos ay isinulat lang sa papel niya ang tamang sagot sa ipinagawa nito.Nalilito siyang tinanong ito.
"Akala ko, ididiscuss ang mga hindi pa namin alam?"
"I'm busy, besides may tutor ka naman siguro sa inyo or better na pag-aralan mo to mag-isa.Mauuna na akong umalis kasi may dinner kami."
Nahihiyang tumango na lang siya pagkatapos ay niligpit na din ang gamit, nakita niyang nagpaalam na si Marco at agad na dumiretso palabas ng pintuan.