Plead #9

1172 Words
Pag-uwi niya ay mga yaya lang nila ang nakita niya, wala na naman ang mommy niya siguro ay nakakulong na naman sa kwarto at nag-iinom. Nalulungkot siya dahil tila nawalan ng buhay ang dating masayang bahay nila.Wala na ang daddy niya, hindi na talaga ito umuuwi, gustuhin man niya itong kausapin at kumbinsihin na umuwi sa kanila ay hindi niya alam kung saan na ito tumutuloy ngayon.Naisin man niyang magpatulong sa lolo niya ay ayaw niyang pangunahan ang mommy niya sa pagsabi dito ng tungkol sa problema nila sa bahay. Pagkatapos magpalit ay humiga siya sa kama, napagpasyahan niyang mag-aral na lang para sa kompetisyon na sasalihan, hindi pwedeng hindi siya manalo dahil nandoon si Marco.Dinalhan siya ng Nana Dolor niya ng meryenda, pinayuhan din siya nitong wag masyadong mag-isip dahil kagagaling lang niya sa sakit. Mabuti pa ang Nana niya, napakabuti nito. Ni minsan ay hindi siya iniwan at pinabayaan, tuwing kailangan niya ito ay palagi lang itong nandoon at handang tulungan siya. Matapos mag-aral hanggang alas-siyete ay bumaba siya para kumain ng hapunan, nandoon pala ang Lolo niya habang kinakausap ang mommy niya.Tumigil siya sa may gitna ng hagdan para hindi siya mapansin ng mga ito. Nakikita niyang galit na galit ang kanyang Lolo base sa kinikilos ng matanda, ang tungkod ay bahagya pang itinutuktok ang dulo sa kanilang sahig na lumilikha ng ingay. "Kailan pa ito nangyayari Chloe? Ang akala ko ay maayos na kayo ni Darwin, bakit ngayon ay malalaman ko na may anak siya sa iba at halos kaedaran lang ni Danica?" nanggagalaiting wika nito, fist time niyang makita na ganoon ang Lolo niya dahil palagi itong nakangiti kapag kausap siya, never siya nitong pinagtaasan ng boses. "Hindi ko alam Dad!" umiiyak na wika ng mommy niya. "Okay kami.. iyon ang alam ko.Masaya na siya sa buhay namin kasama si Danica pero nagbago ang lahat ng bumalik ang dating girlfriend niya at malaman na naanakan niya ito bago umalis noon. Ang mga travel na akala ko'y papuntang ibang bansa ay ginagamit niya pala para makasama ang batang iyon." nanghihinang wika ng ina, kitang-kita niya ang lungkot nito sa nangyari. Gone is the woman she always dreamed to become when she grows up.Ang nakikita niya ngayon ay malayo sa dating Mommy Chloe niya, hindi na ito halos nag-aayos ng sarili dahil panay lang ang pag-iinom nito. "Hijo De Puta!" malakas na mura ng Lolo niya."Fix yourself Chloe, hindi kita pinalaking ganyan.Asikasuhin mo din si Danica dahil pati ang apo ko ay napapabayaan mo na.Ako na ang bahala sa Darwin na iyon, mararamdaman niya ang pakiramdam na hindi maibigay ang lahat sa kanyang pamilya dahil sa kakulangan sa pera.I will make him suffer, his family can't stop me!" iyon ang huling sinabi ng matanda bago ito naglakad palabas ng kanilang bahay. Tinakpan niya ang bibig para hindi gumawa ng ingay ang kanyang paghikbi.Bumalik siya sa kwarto at doon umiyak. Kasalanan ito ng Daddy niya, kasalanan nito ang lahat kung bakit nagkaganito ang pamilya nila.Mas pinili nito ang iba kesa sa kanya, mas mahal nito ang isa pa nitong pamilya kesa sa kanila.Mula sa araw na iyon ay ituturing niyang patay na ito, wala siyang ama na makasarili.She will make him pay one day kasama ang babaeng sumira sa pamilya nila, she will make sure of that. Kinabukasan ay parang walang nangyaring pumasok siya sa school. Ang mommy niya ang naggayak ng kanyang baon para sa lunch kaya masaya siya.Hindi na ito lasing katulad ng mga nakaraang araw. Nag-sorry din ito sa kanya sa hindi nito pag-aasikaso, naiintindihan naman niya iyon kaya pinatawad niya ito.Ito nalang ang natitirang nagmamahal sa kanya bukod sa kanyang Lolo at ibang kamag-anak, she can't lose her.. di bale na ang kanyang daddy dahil makasarili ito. Pagdating sa school ay ganoon pa din ang kanyang ginawa, pumasok sa klase kasama si Maxine at sumulyap kay Marco ng break nila.Excited na siyang dumating ang hapon dahil magre-review ulit sila mamaya. "Danica alam mo ba na ang sabi ni kuya matatalo ka daw kasi your not smart!" pagsusumbong nito sa kanya ng kumakain sila ng lunch.Sa classroom lang sila kumain dahil tulad niya ay may baon ito, ang Nana Dolor naman niya ay nagpaalam na bibisita saglit sa apo dahil nasa hospital at may sakit. "Hayaan mo na Max..basta gagawin ko ang best ko, iyon naman ang importante diba?" sagot niya dito habang patuloy na kumakain kasi ayaw niyang masayang ang luto ng mommy niya. "Tss...basta bff ha, galingan mo,may pustahan kami ni kuya na pag nanalo ka hindi ka na niya susungitan tapos makikipaglaro na siya sa atin pero wag mo sasabihin sa kanya na sinabi ko ha?" "Paano pag matalo ako?" "Sabi niya h'wag ko na daw siyang kukulitin na kaibiganin ka kahit kelan!" nakalabing wika nito. Tinawanan naman niya ang kalokohan ng kaibigan.Pero lingid sa kaalaman nito ay may namuo ng plano sa kanya. After she wins the competition sisiguraduhin niyang makakasama na niya ito madalas.She is determined to win lalo na at ang kapalit noon ay ang pagpansin na sa kanya ng tuluyan ni Marco. Dumating ang hapon, nang matapos silang i recall ng mga math teachers nila na advisers din nila regarding the topics na maaaring mapasama sa competition ay hinayaan na sila muli ng mga itong matuto mula sa kanilang mga partner. This time ay sineryoso niya ang review, ipapakita niya kay Marco na mali ang akala nito, ilang items na 1/10 ang nasagutan na niya at perfect iyon lahat. Sa inis ata nito ay binigyan siya ng pang grade 6 na math na tulad ng pinag-aaralan ng mga ito. Minsan na niya iyong nadaanan during her review with her private tutor kaya pamilyar iyon sa kanya.She made sure na mamamali siya ng dalawa sa ibinigay nito para kahit paano ay turuan siya nito. Nang i-check iyon ng lalaki ay nakita niyang wala itong reaksyon kahit mali siya ng dalawang items.Hindi nito isinulat ang tamang sagot doon bagkus ay iniligpit ang gamit at nagpaalam muli sa mga advisers nilang nakabantay. Siya nama'y niligpit din ang gamit at humabol dito,tinanguan siya ng kanyang adviser ng ipaalam niyang aalis na din siya.Naabutan niya sa may corridor si Marco.Hinawakan niya ang braso nito. "Saan ka pupunta? Uuwi ka na?" inosenteng tanong niya sa lalaki. "Yes.Our lesson ended, so what do you expect?" "Pero nagkamali ako diba?" muli niyang tanong.Tumawa ito ng bahagya kaya napatingin siya dito, first time niya itong makita na tumawa sa harap niya. "Akala mo ba hindi ko alam? Sinadya mo iyong pamaliin, you wicked child ! I purposely put the 2 easy questions in the middle of the last set of your quiz, kaya paanong hindi mo masasagutan ang proper fraction pero nagawa mong sagutan ang problem solving na ganoon din mismo ang laman?" nang-uuyam na tanong nito sa kanya. Hindi niya napansin iyon, kaya pala ng nagsasagot siya ay nagdadalawang-isip siya kung iyon ang mamaliin ! "N-no I didn't do it.." bago pa niya matapos ang sinasabi ay tinalikuran na siya nito at diretsong umalis. "purposely." mahinang sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD