Kinabukasan ay naglibot siyang mag-isa sa school dahil hindi niya mahanap si Maxine, siguro ay late ito.Nanood siya ng volleyball sa gym pagkatapos ay nag decide siyang humanap ng meryenda.Pumunta siya sa booth ng mga higher year, may food stall doon na ang ibinebenta ay mga street foods, may burger at drinks din doon.Busy siya sa pagkain ng may magsalita sa likod niya, inubos niya ang kikiam at itinapon ang stick nito bago lingunin ang umistorbo sa pagkain niya. Si Kieran iyon na nakangiti, lumalabas pang bahagya ang biloy nito sa kanang pisngi. "Tinakasan mo ako kahapon.." bungad nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo..oo nga pla. Humihingi ito ng number niya kahapon pero hinila siya para tumakbo ni Maxine. Seryoso ba ito sa paghingi nitio? Akala kasi niya ay pinagtitripan lang siya ng

