Katulad ng ipinangako niya ay sinasamahan niya si Maxine para makita ang crush nito sa buong linggong iyon.Siya nama'y nagbabasa habang iniintay ang kaibigan. Dumating ang intrams, kasali siya sa Math Club,dahil junior pa lamang ay siya ang madalas utusan ng mga kasamahan...sinusunod naman niya ang nga ito katulad ngayon na siya ang naatasang magdecorate ng booth nila. Kasama niya si Katherine ang isa pang junior na kaklase din nila ni Maxine. Ang kaibigan naman niyang si Maxine ay walang sinalihang club kaya sigurado siyang kasalukuyan itong naglilibot sa mga booth or di kaya ay pinupuntahan si Jared para silipin. Ang sabi ng kanilang presidente basta matapos nila ang ginagawa ay pwede na silang umalis para makapaglibot din.Mababait naman ang mga ito,kaya kahit inuutusan silang mga juni

