When the game start, wala pa din si Maxine.Hindi din ito nagrereply sa text niya,pinapatay din nito ang tawag. Hindi naman siya makaalis dahil punong-puno ang gym.Kaya no choice siya kundi mag-intay na matapos iyon.To ease her boredom, nanood na lang din siya ng basketball.Kalaban ng team nila Jared ang isa pang section ng 4th year. Kanya-kanyang cheer naman ang mga manunuod sa kanilang pambato, lamang na kila Jared syempre mostly sa section ng mga ito galing ang mga basketball players ng school nila. Hindi niya mapigilang sumigaw ng maka-three points shot si Kieran.Napakalayo kasi nito sa ring tapos nai-shoot pa ang bola.No wonder he is the captain, nag-bow pa ito sa mga manonood pagkatapos ay nag flying kiss sa may direksyon niya kaya nag-iwas siya ng tingin. "Oh my God...in love na a

