After preparing herself, nagpahatid agad siya papuntang school. Bitbit niya ang ibang mga rubiks cube na ginawa niya ng nagdaang gabi kasama ang kauna-unahang rubiks cube na ginawa niya para kay Marco. Nasa isang maliit na box iyon na inilagay niya sa isang mini-paperbag. Hanggang tanghali siyang busy dahil sa pagtulong sa paggawa ng kanilang produkto, madami ang nakapilang estudyante sa booth nila. Kalat na kalat na kasi sa school ang kanilang pakulo at talagang tinangkilik iyon, nai-feature na din ng mga taga journalism club para sa kanilang dyaryo ng school. Dumating ang hapon, hindi siya mapakali dahil pumuslit siya para ilagay ang rubiks cube na kanyang ginawa sa locker ni Marco, malapit iyon sa gym nila pero dahil karamihan ay tapos na ang laro sa gym, wala na doon masyadong estudy

