TOAH 51: ANG SANGGOL

2914 Words

ADOLPHO Nang makarating kami sa underground ay hindi ito ang inaasahan kong ayos nito. Ang buong akala ko talaga ay marumi at mabaho ang siyang nasa ilalim katulad ng nasa itaas, ngunit lahat yata ng antique ay narito na. Malapad ang espasyo ng underground. May ilang tao rin ang paroon at parito upang maglinis at ang ilan ay mayroon pang mga karga-kargang malalaking sako. Ang mga bata naman ay tahimik lang na naglalaro. Pasan-pasan ko si Linda na walang malay. Mabuti na lang at hindi naman pala tae ang nabagsakan ni Linda dahil kung hindi ay hinding-hindi ko siya bubuhatin. “Sumunod kayo sa amin upang magamot na iyang kasama ninyo,” ani ng isang matandang lalaki na kasama ni Nana Mela. Katabi nito ang dalawang babae na kung makatingin sa akin ay para na akong hinuhubaran, eww! Ang mga bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD