ADOLPHO Maling-mali ito sa naging desisyon niya na sa akin niya ibigay ang sanggol. Pumasok na ako sa loob ng pagamutan habang busy pa ang mga ito sa pag-usap patungkol sa kanilang plano. Nadatnan ko si Linda na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Shutik na bilat na ito, magkakaroon na mayamaya ng gulo kaya kailangan niya ng magising. Pero nasaan na rin kaya ang isa pang bilat na hanggang ngayon ay wala pa rin dito? “Magmadali kang hanapin ang sanggol, Adolpho, sapagkat nalalabi na lamang ang natitirang oras bago magsimula ang pandemya. Sakaling mahanap mo ang sanggol ay magdamali kayo ng iyong mga kasama na pumunta sa itaas, kung saan ang mga magulang ng sanggol.” Iyan ang huli kong narinig bago tuluyang mawala na parang bula si Diyosang Dianthe. Bilin pa nito sa akin na kung maaari ay ma

