bc

MISTRESS

book_age18+
56.3K
FOLLOW
337.0K
READ
billionaire
possessive
drama
bxg
small town
enimies to lovers
punishment
seductive
like
intro-logo
Blurb

To everyone else, I’m just a student hiding a secret.

To Liam Villanueva, I’m his brother-in-law’s mistress.

He hates me. Calls me a w***e.

But when another man touches me, he’s the first to throw a punch.

He’s the brother of my father’s wife. Forbidden. Dangerous. Possessive.

And somehow, I can’t stop wanting the one man who’s determined to ruin me.

“You will be mine tonight, Bianca Tuazon.”

chap-preview
Free preview
MISTRESS-1
“Maganda ba, anak? Nagustuhan mo ba?” excited na tanong ng Daddy niya habang pinapakita ang condo unit na binili nito para sa kanya. Napanganga siya at napatulala. Wala siyang masabi sa ganda at aliwalas ng buong silid. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng condominium. Dati, kung saan-saan lang siya tinitira ng Daddy niya — minsan sa mga kamag-anak, minsan sa maliliit na apartment. Malayo ang agwat ng mga 'yon dito sa Tragora Condominium. Dalawang linggo pa lang mula nang sunduin siya ng Daddy niya sa dati nilang tinitirhan. Dinala siya nito dito sa San Miguel at agad na pina-enroll sa San Miguel University para maipagpatuloy ang pag-aaral. May napangasawa na kasing mayaman ang Daddy niya — si Asena Villanueva, isang negosyante sa San Miguel. Apat na buwan na rin silang kasal. Hindi siya agad nakuha ng Daddy niya noon kasi wala pa itong sapat na pera. Pero nang magsimula na itong tumulong sa negosyo ni Tita Asena, unti-unti na rin silang gumaan. Kaya agad siyang pinalipat dito. Ang problema lang, hindi siya pwedeng iharap ng Daddy niya sa asawa nito. Hindi alam ni Tita Asena na may anak ang Daddy niya sa pagkabinata. Kaya pinakiusapan siya nito. Walang dapat makaalam sa tunay nilang relasyon. Nangako naman siya. Nakikita niya kasi kung gaano kasaya ang Daddy niya ngayon. At hinding-hindi niya sisirain ang bagong buhay na meron ito kay Tita Asena. Wala na siyang ina. Namatay ito sa panganganak sa kanya, kaya wala siyang kinagisnang ina. Kung sino-sino ang nag-alaga sa kanya habang nagtatrabaho ang Daddy niya. Hanggang sa tumanda siya at natutong tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya sanay na siyang mamuhay mag-isa. Sanay na siyang magpalipat-lipat ng tirahan. “Aalis na muna ako, anak. May lakad kasi kami ng Tita Asena mo. Baka magtaka 'yon pag na-late ako,” paalam ng Daddy niya matapos nilang maayos ang mga gamit na binili para sa kanya. “Sige po, Dad. Ingat po kayo. Hihintayin ko na lang po ang tawag n’yo,” sagot niya habang inihatid ito sa pintuan ng unit. Bilin ng Daddy niya, bawal siyang tumawag. Siya lang ang pwedeng tumawag sa kanya. Mahirap man ang sitwasyon nila, wala siyang magagawa. Pero masaya pa rin siya. Kasi kahit gaano kahirap, hindi siya pinabayaan ng Daddy niya. Pilit pa rin nitong itinaguyod ang pag-aaral niya. Kahit paiba-iba ang trabaho nito noon, hindi nito hinayaan na mapabayaan siya sa eskwela. At sa kabila ng lahat, swerte pa rin siya. Dahil may Daddy siyang handang gawin ang lahat para sa kanya. At balang araw, makakabawi rin siya. Napangiti siya habang iniikot ang paningin sa magandang condo unit. Nang sabihin ng Daddy niya na magpapakasal na, natakot siya. Baka tuluyan na siyang mawala rito. Pero hindi niya kayang tutulan ang kaligayahan nito. Nasa tamang edad na rin ang Daddy niya. At dahil sa kanya, natagalan itong magka-pamilya. Buti ngayon, natagpuan na nito ang taong para rito. Kung kailangan niyang magtago habang buhay sa asawa ng Daddy niya, gagawin niya. Kung kailangan niyang itago na anak siya nito sa pagkabinata, gagawin niya. Para hindi masira ang pagsasama ng Daddy niya at ni Tita Asena. Hinawi niya ang makapal na kurtina sa salamin ng condo. “Ang ganda,” bulong niya. Tanaw mula roon ang mga nagtataasang building at mga sasakyan sa ibaba. Tanaw din ang karagatan ng San Miguel. Payapa ang buong kapaligiran. Tila ngayon pa lang, nagugustuhan na niya rito. “Sobrang ganda ng bayan ng San Miguel,” bulong niya ulit. Kinabukasan, maaga siyang nagising para maghanda sa pasok. Magda-dalawang linggo na rin siya sa San Miguel University. Accountancy ang kurso niya at ga-graduate na siya next year. Kapag nakapagtrabaho na siya, hindi na siya iisipin pa ng Daddy niya. Makakapag-focus na ito sa pamilya nito. At magiging masaya siya para dito. Bago lumabas ng condo, sinilip niya muna ang cellphone. May isang text galing sa Daddy niya: _Good luck. Galingan mo sa school._ Ngumiti siya. Papalabas na siya ng condominium nang bigla siyang bumunggo sa isang matangkad na lalaki na papasok naman. Tila nagmamadali kasi ang lalaki kaya nagkabunguan sila. “Aray,” mahinang tili niya habang nalalaglag ang mga bitbit na gamit. Sinulyapan siya ng lalaki. Kumunot ang noo nito habang titig na titig sa kanya. Siya rin, hindi rin maiwasang mapatitig. Matangkad ito. Maganda ang pangangatawan. At sobrang gwapo ng mukha — 'yung tipong pang-modelo. Maliit ang mukha, may bigote at balbas na parang sa mga lalaki sa Turkish telenovela. Malakas ang appeal. “I’m sorry,” sabi nito. Malalim ang boses. Lalaking-lalaki at bagay sa aura nito. Hindi siya nakasagot. Nakatingin lang siya. Yumuko ang lalaki para pulutin ang mga gamit niyang nalaglag at iniabot sa kanya. “Thank you,” nautal niyang sabi dahil sa gulat at ganda ng kaharap. Tumango lang ito at nagtuloy sa pagpasok sa loob ng condominium. Sinundan niya ito ng tingin. Nagmamadali ang kilos. Dumiretso sa front desk at parang may tinatanong sa receptionist. “Ang gwapo naman niya. Dito din kaya siya nakatira?” bulong niya sa sarili. “Sino kaya siya?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook