Makalipas ang dalawang araw, kinasal sila ni Liam kay Mayor Fernan De Guzman. Ang mayor sa bayan ng San Miguel. Tanging anak ni Mayor De Guzman na si Zandro ang saksi sa kasal nila ni Liam. Magkaibigan ang dalawa. Kaya si Zandro ang kinuha ni Liam na maging saksi sa kasal nila. No beautiful dress. No hair and make up. No heels. Kung ano ang suot niya, 'yon lang 'yon. Malayo sa kasal na pinapangarap ng mga tulad niya. Nagkapirmahan lang naman sila ni Liam sa harap ni Mayor. Pinagpasalamat na rin niyang may singsing kahit paano. Isang mamahaling wedding ring ang pinasuot sa kanya ni Liam. Pero hindi siya naaakit sa mamahaling singsing na 'yon. Baka nga mamaya lang bawiin na ni Liam sa kanya ang sinuot nitong singsing. Pakitang tao lang marahil nito ang pagbibigay nito ng singsing. Dahil am

