“Damn it!” tagis-bagang na mura niya pagkasakay sa kotse. Tiningala niya ang matayog na building ng Tragora Condominium kung saan nakatira ang babaeng 'yon.
“How could you, Bernard? Paano mo nagawa 'to kay Ate Asena?” galit na sabi niya.
Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa babaeng pumatol kay Bernard. Napakabata pa nito para patulan ang may edad nang si Bernard. Well, no doubt, it’s all about money. Pera lang naman ang habol ng babaeng 'yon kay Bernard. And of course, iisa lang din ang habol ni Bernard sa babaeng 'yon.
Pero sinasaktan nila si Ate Asena.
His sister is suicidal. Minsan na itong nagtangkang magpakamatay nang lokohin at iwan siya ng nauna nitong asawa. Then Bernard came. Bumalik ang sigla ng kapatid nang dumating ito sa buhay niya. Agad na nagpakasal ang dalawa. They were both happy.
Hindi nga niya pinag-isipan ng masama si Bernard dahil napaka-maasikaso nito kay Ate Asena, pati na sa negosyo ng kapatid.
Then nakita ng dalawang mata niya si Bernard na sinusundo ang babaeng 'yon sa San Miguel University. Iisa lang agad ang pumasok sa isip niya: _She is Bernard’s mistress._
Kaya agad siyang nagpa-imbestiga tungkol sa dalawa. At hindi nga siya nagkamali. Binabahay na ni Bernard ang babae. Ang kapal pa ng mukha ng mga ito. Dito pa talaga sa San Miguel.
Buntis ang Ate Asena niya. Kaya hindi nito dapat malaman ang lahat. He needs to get rid of this w***e before his sister finds out.
Pagdating sa bahay, agad siyang nagtuloy sa banyo para mag-shower. Pero hindi maalis sa isip niya ang magandang babae kanina. Bata. Napaka-inosente ng itsura. Sa murang edad nito, kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. May kalakihan ang mga dibdib nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na sulyapan ang mga 'yon kanina.
Maganda rin ang kutis nito. Malambot ang balat. Ni ayaw na nga niyang bitiwan kanina.
Wala siyang karelasyon, pero marami siyang natitikmang babae. Iba-iba. Lahat na yata ng klase, natikman na niya. Virgin or not, na-sa-satisfy siya.
And this young lady, Bianca Tuazon, has something he needs to find out.
He is William Villanueva. Kaya niyang malaman ang lahat. At kaya niyang kunin ang gusto niya.
“Damn,” mahinang mura niya sa sarili habang nakatutok ang hubad na katawan sa shower. Hindi naman siya kinukulang sa s*x. Pero bakit nakaramdam siya ng kakaibang kasabikan sa babaeng 'yon?
Iniling niya ang ulo at nilamukos ang mukha sa mga kamay. Kailangan na niyang isipin kung paano ilalayo ang dalawa. Hindi pwedeng malaman ng kapatid niya ang panloloko ni Bernard. Baka this time, hindi na 'yon kayanin ni Ate Asena. Lalo pa’t buntis ito.
Nasa mga kamay niya ngayon ang kaligtasan ng kapatid.
Kinabukasan, nagtungo siya sa bahay ni Ate Asena para kumustahin ito.
“Liam, halika. Sabayan mo ako sa almusal,” anyaya ng kapatid.
“Good morning, Ate,” magiliw na bati niya at humalik sa pisngi nito. “Maupo ka. Sabayan mo ako.”
“Si Bernard?” tanong niya nang makaupo sa tabi nito.
“Maaga siyang umalis. Aasikasuhin niya ang mga supplies sa hardware,” sagot ng kapatid.
Bumuntong-hininga lang siya at humigop sa kapeng inilapag ng kasambahay. Naisip niyang baka nagsumbong na ang babaeng 'yon, kaya maagang umalis si Bernard para makipagkita rito.
Umigting ang panga niya sa galit. Sinulyapan niya ang kapatid na masayang kumakain habang nagkukwento tungkol sa nararamdaman sa pagbubuntis. Kitang-kita niya ang kaligayahan nito.
Silang dalawa na lang. Kahit mas matanda si Ate Asena sa kanya, mas malakas siya. Kaya siya ang dapat pumrotekta rito.
Matapos kumain, agad siyang nagpaalam. Tutungo muna siya sa opisina. Pagkatapos, aabangan niya sa San Miguel University ang babae ng bayaw.
May sarili siyang negosyo, isang Civil Construction. At isang malaking hardware naman ang kay Ate Asena, kaya halos nagtutulungan silang magkapatid para palaguin ang kani-kanilang negosyo.
Pagdating sa labas ng campus ng San Miguel University, nag-park siya sa gilid ng kalsada. Inaabangan ang paglabas ni Bianca. Sinuri niya ang buong paligid. Wala roon ang sasakyan ni Bernard.
Hindi niya inalis ang mata sa gate. Nais niyang makitang lumabas si Bianca para agad malapitan.
Hindi siya nabigo. Nakita niyang lumabas si Bianca, katabi ang isang lalaking mukhang estudyante rin.
Napailing siya. Mukhang makati talaga ang babaeng ito. Bukod kay Bernard, may iba pa palang kinakalantari.
Umigting ang panga niya. _Bianca Tuazon is a beautiful young woman and hot. Yes, she is hot._ Nakasuot ito ng blazer at tube sa loob na nag-e-emphasize sa dibdib nito. Kahit nasa malayo siya, kita niya ang cleavage nito. Naka-jeans na lalong nagpakita ng haba ng mga binti nito.
Nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan sa kasama sa tapat ng gate. Tila may hinihintay sila.
Iniling niya muli ang ulo nang makitang ilagay ng lalaki ang kamay sa bewang ni Bianca. Wala siyang nakitang pagtutol dito. Mukhang nagustuhan pa nito.
Baka wala nga si Bernard ngayon, kaya ibang lalaki ang sinasamahan ni Bianca. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang babaeng pera lang ang habol kay Bernard?
Nakita niyang sumakay ang dalawa sa kotse na huminto sa harapan nila. Sa likod umupo ang dalawa, magkatabi. And who knows kung ano ang magaganap sa loob ng kotse?
Hindi niya inalis ang mata sa kotse. Sinundan niya 'yon. Gusto niyang malaman kung gaano karumi ang babaeng ginagastusan ng bayaw niya.
“A w***e,” bulong niya habang madilim ang matang nakasunod.
Huminto ang kotse sa isang malaking bahay. May mga nakaparada ring sasakyan. Mukhang hangout ng mga estudyanteng mahilig sa party o frat house.
Bumaba ang lalaki sa likod, kasunod si Bianca. Napailing siya nang makitang dalawa pang lalaki ang sumunod na bumaba. Nag-iisa lang pala si Bianca sa loob ng kotse.
“Damn w***e. Slut,” bulong niya. Naglakad ang mga ito papasok sa bahay.
Mabilis siyang bumaba. Ewan niya kung bakit, pero nais niyang pigilan si Bianca. Wala siyang pakialam kung lagi na nilang ginagawa 'yon sa loob ng bahay. Not this time. Hindi niya hahayaang makapasok si Bianca doon kasama ang tatlong lalaki.
“Bianca!” malakas na tawag niya.
Napalingon ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Bianca nang makita siya.
“Sino siya, Bianca?” tanong ng lalaking may kamay sa bewang nito.
Sinulyapan niya ang kamay ng lalaki. Umigting ang panga niya. Binalik niya ang tingin kay Bianca. Gulat pa rin ang nasa mukha nito.
“Trouble,” bulong ng isa sa mga lalaki, saka niyaya ang isa pang pumasok. Naiwan si Bianca at ang lalaking kasama nito.
“Anong—”
Marahas niyang hinila sa braso si Bianca palayo sa lalaki. Kanina pa niya gustong paghiwalayin ang dalawa. Hindi niya gusto ang pagkakalapit nila, lalo na ang paghawak ng lalaki sa katawan ni Bianca.
“Aray!” tili nito nang bumunggo sa dibdib niya.
“Bianca, sino siya?” tanong ng lalaki.
“Bitiwan mo nga ako!” piglas nito.
“We need to talk!” mariing sagot niya. Halos kaladkarin na niya ito.
Sinubukan silang pigilan ng lalaki. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Nagtaas na lang ito ng kamay, senyales na suko na. Mas malaki kasi ang katawan niya rito. He is a man, not a boy.
“Ano ba! Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!” tili ni Bianca habang hinihila niya ito papunta sa kotse niya.
“Ganyan ka ba kakati? Tatlong lalaki ang kaya mo?” singhal niya.
“What!?”
“Pasok!” utos niya, at halos itulak na ito sa passenger seat. Wala siyang pakialam kung nasasaktan siya. Galit siya sa mga pinaggagawa nito.
“Sino ka para gawin sa akin 'to!” tili nito.
“Shut up!” sigaw niya at malakas na sinara ang pinto. Mabilis siyang umikot papunta sa driver seat. Sinulyapan niya ang lalaki. Wala na roon. Duwag. Ni hindi man lang naipagtanggol si Bianca.
“What the hell are you doing, Mister!” singhal nito pagkasakay sa kotse.
Masamang tingin ang pinukol niya rito. And god damn it! Napakaganda ng babaeng nasa harapan niya.
Too beautiful for her own good.
Too dangerous for his peace of mind.