"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" angil niya sa gwapong kaharap. Ngunit lalo lang siyang hinila ng lalaki sa braso. Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya. Halos maramdaman na nga niya ang pagbaon ng mga daliri nito sa balat niya.
"Not until umamin ka sa akin," mariing sagot nito. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga nito. Galit din ang nakikita niya sa mga mata nito. At aaminin niyang nakakaramdam siya ng takot para sa sarili at para sa ama.
Mali ang inaakala ng lalaking ito sa kanila ng kanyang ama. Pero paano niya maitutuwid 'yon? Kapatid ito ng asawa ng kanyang ama. Hindi pwedeng maisiwalat ang katotohanan tungkol sa kanya. Hinding-hindi niya sisirain ang pangarap ng Daddy niya. Ngayon lang din nakakamtam ng ama ang magandang buhay. At hinding-hindi niya ipagkakait 'yon sa ama.
"Let me go, please. You are hurting me, Mr.,"
"Just answer my question first. Kabit ka ba ni Bernard?" muling tanong nito, sabay pisil ng mariin nito sa braso niya.
"Ahhh! Aray," daing niya. Nasaktan kasi siya ng husto sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya.
Sinulyapan nito ang braso niyang nasaktan. Nag-iba ang ekspresyon nito, ngunit saglit lang. Muling bumalasik ang gwapong mukha nito.
"Pinapaaral ka ni Bernard sa San Miguel University. Binilhan ka niya ng condo sa Tragora Condominium. Sinusustentuhan. Nilalabas at pinapakain sa mga mamahaling restaurant!" litanya nito habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Paano mo ipapaliwanag sa akin na halos ibigay na lahat sa iyo ni Bernard? Ginagastusan ka niya ng malaki. Para ano? Para wala lang?" tuya nito.
Napalunok siya. Paano nito nalaman ang lahat ng 'yon? Kailan pa sila nito pinasusundan? Naging maingat naman sila ng ama. Pero bakit may nakahuli pa rin sa kanila? At worst, ang kapatid pa ni Asena. At sa nakikita niyang reaksyon nito, hindi siya nito tatantanan.
"Lahat ng ginagastos sa iyo ni Bernard ay galing lahat sa bulsa ng kapatid ko!" dagdag nito habang siya naman ay namimilipit sa sakit ng pagkakahawak nito.
"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!"
"Masasaktan ka talaga pag hindi ka umamin sa tunay n’yong relasyon ni Bernard!"
"Wala kaming relasyon. Mali ang iniisip mo," nakuha niyang isagot. Mali naman talaga ang akusa nito sa kanya.
Lumingon siya sa paligid. May mga ilang taong naroon, pero hindi naman napapansin ng mga ito ang nangyayari sa kanya. Kailangan niyang makatakas mula sa lalaking ito.
"Paano mo maipapaliwanag sa akin ngayon ang mga larawan na 'yan? Lumalabas kayo ni Bernard. Nagpupunta siya sa eskwelaan mo. Personal ka niyang dinadalaw sa condo na siya mismo ang bumili. Pinadadalhan ka niya ng pera sa account na nakapangalan sa iyo!" mahabang litanya ng lalaki sa kanya.
"Ipaliwanag mo sa akin. Kung bakit ginagawa ni Bernard sa iyo ang lahat ng mga bagay na 'yan, kung hindi ka niya mistress!" mabalasik na litanya nito.
Sunud-sunod na lunok ang ginawa niya habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Gwapo ito, walang duda. Malakas ang s*x appeal nito. Tipong kung makasalubong mo ito, mapapalingon ka ng ilang beses.
Dahil sa pagkakahila nito sa kamay niya, nagkalapit sila ng bahagya. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito na bagay na bagay naman rito.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Mr. Bitiwan mo na ako bago pa ako sumigaw dito at ma-eskandalo ka!" banta niya rito.
"Mukhang sanay na sanay ka sa eskandalo ah," tuya nito sa kanya, sabay bitiw sa pagkakahawak nito sa braso niya.
"Ahh. s**t," mura niya nang pakawalan nito ang braso niyang halos namumulta na. Bakas na bakas doon ang mga daliri nito.
"Lubayan mo si Bernard kung ayaw mo nang gulo!" sabi nito at sumandal sa upuan.
"Tapusin mo na ang ugnayan n’yo ngayon din. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag nagpatuloy pa ang relasyon n’yong dalawa. At patuloy n’yong niloloko ang kapatid ko!" pagbabanta nito sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatingin sa gwapong mukha ng kaharap. Marami na siyang nakitang gwapo, pero ang dating ng lalaking nasa harapan niya ngayon...
"I am William Villanueva. And I can destroy you kung hindi ka susunod sa gusto ko!" mariing banta nito. Saka siya sinulyapan. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya.
Napalunok siya. Kahit masama ang tingin nito sa kanya, lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito. Bagay na hindi niya maitatanggi sa kaharap.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo, Mr. Villanueva."
"I hired the best PI. Imposibleng magkamali siya. And you and Bernard ang mga nasa larawan. You can't deny that."
Iniling niya ang ulo sa sinagot nito.
"How can you have an affair sa lalaking halos doble na ng edad mo? Na halos tatay mo na? And worst, how can you have an affair sa isang lalaking may asawa na?" tanong nito sa kanya.
Iniling lang niya muli ang ulo.
"Is this about money? You want easy money kaya ang mukha at katawan mo ang ginagamit mong puhunan para makuha ang lahat ng luho mo sa katawan!" patuloy nito, saka siya tinignan ng may kakaibang ibig sabihin.
Nanlandas ang mga mata nito sa mukha niya. Napansin ang pagtagal ng mga mata nito sa may kalakihan niyang dibdib. Saka nito iniling ang ulo.
"Maganda ka nga at may dating. Sayang naman at mas pinili mong kumabit sa lalaking may asawa."
"Hindi ako kabit!" mariing sagot niya, sabay tayo mula sa pagkakaupo. Hinila ang brown envelope.
"Mali ang iniisip mo sa akin, Mr."
"Fine. Then explain mo sa akin ang mga larawan na 'yan. Sabihin mo sa akin na hindi mo kilala si Bernard," hamon nito sa kanya.
Tumayo din ito mula sa kinauupuan at hinarap siya. Masyadong malapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa. Nasasamyo niya ang mabangong hininga nito.
"Hindi ko gagawin!" mabilis na sagot niya.
Bago pa siya nito napigilan, mabilis na siyang tumakbo palayo rito, bitbit ang brown envelope na may laman na larawan nilang mag-ama. Nagtatakbo siya para maiwasan ang gwapong lalaki. Pinagpasalamat niyang hindi siya sinundan ng lalaki.
Sumakay siya ng elevator. Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. Napahawak siya sa dibdib na mabilis ang t***k dahil sa kaba at takot na naramdaman. Napasandal siya sa dingding ng elevator. Mariing pinikit ang mga mata.
Paano na ngayon sila ng ama? Kapatid ni Asena ang lalaking 'yon. At kung natakasan niya ang lalaki ngayon, asahan niyang hahanapin at hahanapin pa rin siya ng lalaki para alamin ang tunay na relasyon niya sa kanyang ama.
Hindi ito ang panahon para malaman ni Asena kung sino siya sa buhay ng ama. Hindi siya ang hahadlang sa kaligayaan ng ama.
Nagmulat siya ng mga mata at napasulyap sa hawak na envelope. Nakagat labi siya. Paano niya haharapin ang lalaking 'yon?
Pagdating sa condo unit, nais niyang tawagan ang ama at ipaalam ang nangyari. Ngunit nagdadalawang-isip siya. Ayaw niyang ma-stress ang ama, lalo na’t masaya ito ngayon dahil sa pinagbubuntis ni Asena. Ayaw niyang sirain ang kaligayaan ng ama.
Hangga’t kaya niya, siya na muna ang haharap sa lalaking 'yon. Hindi naman siguro kokonprontahin ni lalaking 'yon ang Daddy niya dahil wala naman itong nakuhang impormasyon sa kanya. Wala siyang anumang inamin dito.
Kailangan lang niyang maging handa ngayon, dahil paniguradong susundan siya ng lalaking 'yon at hindi titigil hangga’t hindi siya aamin. Wala siyang aaminin dahil mali ang akala nito. Hindi siya mistress ni Bernard. Anak siya ni Bernard sa pagkabinata.
Binagsak niya ang katawan sa kama. Pinikit niya ang mga mata. Pumasok sa isip niya ang gwapong mukha ng lalaki kanina. Kahit galit ito, hindi nakaligtas sa kanya ang kagwapuhan nito. Naramdaman din niya ang appeal nito.
"William Villanueva," she whispered William’s name.
Bakit parang sa dinami-dami na niyang gwapong nakita, bakit iba ang kagwapuhan ni William? Ang daming gwapo sa San Miguel University at halatang lahat may kaya. May manliligaw nga siya, si Rodney. Gwapo at mayaman. Si Rodney ang unang ka-eskwela niyang nagpakita ng paghanga sa kanya. Pero dahil na rin sa sitwasyon niya sa ama, agad niyang sinabihan si Rodney na hindi pa siya pwedeng ligawan. Isa pa, bente pa lang siya at naka-focus siya sa pag-aaral.
Pero kung isang tulad siguro ni William Villanueva ang manliligaw sa kanya, hindi na siya magdadalawang-isip pa.
Nagulat siya sa sariling naisip. Napabalikwas siya ng bangon mula sa kama.
"That guy is dangerous. Kailangan iwasan mo siya, Bianca. He will destroy everything once na makalapit siya sa iyo at malaman kung sino ka," bulong niya sa sarili.