"Nababaliw ka na ba?!" sigaw na tanong niya kay Liam, habang pilit inaalis ang pagkakarehas ng dalawang kamay niya. "Pakawalan mo nga ako dito, Liam!" sigaw niya. Katatapos lang ang muntikan niyang pagpapaubaya rito. Well, wala naman siyang magagawa. Nakatali siya kaya. Isama pang aaminin niyang nadala siya sa mga haplos at halik ni Liam sa kanya. Walang babaeng hindi madadala sa bawat halik nito at haplos ng malalaking kamay nito. Alam niyang umabot na si Liam sa hindi pa dapat. Hindi niya ito napigilan nang hawakan nito ang pinakamaselan at pinaka iniingatan niya. "Narinig mo ang sinabi ko, Bianca! Kung gusto mong makawala d'yan, pakasalan mo ako," kampanteng sagot nito. Nakatayo ito sa paanan ng kama. Wala talaga siyang maipintas kay Liam. Gwapo talaga ito at malakas ang appeal.

