"Literally you are a kidnapper," saad ni Zandro sa kanya. Dahil na rin sa kawalan ng makakausap, tinawagan niya si Zandro at nakipagkita siya sa Vince Bar. Sinabi niya ang ginawa niya kay Bianca. "Alam mo bang pwede kang makasuhan sa ginagawa mo." "I know. Kung may maghahanap sa kanya." "What do you mean?" "Mag-isa lang naman yata siya dito sa San Miguel. Baka nga nakarating lang siya dito sa bayan natin dahil kay Bernard. Pinakalkal ko ang school record niya sa San Miguel University. New student siya sa unibersidad," paliwanag niya kay Zandro. "Wala pang 24 hours, huwag ka munang makampante d'yan," sagot nito sa kanya. "Kung may maghahanap sa kanya, si Bernard 'yon panigurado." "Eh ano nang balak mo sa kanya? Don't tell me itatago mo siya sa yate mo habang buhay," natatawa

