"Nakakarami ka na," sabi ni Zandro sa kanya. Niyaya niya ang kaibigan na magkita sa Vince Bar para uminom. Nais niyang uminom at nais rin niyang may makausap. Nababaliw siya sa kakaisip kay Bianca. Wala pang babaeng gumulo sa kanya ng ganito. Imagine, halos dalawang araw pa lang mula nang makilala niya si Bianca at makaharap ng personal. Pero heto at gulung-gulo na ang utak niya. Hindi na siya makapag-focus sa trabaho. Masyado nang nagulo ng magandang mukha ni Bianca ang utak niya. "I need this," sagot niya kay Zandro saka tinungga ang laman ng kopita. Si Zandro De Guzman ang matalik niyang kaibigan. Anak ito ng mayor sa bayan nila. Maasahan niya at mapagkakatiwalaan ang kaibigan. Nais niyang sabihin sa kaibigan ang problema niya at baka matulungan siya nito. Isa pa, ito lang naman t

