May tumawag sa telepono mula sa guard. May dumating daw akong bisita. Pagbaba ko ay 'di ko inaasahan ang aking nakita. Kusa na itong lumapit sa akin. "Pre." hindi ako makapaniwalang si Nick mismo ang nagpunta sa aming opisina, isang tatlong araw matapos ang gulong nangyari kayna Riz. "Pwede ba kitang makausap?" tanong nito. Tumango lang ako, maayos naman s'yang humarap sa 'kin at humingi ng pasensya sa nangyari. Inaya ko itong pumunta sa rooftop para mas makapag-usap kami ng maayos. Tamang tama at tapos na ang lunch break, kakaunti na lang ang tao roon. Ngunit kahit humarap ito ng maayos sa akin, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang gabing 'yon. Kumukulo pa rin ang dugo ko at nanaig ang galit. Pinipilit kong kumalma, pagod na rin akong magalit. Bakas pa rin ang mga pasa nito sa mukha,

