"Kailangan nating mag-ingat sa Saggitarius. Mahirap silang maka-laban. Patago sila kung kumilos."
"Tama. Ang dami natin dito kanina pero tayo na lang ang natira."
"Mas lalo pa tayong umonti."
Hindi pa rin makapaniwala ang ilan sa mga natirang miyembro ng Aquarius na wala na ang iba nilang kasamahan. Sa isang kisap-mata lang ay nabawasan sila.
Hindi birong kalaban ang Saggitarius. Kaya nilang umasinta kahit nasa malayo pa ang kalaban. Wala silang laban dahil 'sniper' ang mga ito.
Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang madugong eksenang iyon. Marami ang namatay kumpara sa mga natira. Mabuti na lang at isa sina Dale at Sid sa mga nakaligtas mula sa lihim na pananalakay ng mga Sagittarius.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Sid kay Dale. Maging si Dale ay hindi alam ang kaniyang gagawin. Naaawa siya sa mga kinahantungan ng ilan sa mga miyembro ng Aquarius. Alam kasi niya na ang ilan sa mga namatay ay may pamilya pang inuuwian.
"Hindi ko pa alam."
Simula nang mangyari iyon ay hindi pa rin nila nakakausap ang pinaka-lider ng Aquarius. Nakarating na rin kaya rito ang mga nangyari sa tauhan niya? Kung nakarating na ito sa kaniya, bakit wala pa rin itong ginagawang aksyon? Ano ang reaksiyon nito?
Nag-ring ang phone ni Dale. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot.
"Dale," sabi ng nasa kabilang linya. Unregistered number iyon.
"Sino 'to?"
"Kakausapin ka ni Big Boss. Gusto ka niyang makita."
"Sino muna 'to?" naiiritang tanong muli niya.
"This is Zach."
Sandaling nanahimik si Dale. Naalala niyang isa si Zach sa mga nakaligtas doon. Ginawa kasi nitong panangga ang mga kasamahan kahit buhay pa. 'Tama bang gawin niya iyon?'
"Saan?"
"Sa America. Isama mo si Sid, nakahanda na lahat ng document na kailangan ninyo."
"Sandali," pigil ni Dale dahil akmang ibababa na ni Zach ang phone. "Anong kailangan niya sa akin?"
"You will know it soon kapag nagkita kayo."
Nasa utak pa rin niya ang pagtataka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang kailangan ng boss ng Aquarius sa kaniya. Kaya para maalis ang pagtatakang iyon, pupuntahan niya ito sa America.
Miyerkules ng hapon nang makalapag ang eroplanong sinakyan nina Dale at Sid sa Airport ng America. Tumagal ng mahigit isang araw ang biyahe nila. Mas mabilis na yon kumapara sa iba. Matapos kasi nilang makausap si Zach ay agad na silang naghanda at nagpunta sa paliparan.
Nang makababa at tuluyang makuha ang kanilang mga bagahe, dumiretso na sila sa labas kung saan naghihintay na ang sasakyang magdadala sa kanila sa big boss ng Aquarius.
Hindi pa sila makapaniwala dahil luxery limousine van ang sumundo sa kanila. Mamahalin ang van na iyon, halata sa interior nito. May dalawang mahabang upuan sa magkabilang gilid at mahabang mesa sa gitna.
Magkatapat sina Sid at Dale. Nasa gitna nila ang mahabang mesa na may lamang mga pagkain at mamahaling wine.
"Kumain muna kayo," sabi ng driver.
Tumingin si Dale sa mga pagkain na nasa mesa. Halos lahat ng nandoon ay puro mamahaling pagkain. May mga maliliit na piraso ng spring rolls at meat balls para sa appetizer, may mga karne, malalaking alimango, hipon para sa main dish at mayroong cake, ice cream at chocolates para sa dessert.
'Napakarami ng pagkain na 'yon, pa'no nila 'yon uubusin?'
Nilipat ni Dale ang tingin kay Sid. Habang ngumunguya ay abala rin ito sa pagpindot ng kaniyang phone.
Napansin ni Sid ang pagtitig niya kaya agad nitong binalik ang phone sa bulsa. Binalik din nito ang atensyon sa kaniyang pagkain.
"Sid, bakit?"
"A-anong bakit?" balik na tanong nito sa kaniya. Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya.
"May problema ba?"
Kinuha ni Sid ang bote ng white wine at nagsalin sa dalawang baso. Binigay nito ang isa sa kaniya.
Nilayo naman niya ang baso. "Hindi ako umiinom niyan." Una pa lang ay alam na ni Sid na hindi talaga siya mahilig sa wine o kahit ano mang uri ng alcoholic beverages. Sinalinan pa talaga siya ng lalaki.
"Subukan mo lang." Inusog nito muli ang wine sa tapat niya at tumitig sa kaniya nang matagal.
'Problema ni Sid?'
"Bakit?"
"Wala," sagot nito at bumalik ulit sa pagkain. May kung ano na namang tumatakbo sa isip ni Sid. Napaka-misteryoso ng pagkatao nito. Sana lang ay tama siya ng desisyon na isama ito sa lahat ng mga pupuntahan at gagawin niya.
"Sid, nasa'n pala ang pamilya mo?"
Matagal bago makasagot si Sid, "Naging interesado ka ata bigla."
"Wala lang, na-curious lang ako. Okay lang kahit 'di mo sagutin..." Sumubo siya ng hipon. "Wala naman akong pakialam."
"Maam and sir, nandito na po tayo."
Bumaba na sila nang sabihin iyon ng driver. Binaba sila nito sa tapat ng mataas na building. May dalawang guwardiya ang nagbabantay sa entrance na papasukan nila.
Lumapit sila sa mga guwardiya at pinakita ang kanilang tattoo, ang simbolo ng Aquarius. Obligado ang bawat miyembro ng Aquarius na magpa-tattoo dahil iyon ang kanilang pagkakakilanlan. Nasa gilid ng tiyan ni Dale ang kaniya at nasa likod naman ang tattoo ni Sid.
Nang makita ng mga guwardiya ang tattoo nila sa katawan ay pinapasok na sila ng mga ito.
Nag-ring ang phone ni Dale.
"Nandito na kami," agad na bungad niya sa tumawag na si Zach.
"We're in the fifth floor, room 360. Dalian niyo. Naiinip na si Big..."
"Paakyat na kami." Binaba na niya ang phone bago pa matapos ni Zach ang sasabihin. 'Siya ang may kailangan, matuto siyang maghintay.'
"Sid, sa fifth floor," sabi niya nang makapasok sila sa loob ng elevator. Pinindot ni Sid ang floor na pupuntahan nila. Mahina itong pumapadyak-padyak habang naghihintay silang makarating sa fifth floor.
"Bilisan natin." Nauna na siyang lumakad kay Sid. Gusto na rin kasi niyang makilala ang pinakalider ng Aquarius. Nais niya na itong makita at makausap nang harap-harapan. 'Ano kayang klaseng tao ang Big Boss nila?'
Kusang bumukas ang pinto sa Room 360 nang makarating sila sa tapat nito.
"Come inside...Boss nandito na sila," sabi ng boses ni Zach. Alam ni Dale kung kanino ang boses na iyon. Tunog pa lang at paraan ng pagsasalita ay malalaman na agad na si Zach iyon. Hirap pa kasi ito sa pagsasalita ng Tagalog.
Agaw-pansin ang babaeng nakaupo sa sofa na naka-krus ang mga hita. Nakatingin ito sa hawak na salamin habang abalang-abala sa paglalagay ng pulang lipstick.
"Ang tagal niyo naman," reklamo ng babae.
Tumayo ang babae. Maiksi ang suot nitong dress na lumampas na sa kalahati ng hita. Naka-suot ito ng tube style dress na hapit sa katawan.
"Zach, maghanda ka ng makakain namin," utos ng babae kay Zach.
Pumasok si Zach sa isang pinto upang sundin ang babae.
"Ikaw ba si Dale?" Lumapit ang babae kay Sid at hinimas-himas ang mukha ng lalaki.
"Ang pogi-pogi mo pala." Hinatak nito si Sid at naupo silang dalawa sa sofa.
Kunot-noong pinagmasdan ni Dale ang babae. 'Anong pinagsasabi nito?'
"Balita ko ang galing-galing mo raw makipaglaban ah...hanga na tuloy ako sa'yo." Lalo pang idinikit ng babae ang sarili sa katawan ni Sid. Sinandal din nito ang ulo sa balikat ng lalaki habang yakap-yakap ang braso ng katabi.
"Here's your fo–" Hindi natapos ng kararating lang na si Zach ang sasabihin nang makita ang dalawa sa sofa. Napapailing nitong ginawi ang tingin kay Dale.
Tumingin din si Dale kay Zach. Marami siyang gustong itanong subalit kibit-balikat lamang ang sinagot sa kaniya ni Zach.
"Do you know each other?" tanong ni Zach sa babae at kay Sid.
"Hindi." Hindi makikitaan ng emosyon si Sid. Tumayo lamang ito at tumabi muli kay Dale.
"Nag-enjoy ka ata," sabi Dale rito.
"Ano?"
"Wala." Lumayo na lamang siya sa katabing si Sid at lumapit kay Zach.
"Zach nasa'n na si Big Boss?" iritang tanong niya. Medyo naaasar lang siya sa eksena kanina.
"So, you haven't introduced yourself yet." Tinuro ni Zach ang babaeng titig na titig kay Sid.
"Meet our big boss, Dale."
"Ano?" Magkasabay na tanong ni Dale at ng babae.
"Ikaw si Dale?" paniniguro ng babae habang nakaturo sa kaniya.
"Ikaw si Big Boss?" paniniguro rin niya.
"Akala ko...akala ko lalaki si Dale. Ikaw pala si Dale? Oh my gosh Zach, is this for real?"
Bahagyang ngumisi si Zach. Sinusubukan nitong pigilan ang sarili na tumawa dahil sa nangyari.
"Yes Boss."
"My god! All this time akala ko siya si Dale! Nakakahiya! Ba't 'di mo sinabi agad?"
"Sorry Boss, inutusan niyo kasi ako so I didn't get the chance to introduce them...." Nagkunwaring umuubo si Zach subalit ang totoo ay pinipigilan lang nito ang sarili na tumawa nang malakas.
"If he's not Dale, then sino siya?" Tinuro ng babae si Sid.
"He's Sid," sabat naman ni Dale.
Lumapit si Dale sa babae. Hindi pa rin siya kumbinsido na ito ang Big Boss ng Aquarius. Akala niya ay isang lalaki ang pinuno ng Aquarius. Akala niya rin ay matanda na ito.
"Ikaw ba talaga si Big Boss?
Malakas na tumawa ang babae. "Hindi ka ba makapaniwala? Pareho lang naman tayo na hindi makapaniwala. Oo, ako nga. I am your Boss. Any problem?"
"Paanong nangyari 'yon?"
"Simple lang, I paid them and they served me." Malaki ang pagkakangiti nito sa kaniya. "You're one of them," dugtong nito na pinagdiinan pa ang sinabi.
"Tara na Sid." Tatalikod na sana si Dale upang lumabas na silid nang pigilan siya sa braso ng babae.
"Sa'n kayo pupunta?"
"Bitaw," mariing utos niya. Kailanman ay hindi siya magiging sunod-sunuran sa babaeng iyon. Hindi siya susunod sa babae para sa pero nito.
"You are not allowed to leave!" sigaw nito.
"Isa!" sigaw niya rin na ikinaatras ng babae.
"Stop. Hindi ito ang oras para magtalo. Boss, calm down. We need the help of Dale para malaman kung sino ang kalaban natin. Remember?" Nagtinginan si Zach at ang babae.
"Fine."
"Dale, we need your help," simula ni Zach.
"Sa'n?
"Matapos mong sumama sa amin...lihim na naming tiningnan ang background mo. We found out na related ka sa dating miyembro ng Aquarius...aminin mo, kaano-ano mo si Amanda?"
Hindi sumagot si Dale. Hindi siya basta-basta nagbibigay ng impormasyon sa mga taong hindi naman niya lubusang kilala.
"We already knew that she's your mother. Sabi ko nga, inalam na namin ang background mo."
"Dati namin siyang tauhan noong ang daddy ko pa ang namamahala nito."
Napalingon si Dale sa babaeng nagsalita. "Ibig-sabihin..."
"Yes, I'm the inheritor of Aquarius."
Tumango-tango si Dale. Ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit bata pa ang leader ng Aquarius. Minana lang pala nito ang titulo sa ama. Lihim siyang napangiti. 'Baka magsisi ang ama nito na ipinamana sa kaniya ang Aquarius."
"Anong tinatawa-tawa mo?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Wala."
"Ako ata ang tinatawanan mo eh."
"Ziah, stop it. This is not the time for childish thing."
"Zach, inuutusan mo ba ako? And don't call me in my name."
"I'm sorry Boss. Pinapaalalahanan lang kita na pinagkatiwala ka rin sa akin ng daddy mo nang mamatay ito. Kung mawawala ang Aquarius, malaking epekto rin ito para sa'yo. I'm helping you now to save your organization."
"Okay, oo na."
Naupo silang lahat sa sofa. Mahaba-haba ang kanilang dapat pag-usapan kaya kailangan nilang umupo.
"So let's start."
Sisimulan na sana ni Zach ang sasabihin subalit nahinto ito nang mag-ring ang telepono sa loob ng kuwarto.
Sinagot iyon ni Zach at matapos sagutin, walang buhay ang mga mata nitong lumapit sa kanila habang paulit-ulit na napapailing.
"Zach, bakit?"
Nag-iwas si Zach ng tingin.
"Thirty of our people died this day."
"What? Nanaman?" Napatayo si Ziah sa pagkakaupo. Nasampal nito ang sarili. Malalim ang paghinga nito.
"Ziah!"
Napatayo rin ang lahat nang bigla na lamang bumagsak si Ziah. Mabuti na lamang at maagap itong nasalo ni Sid.