Chapter 13

1461 Words
Naalarma ang lahat nang mawalan ng malay si Ziah. Napakalaki ng suliraning kinakaharap ng dalaga. Bilang isang leader na pumalit sa kaniyang ama, kailangan niyang ipakita sa lahat na tama lang na sa kaniya ipinagkatiwala ang Aquarius. Dahil sa sunod-sunod din na pagpatay sa mga miyembro ng Aquarius, hindi maikakaila ang takot kay Ziah. Takot siya na baka isang araw ay tuluyan na siyang mawalan ng tauhan. Ayaw niyang biguin ang pumanaw na ama, maging ang tiwala nito sa kaniya. Kaya naman, gagawin niya ang lahat para mapanatili ang kanilang organisasyon. Hinatid sina Dale at Sid sa isang hotel. Nakahanda na rin ang kuwartong gagamitin nila sa pananatili roon. Si Ziah ang nagbayad ng lahat ng mga kailangan sa pagpunta nila sa America kaya wala na silang iisipin pa. Malawak ang entrance hall. Pagpasok sa loob ay makikita ang malaking 'customer service area'. May mga nakangiting hotel staff ang agad na sumalubong sa kanila. May iba't ibang lahi silang nakakasalubong—Amerikano, Hapones, Tsino at iba pa. Napapatingala ang dalawa sa mga nagtatangkarang tao na nakakasabay nila sa paglalakad. Nagmukha silang maliit na tao. Sa Pilipinas, kabilang na sila sa matatangkad na tao subalit sa America ay mapapansin ang mga taong mas hamak na malalaki at matatangkad kumpara sa kanilang dalawa. Pumasok ang dalawa sa Room 1064 na nasa 8th floor. Isa lang ang kuwartong nakalaan sa kanila kaya walang silang magagawa kundi ang magkasamang manatili roon. Dalawa ang kama sa loob. Sa tapat ng kama ay nakalagay ang wide screen television. Bukod pa ang telebisyon na iyon sa nasa tapat ng sofa. May mga makukulay rin na plato ang nakadikit sa pader. Iyon ang nagsisilbing dekorasyon sa kuwarto. Naupo si Sid sa kama at kinuha ang remote. Naghanap siya ng ibang channel na may magandang programa. "Makikipagtulungan ka ba kay Ziah?" tanong ni Sid na ang tinutukoy ay ang leader ng Aquarius. "Makikipagtulungan ako hindi dahil nanghingi siya ng pabor kundi dahil gusto—" Gusto sana niyang sabihin na 'gusto niyang makatulong' at gusto niya nang matigil ang pagpaslang sa mga miyembro 'nila'. Oo 'nila' dahil kabilang na rin siya sa Aquarius. "Kailangan natin ng impormasyon tungkol sa Saggitarius na tinutukoy nila." Pinatay ni Sid ang telebisyon nang wala siyang makitang magandang programa. Mga cartoons at movie lang kasi ang nakita niya. "Mga sniper daw sila...pero saan kaya natin sila matatagpuan?" Lumingon siya kay Sid. Alam niyang kayang-kaya ng lalaki na matagpuan ang lokasyon ng mga ito. "Sige...susubukan ko silang hanapin." Maraming dapat isaalang-alang sa paghahanap ng lokasyon ng isang tao o ng isang organisasyon. Kailangan ng maraming impormasyon dahil ito ang magsisilbing link para makita sila. Sa ngayon, limitado pa lang ang alam nila sa Saggitarius. Tatlong araw nanatili sina Dale at Sid sa hotel. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay kakauti pa rin ang nalalaman nila sa Sagittarius. Binibisita rin sila ni Zach at Ziah doon upang magbigay ng iba pang impormasyon. Makikita sa dalawa ang pakikipagtulungan na makita ang kuta ng Sagittarius. "May unregistered number na tumawag sa 'kin. He said that he's a member of Sagittarius," turan ni Zach. "Paano naman niya nakuha ang number mo?" Umayos ng upo si Dale at inalis ang pagkakasandal sa sofa. "Public number niya 'yon. At saka number mo nga nakuha namin...it is not impossible na nakuha rin nila ang kay Zach," sabi ni Ziah at saka pinag-krus ang mga hita. "Anong sabi ng tumawag sa'yo?" tanong niya muli. "He said na maghanda raw kami dahil uubusin nila lahat ng Aquarius." Tahimik lamang na nakikinig si Sid sa kanilang lahat. Nakasandal ang lalaki sa gilid ng pinto at malalim ang iniisip. "May plano ako." Napatingin ang lahat kay Sid. Nabalot ng katahimikan sa loob ng kuwarto dahil lahat ay nag-aabang ng sasabihin ng lalaki. "What is it Sid?" tanong ni Zach. Pinaliwanag ni Sid ang lahat ng gagawin nila. Sinabi nito ang kaniyang plano mula sa unang dapat gawin hanggang sa huling hakbang. Maganda ang plano ni Sid subalit kailangan ng mahabang paghahanda upang maging matagumpay ang planong iyon. "That's really dangerous," komento ni Zach. "Kaya nga kailangan nating paghandaan," sagot ni Dale. Seryoso niyang tiningnan si Zach na nasa harap niya. "Pero sino ang gagawa no'n? I don't want to do that...ayoko pang mamatay," sabi ni Ziah. Halata ang takot sa mukha nito. "Ako na." Tumayo si Dale at tumingin sa lahat. Kung walang may lakas ng loob na magpresinta, siya na lang. Makahulugan niyang tiningnan si Ziah. 'Anong klaseng leader ang babae? Kung totoong may malasakit ito sa tauhan, dapat handa itong mamatay para sa kanila.' "What?" tanong ni Ziah. Mataray itong tumingin sa kaniya. "Wala," sagot niya habang umiiling-iling. Kung makikita lamang siguro si Ziah ng mga miyembro nito ay tiyak na madidismaya rin ang mga ito. "It's late. Umalis na tayo Ziah." Tumayo na rin si Zach matapos niyang silipin ang oras sa kaniyang relo. "Ayoko pa, maaga pa naman eh." "Ziah!" Nagtaas ng boses ni Zach kaya pinanlakihan ng mata ang babae. "Teka? Sinisigawan mo ba ako? Sino bang boss dito?" Tumikhim si Zach bago nagsalita. "I'm sorry, tara na dahil marami pa tayong kailangan gawin. Remember what your dad told you." Sandaling nanahimik si Ziah sa sinabi ni Zach. Naalala niya na naman muli ang bilin sa kaniya ng ama. Kabilin-bilinan nito sa kaniya na huwag niyang pababayaan ang Aquarius na pinaghirapan nitong itatag. Lumapit si Ziah kay Sid. "Sid, aalis na kami. Bye." Tumango lamang si Sid sa dalaga bilang sagot dito. Maraming kliyente ang Aquarius. May sarili silang pagawaan ng armas. Sa isang araw ay nakakarami sila ng benta dahil may mga maliliit at malalaking grupo silang binabagsakan ng iba't ibang sandata. Iyon ang dahilan kung bakit kumikita sila ng malaki. Pagkaalis nina Ziah at Zach, nagsimulang mag-unat si Dale. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapag-ensayo. Habang nandoon sila sa hotel at habang wala naman silang ginagawa, sasamantalahin na niya ang pagkakataon upang magsanay. Dumapa siya at nagsimulang gumawa ng push-up. "Sid, kailan natin gagawin ang plano mo?" "Kapag nakahanda na ang lahat." "Palagi naman akong handa," sagot niya. Ayos lang sa kaniya kahit bukas mismo nila simulan ang plano nito. Kahit nga ngayong araw ay hindi niya tatanggihan matapos lang ang problema ng Aquarius. Pagkatapos ng maraming push-up ay humiga siya para naman sa sit-up. "Alam ko...pero kailangan mo ring magpahinga." Ilang araw na silang nasa hotel na iyon, sapat na ang araw na iyon para makapagpahinga. Isa pa, hindi sanay si Dale na walang ginagawa. Hangga't maaari, ayaw niyang nakatambay sa isang araw na wala man lang nagagawa o natutuklasan. Naniniwala kasi siya na sa bawat segundo at minuto ay marami na siyang magagawang makabuluhan. Malalim siyang huminga matapos ang isang-daang sit-up. Mas kaunti pa iyon kumpara noong sinasanay pa siya ni Benjamin. Dati kasi, hindi siya makakakain hangga't hindi siya nakakagawa ng dalawang-daang sit-up. Mahirap noong una pero nasanay na rin siya sa huli. Sobra siyang pinahirapan ni Benjamin subalit nakutulong naman iyon nang malaki sa kaniya. Kung hindi ito naging mahigpit, marahil ay mahina pa rin siya hanggang ngayon. Hinubad niya ang suot na t-shirt, basang-basa na kasi iyon sa pawis. Nakasuot naman siya ng sando kaya ayos lang kahit sa harap pa mismo ni Sid niya tanggalin ang t-shirt. Susuntok na sana siya sa hangin nang mapansin niyang nakatitig sa kaniya si Sid. "Bakit?" Binaba ng lalaki ang tingin sa kaniyang tiyan kaya napatingin din siya sa sariling tiyan. Nakikita ang tiyan ni Dale na may abs. Nakikita iyon dahil maiksi lang ang sando na kaniyang suot, hanggang sa itaas lang iyon ng kaniyang pusod. Hindi na bago sa isang babae ang may abs. Marami na sa mga babae ngayon ang naghahangad na magkaroon ng abs dahil 'astig daw' iyon tingnan sa babae. Sa tagal na niyang nag-eensayo, hindi malabong magkaroon na rin siya noon. "Gaano ka na katagal nag-eensayo?" Binaba niya ang kamao at tumayo ng tuwid. "Mag-si-six years na." Labing-walo lang kasi siya nang magsimula. Matapos ang araw nang mamatay ang pamilya niya, sa kasunod na araw mismo na iyon siya nagpasyang magsanay. "Kaya pala." Naupo ang lalaki sa sofa. Pinatong nito ang dalawang kamay sa sandalan. Huminga na lamang siya nang malalim. 'Balak ba ni Sid na panoorin siya habang nag-eensayo?' Tumalikod siya sa lalaki at nagsimula muling sumuntok at sumipa sa hangin. Subalit nakakailang suntok at sipa pa lamang siya nang magsalita na naman si Sid. "Hindi masaya ang shadow fight." Tumayo si Sid at lumapit sa kaniya. "Maglaban tayo." Napaatras siya nang bahagya sa narinig pero naisip niya na magandang pagkakataon din iyon upang masubukan ang totoong lakas ng lalaki. Matagal na niyang nakikita si Sid na nakikipaglaban pero ni minsan, hindi niya pa ito nakakalaban. 'Ito ang magiging unang laban nila.' Ngumiti si Dale at sinabi, "Sige ba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD