"Isang shipment ang muli kong ipagkakatiwala sa'yo Shawn, at sa pagkakataong ito... Sana'y 'di niyo ako biguin." Panimula nang kaniyang ama. "Kailangan nang gobernador ng maraming armas para sa kaniyang mga tauhan ngayong darating na eleksyon 'pagkat nagkalat na ang mga gunman for hire," dugtong pa nito. "Ang gobernador?" pag-uulit niya sa narinig. Sa pagkakaalam niya'y walang bahid ng mga gawaing ilegal at masama ang kasalukuyang namumuno sa kanilang lalawigan kaya naman nakagugulat na malaman na isa pala ito sa mga costumer ng kaniyang ama. "Oo, ang gobernador nga kaya pagbutihin ninyong dalawa. Huwag kayong papalpak ngayon o kung hindi, ipapasa ko na kay Toper ang pamumuno." Muling naramdaman niya ang galit sa kaharap. Hindi nga malayong ito ang nagpapatay kay Fred 'pagkat ganoon na

