Tagumpay na narating nila ang destinasyon kung saan sila magkikita nang gobernador. "Magandang araw gob. Narito na ang hiniling niyong mga armas sa'king ama na si Ernesto Jackson," aniya sa matipunong lalaki sa kaniyang harapan. Hindi pa ito katandaan at makikita ang pagkadisente sa kaniyang tindig at pananamit. "Kung gayon, ikaw pala ang anak ni Senyor? Nagagalak akong makilala ka. Ako si Francis Zamora, ang kasalukuyang gobernador ng lalawigan natin," inabot niya ang kamay nito bilang tanda ng pakikipag-ugnayan. "Kilala kita gob dahil sa mga magagandang plataporma mo't mga proyekto na nagawa. Ako si Shawn Jackson, ang naatasan na i-deliver sa'yo ang mga kargamento na nasa loob ng track na 'yan." Sumulyap ito sa sasakyan bago i-abot sa kaniya ang dalawang brief case na puno ng pera.

