Kinabukasan, binalikan ni Vito ang bar kung saan sila nagkita ni Shawn kagabi. Pasimpleng niyang inilibot ang mga mata sa paligid. "Boss, may kailangan ba kayo?" tanong sa kaniya ng isang naglilibot na tanod sa lugar. Hinugot niya ang tsapa mula sa bulsa upang ipakita iyon sa nakatokang tanod ngayong araw. "Magandang umaga boss. Pulis po ako at nagsasagawa nang imbestigasyon sa lugar," agad naman tumayo nang tuwid ang tanod sabay saludo sa kaniya. Kung susuriin ay likas na magalang ang lalaki niyang kaharap. "Good morning, sir!" pabibo nitong bati. Unat na unat ang likuran na tila ba isa ito sa kaniyang trainee sa military. Nakangiting tinapik niya ang balikat ng tanod bago itago ang hawak niyang tsapa sa kaniyang bulsa. "Nag-almusal kana ba, boss?" inakbayan niya ang lalaki sabay laka

