Chapter 24: Argument “KAILAN ka pa dumating, Alked?” tanong ko sa kanya. Siya nga ang nakikita ko ngayon at talagang nakabalik na siya sa isla. “Ano’ng ginagawa mo sa labas ng pintuan ni Leon, Kirsten?” seryosong tanong niya sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong cellphone. “Nakalimutan ko ‘to na kunin kay Leon,” sagot ko. “Si Leon? Nasaan siya kung ganoon? Bakit ikaw pa ang kumuha niyan sa kuwarto ni Leon?” nagdududang tanong niya at ‘saktong bumukas ang pinto ang bumungad sa amin si Leon. Namimilog ang mga mata ko sa gulat dahil nakasuot lamang siya ng bathrobe. Hindi maayos ang pagkakatali no’n at kitang-kita pa ang malapad niyang dibdib. Hala, baka maisturbo namin sila ng kasama niya ngayon. Kaya hinawakan ko ang kamay ng asawa ko para sana hilahin na siya palayo roon. P

