CHAPTER 23

2558 Words

Chapter 23: Suspicion ABALA ako sa pagpapaligo sa aking anak at dahil sa pagiging makulit niyang bata ay natatagalan kami sa loob ng banyo. Nasa bathtub siya at ilang beses na gumawa pa ng bubbles gamit ang baby soap niya. Wala kaming ibang ginawa kundi ang makipagkulitan din sa isa’t isa. Pinanggigigilan ko pa ang magkabilang pisngi niya kaya mas napapalakas ang pagtawa niya. “Ang ganda po, Mommy!” masayang bulalas niya habang itinuturo ang mga bubbles. “Siyempre, ang poging baby ko kaya ang gumawa ng maraming bubbles sa loob nito. Pero hindi ka pa ba nilalamig, anak? Kanina pa tayo rito,” sabi ko at sunod-sunod ang pag-iling niya sa akin. Maglilimang araw pa lamang kami rito sa isla. Dalawang linggo ang bakasyon nina Alked at Leon, si Loisa naman ay hindi ako sigurado kung hanggang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD