THE WIFE’S ILLUSION Chapter 22: Doubt MASAMA ba talaga ang tingin sa akin ni Loisa? O baka iba lang ang nakita ko kanina? Bakit kasi ganoon siya makatingin sa amin? Iginiya kami ni Alked sa board walk. Pareho kaming excited ng anak namin dahil makakasakay na naman kami ng jetki. Isa sa nagustuhan lang naman ni Recyn ay ang nasasabuyan siya ng dagat sa mukha at doon siya mas napapatawa nang malakas. Ako naman ay ang idadantay ko sa ere ang magkabilang braso ko at tumatama sa akin ang malakas at malamig na hangin. Killjoy lang si Alked Herran dahil bumibitaw raw ako sa kanya kaya baka mahulog ako sa dagat at maiwanan nila. “When I grow up, Dad. I want to ride this without you guys are helping me!” he said in gleefully. “Sure, when you’re a big boy, Recyn,” his Dad said as he tapped Recy

