CHAPTER 15

1689 Words
Chapter 15: Meeting his family “SIGE na nga. Hindi ko na lang aampunin. Magiging asawa mo naman na,” nakangiting sabi niya. Nakakahawa rin ang ngiti niya kaya hindi ko maiwasan ang tugunan iyon. “Tawagin mo na lang akong Mama, kung komportable ka, hija,” sabi niya. Grabe naman iyong kabaitan niya. First meeting pa lamang namin ngayon pero kung kausapin niya ako ay parang ang tagal na naming magkakilala. Magaan din naman ang loob ko sa kanya dahil siguro mabait siya at madaling pakisamahan. Iyong tipong hindi ka maa-out of place sa kanya. Kung ganito ang pakikitungo niya sa akin ay tanggap na nga niya niya ako, na magiging asawa ng kanyang anak. “S-Sige po, M-Mama,” nahihiyang sambit ko pa at mas lumapad ang ngiti niya. “That’s better. It’s good to hear that,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “Diretso na tayo sa dining area,” pag-aaya niya at tiningnan pa niya si Tatay Jasper. “Ang suwerte mo sa anak mo, Jasper. Siguro ay proud na proud ka na maging tatay niya,” papuri pa niya na agad sinang-ayunan ng tatay ko. “Oo. Wala na akong mahihiling pa. Ang anak ko ang naging inspirasyon ko sa buhay,” nakangiting sabi niya at mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko. “Masuwerte nga talaga akong ama.” “Ganoon din naman po ako, ‘Tay,” sabi ko. Tumayo si Tatay mula sa pagkakaupo niya mula sa sofa at dumistansya naman sa akin ang Mama ni Alked. Mahigpit akong niyakap ng aking ama at marahan na hinagod pa niya ang likod ko. “Masayang-masaya ako na ikaw ang naging anak ko, Jam. Kaya wala na rin akong kakatakutan pa dahil si Alked naman ang mapapangasawa mo. Alam kong maaalagaan ka niya nang maayos at nangako siya sa akin na hindi ka niya sasaktan. Na mamahalin ka niya ng higit pa sa buhay niya,” mahabang sabi niya. “Alam ko na masyadong mabilis ang pangyayaring ito, pero makakaya mo pa rin... Makakaya mo rin ang mahalin din siya,” sabi niya at nagtataka pa ako sa ‘mamahalin din?’ Saka tiwalang-tiwala talaga siya kay Alked. Sana rin ay hindi ko mararanasan ang masaktan at umiyak ng sobra. Pero malabo rin, posibleng mangyayari pa rin iyon sa akin. Ang sakit na mararamdaman ay normal na mangyayari talaga. Parte iyon ng ating buhay. Ang masaktan. “Oh, naiinggit din ako. Come here, my son. Payakap din ang Mama mo,” narinig kong sabi ng mama ni Alked at masunurin na lumapit naman siya ay yumakap din. Natutuwa ako dahil kayang-kaya rin pala siyang paamuin ng kanyang ina. Hindi naman pala talaga siya mukhang snob dahil ang bait-bait niya. “Ma’am, handa na po ang dinner ninyo,” sabi ng kasambahay nila at saka lang kami naghiwalay ni Tatay. “Tara na,” pag-aaya niya at lumapit naman ako sa parents ni Astralley. “Good evening po, Tita Wyzah,” bati ko at humalik ako sa pisngi niya. “Tito.” Nagmano naman ako sa Daddy ni Alley. “Masaya kaming magiging pamilya ka na talaga namin, Jam. Kahit naman noong magkaibigan kayo ni Astralley ay tinuturing ka na namin na parang tunay na anak,” sabi ni Tito Elchor at marahan na tinapik ang ulo ko. Madalas niya itong gawin sa akin kapag nagkikita kami. “Kumusta ka, Jam?” tanong sa akin ni Tita Wyzah. “Mabuti naman po, Tita. Kayo po ba?” magalang na tanong ko rin. “Maayos din,” sagot niya. “Sumunod na lang kayo,” ani Mama Yssaven na tinanguan naming lahat. “Congrats na agad sa ‘yo, pinsan. Kung malalaman namin na pinaiyak mo si Jam ay walang pinsan-pinsan sa akin,” sabi ni Kuya Asher. Napatawa si Tatay Jasper at tuwang-tuwa siya sa narinig. “Ako rin. Parang kapatid na namin si Jam. Kaya umayos ka, Alked,” pagbabanta rin ni Kuya Archer pero may halong pagbibiro yata. Dahil nakangisi ito. Natawa na lamang ang mga kasama naming matatanda bago kami nagdesisyon na sumunod na sa Mama ni Alked. Sa dining area ay magkatabi kaming nakaupo ni Alley at nasa kanang banda ko naman si Tatay Jasper. Sa tabi niyang nakaupo ang mga kuya ng best friend ko. Nasa tapat ko namang nakaupo si Alked na katabi rin ng kanyang ina. Nandoon din ang parents ni Alley at ang bunso nilang kapatid. Na ngumiti at bumati lang sa akin kanina. Naging maayos naman ang dinner namin at nakipagkuwentuhan kami ni Tatay sa pamilya ni Alked at ramdam ko agad ang pagtanggap nila sa akin. Parang isang pamilya na rin kami. *** Lumipas ang ilang mga araw ay dumating ang wedding day namin ni Alked. Ang matagal na hinihintay ng Mama niya na darating daw ang pagkakataon na makikita niyang ikakasal ang anak niya. Kinakabahan ako pero may excitement din naman akong naramdaman. Ewan ko ba sa sarili ko. Kahit hindi ko naman inaasahan o pinaghahandaan talaga na ikakasal ako agad. Suot ko ang mermaid style na wedding gown at maayos na naka-bun ang buhok ko. May kinuha silang make-up artist para sa akin. “Ang ganda-ganda mo talaga, Jam,” nakangiting papuri sa akin ni Alley at kinulong pa ng mga palad niya ang mukha ko. Napahalakhak ako sa ginawa niya. Gigil na gigil pa siya. Kulang na lang ay pigain niya ang pisngi ko. “Jam, huwag mong isipin na parang arrange marriage lang ang lahat ng ito. Ang feelings ni Kuya Alked ay totoo iyon. Nakikita at nararamdaman ko, Jam...” Tumango ako dahil maski ako ay iyon din ang nararamdaman ko. Iyon din ang hula ko. Pero mas mabuting aaminin mo pa rin naman ang nararamdaman mo, eh. Kulang ang paramdam lang, kailangan na may sasabihin ka rin para hindi iyong manghula lang siya. “Ramdam ko rin, Alley,” sabi ko. Hindi naman ako nabigo ukol doon. Ipinapakita talaga iyon sa akin ni Alked. Bumukas ang pintuan ng hotel room namin. Nag-check in kami para sa pag-aayos sa akin. Napatayo naman si Alley at nanlaki pa ang mga mata niya. Parang nakakakita pa siya ng multo sa hitsura niya. “Tito August,” bati niya at napatingin naman ako sa taong tinawag niya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa nakabukas na pintuan at diretso agad ang tingin sa akin. Matangkad din siya at malaki ang pangangatawan. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi mapagkakaila na magandang lalaki rin siya. “Hi, Astralley,” bati rin ng lalaki sa kaibigan ko at lumapit ito sa kanya. Nagmano siya at sa akin pa rin siya nakatingin. Hindi ko siya kilala. Dahil ngayon ko lang naman siya nakita. Pero may kahawig siya. “You must be Jam Kirsten Celestial, the bride of my son, Alked Herran,” sabi niya at kahit may kabigatan ang gown ko ay nagawa ko pa ring tumayo pero sumenyas siya sa akin. “No, stay still and sit back,” maawtoridad na sabi niya at mabilis ko namang hinaway. Tiningnan ko si Alley na mukhang kinakabahan siya. I looked at him again. Siya na nga ang daddy ni Alked. Kaya pala unang kita ko pa lamang sa kanya ay natakot na ako. Katulad din pala siya ng mga anak niya. Dahil siguro ay sa kanya nagmana? Pero si Alked Herran ay malaki rin naman ang pagkakahawig nila sa Mama niya. “K-Kumusta po?” ani ko at humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko. “Can you leave us alone, Astralley?” aniya na mabilis namang tumango si Alley. She mouthed me to calm down saka siya lumabas sa silid na ito. Pero paano ko gagawin ko kung kinakabahan naman ako? “How are you?” tanong niya sa akin at kinabahan na naman ako. “A-Ayos lang po ako, Sir,” sagot ko at ngumiti pa sa kanya. “Don’t be nervous. I just want you to congratulate and welcome to the family, I’m August Fortalejo, the father of Alked,” pakilala niya sa akin at inabot ang kamay ko para halikan ang likod no’n. Hindi naman pala siya nakakatakot kahit ang lamig o kakaiba ang presensiya niya. “Maraming salamat po, Sir,” pagpapasalamat ko sa kanya. “You can call me dad,” he said. “O-Okay po... D-Daddy...” nahihiyang tawag ko sa kanya. Hindi ako sanay na may tinatawag akong daddy pero siguro kailangan ko na ring tanggapin at sanayin ang sarili ko? “That’s good,” he said at pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas na naman ito. “Dad...” Don't tell me isa siya sa kuya ni Alked? Kung ipagtatabi pala silang tatlo o magkakasama-sama ay pagkakamalan silang lahat na triplets dahil magkamukha silang lahat. “Kheden.” Kheden ang pangalan ng isang ito? Grabe, sobrang guwapo niya rin. “What are you doing, Dad?” he asked his father. “Nothing. Maiiwan ko na kayo rito,” sabi niya at tinanguan lang din ako. Hinarap ako ng lalaking nagngangalan na Kheden. “Hello. I’m one of the brothers of Alked. Hindi kami masyadong close kaya ngayon lang din tayo nagkakilala. Kung hindi sinabi sa akin ni Keo na ikakasal na ang bunso naming kapatid ay hindi ko malalaman. Dahil wala rin yatang balak na imbitahan ako ng isang iyon. Mabait si Aunt Yssaven kaya rin ako nandito. Even Dad,” mahabang saad naman niya. Madaldal pala siya. “P-Pasensiya na. Baka...nakalimutan lang ni Alked,” sabi ko. “It’s not your fault. I’m Kheden Harold Fortalejo, by the way,” sambit niya sa pangalan niya at siya naman ang naglahad ng kamay. “Jam Kirsten Celestial,” I uttered my name too at tinanggap ko rin ang palad niya. Pero may pagka-gentleman pala talaga ang lahi nila. Katulad nang ginawa ng daddy niya kanina ay hinalikan niya rin ang likod ng kamay ko. “Nice meeting you, Jam at sayang na ngayon lang kita nakilala. Kung hindi...baka hindi si Alked ang mapapangasawa mo,” nakangising sabi niya at nagsalubong ang kilay ko. “A-Ano’ng ibig mong sabihin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD