CHAPTER 16

2489 Words
Chapter 16: Wedding day “I WAS just kidding, our soon to be sister-in-law,” sabi niya at nagawa pa niyang kindatan ako. Ibang-iba ang pag-uugali ng isang kapatid ni Alked. Malayo naman sa kakilala kong si Keo, na seryoso man siya at mukhang nakakatakot ang presensiya, na tila palagi siyang nag-uutos na parang isa ring hari na kailangan mong sundin ang mga inuutos nito sa ‘yo. Siya ay mukhang hindi rin tahimik hindi katulad ni Alked, parang palabiro siya na hindi. “What are you doing here, Kheden?” Sumulpot na naman ang isang kuya ni Alked na si Keo Fortalejo. Bakit ba halos magkasunod-sunod silang pumapasok sa loob nito? Para lang talagang batiin ako? O makilala man lang? “Keo, bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal na pala ang bunso nating kapatid?” agaran na tanong ni Kheden sa kanyang nakatatandang kapatid. “Bakit pa, eh malalaman mo naman agad,” baliwalang sagot lang nito sa kanya. “See? Nandito ka na nga at nakadalo na agad,” dugtong pa nito. “Si Aunt Yssaven ang nag-imbita sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay wala talaga akong kaalam-alam na naunahan na pala tayo ni Alked. Si Dad nga ay nagalit din dahil hindi niya rin nalaman kaagad. Pero may takot yata siya kay Aunt, kaya hindi na niya pinansin pa iyon,” sabi pa ni Kheden. “Just like what I said ay malalaman pa rin niyo,” ani Keo. Bumalik ang tingin sa akin ni Kheden. “You know what, Miss? Ang suwerte ng kapatid namin sa ‘yo,” sabi niya at bumilis pa ang t***k ng puso ko. Bakit si Alked ang naging masuwerte? Dahil ba na ako ang mapapangasawa niya? Hindi ba dapat para sa akin ang mga salitang iyon? Na ako ang masuwerte sa kanya kay Alked? Ngumiti na lamang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ba ako sasagot. Magpapasalamat ba ako o ano? Parang wala rin kasi akong maisip na salitang ibibigkas. Nahihiya ako sa presensiya nilang dalawa. “By the way, congratulations and welcome to the family. Don’t worry, matinong lalaki ang kapatid namin at hindi iyon alam ang salitang ‘nananakit’ o naglalaro sa damdamin ng mga babae. He loves his mother so much, kaya kung may paiiyakin man siya ay iisipin niya na ang Mama niya iyon. He can’t stand his own mother seeing na makikitang nasasaktan ito. Kaya nakalaya si Aunt Yssaven mula sa mga kamay ng tatay nami,” mahabang saad naman sa akin ni Keo. Tumango ako dahil umaasa talaga ako na sana nga. Na sana nga ay hindi ako sasaktan ni Alked. Sana nga ay ganoon siya at hindi niya kakayanin ang manakit sa ibang tao. At saka... tiwalang-tiwala na talaga sila sa akin? Dahil kinukuwento na nila ang tungkol sa relasyon ng kaninang ama sa Mama ni Alked. Bumalik sa loob ng private room si Ally at sumunod ang tingin sa kanya ng mga kapatid ni Alked. Alam ko na pinsan na rin ang turing nila sa kaibigan ko. “Hello, Astralley,” malambing na bati pa ni Kheden kay Alley at parang nagulat pa ito sa pagbati sa kanya. “N-Nandito po pala kayo, Kuya Kheden. Hindi po kita nakita na pumasok dito, eh,” parang kinakabahan na sabi pa ni Alley. Kitang-kita ko na iniiwasan niya ang tumingin ng diretso sa mga mata ni Kheden. I don’t know why, parang natatakot siya na ano. “How about this one, Kheden?” biglang tanong ni Keo sa kanyang kapatid at hindi ko gets kung ano ang tinutukoy niya pero si Astralley ang itinuturo niya. Si Alley naman ay naguguluhan na tiningnan siya. “Ano po ang mayroon, Kuya Keo?” inosenteng tanong pa ng best friend ko. Hindi niya rin naiintindihan ang pinagsasabi nito. “Nothing, Astralley and you’re beautiful. Parang nakikita ko na rin na ikaw ang susunod na bride,” nakangising sabi niya at mabilis na namula ang magkabilang pisngi ni Alley. “Kuya, ang bata ko pa para sa bagay na iyan. Matagal pa po,” nahihiyang sabi niya na sinabayan pa nang mahihinang halakhak. “She’s your best friend, right Astralley? Siya nga ay ikakasal na ngayon, bata pa nga siya,” dahilan naman ni Kheden na ikinagisi ng malapad ni Keo. What’s wrong with them? Bakit iginigiit nila si Astralley na magpakasal? Ang weird talaga nilang magkakapatid, eh. Akala ko ay hindi sila close dahil na rin sa iyon din ang nakikita ko sa bunso nilang kapatid. Pero mukhang nagkamali nga ako sa hinala ko. Bumukas ulit ang pintuan at ang stylist ko na ang pumasok. “Good afternoon po, Sir. Kukunan lang po nila ng picture ang bride natin bago pa po matapos ang break at magsisimula na ang wedding ceremony,” nakangiting sabi nito at kasama pala niya ang photographer. “Timing, magpapakuha rin kami para may remembrance kami na kasama ang sister-in-law namin,” ani Keo. Marahan na hinila pa niya si Alley at tumabi naman ito sa akin. Nanatiling nakaupo lamang ako habang hawak ko ang bouquet ko. “Come here, Kheden. Don’t lose this chance, brother,” pag-aaya niya kay Kheden. Sa una ay tumitig pa ito sa amin bago niya inilipat ang tingin sa katabi ko. O sa katabi ko nga ba siya nakatingin? May kakaiba kasi sa tingin niya, eh na hindi ko rin kayang ipaliwanag. Lumapit naman siya sa puwesto namin at akmang sa left side ko nga siya tatabi nang magsalita si Keo. “Diyan ako, Kheden. Dito ka sa tabi ni Astralley.” Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Kheden bago siya lumipat sa tabi ni Alley. Napipilitan lang yata siya, eh. “Smile, Kheden. Huwag kang sumimangot. Magsisisi ka kapag hindi maganda ang kuha sa ‘yo,” nanunuyang saad pa ni Keo. “Shut up, Keo,” iritadong saad ng isa. “Sir, puwede po bang lumapit ka pa sa bride’s maid natin? Masyado po kasi kayong malayo, eh,” sabi ng photographer at tiningala ko si Alley. Nararamdaman ko ang kaba niya, dahil sa halos na dumikit ang braso niya sa likod ko. Nanginginig kasi ang mga kamay niya. “Ayos ka lang, Alley?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. ”S-Siyempre naman. Oo. Bakit mo tinatanong?” kinakabahan na sagot niya at napatikhim pa siya dahil nauutal pa habang sumasagot sa akin. “Nanginginig ka kasi, nararamdaman ko at huwag kang magsinungaling. Kilala kita, Astralley,” nambabanta na sabi ko at umirap pa siya sa akin. Nagbigay ng instruction sa amin ang photographer at ilang beses niya kaming kinunan ng iba’t ibang anggulo. Napansin ko naman na may brasong nakapulupot sa baywang ni Alley. Isa kaya sa dahilan na iyan kung bakit ay kabado siya at kinakabahan? Pero ang bilis naman, ah. Okay lang ba iyon? Kaya pala siya hindi napapakali dahil sa braso ni Kheden na nasa kanyang baywang. “Puwede po bang kayo muna ang kunan namin? Ang ganda po niyo kasing tingnan.” Napangiti ako dahil sa sinabi nito at hindi sila nakapagprotesta pa. Ewan ko ba kung tama na isipin o sabihin ko na bagay sila. May Chemistry kasi silang dalawa at ang ganda pa nang pagkakangiti ni Kheden. May mga nakuha ring litrato na nakatingin lang siya kay Alley. Hindi ko alam kung tama ba talaga iyon... “What do you think, about them? Bagay ba sila?” tanong sa akin ni Keo habang pinapanood niya rin ang mga ito. Sinulyapan ko siya at ganito rin ang reaction niya noong kami naman ni Alked ang pinaglalaruan niya. May pinaplano na naman siya at parang gusto niyang maging kupido. Si Astralley pa ang gusto niya para sa kapatid niya? “Hindi ko alam at saka puwede ba iyon? Si Astralley ay pinsan ng kapatid niyo kaya parang pinsan niyo na rin siya kaya. Paano mo naiisip iyan, Keo?” tanong ko. “Hmm... Nothing, I just found them compatible to each other. Look at your future brother-in-law,” utos niya na agad kong sinunod. Nakangiting pinagmamasdan niya lang talaga si Alley. “He’s not like this. Hindi kami close na magkakapatid pero kilala ko na ang pag-uugali nila, ang kahinaan nila at lahat-lahat. Si Kheden, alam kong may nararamdaman na siya para sa kaibigan mo.” Napasimangot ako. “Hindi sila puwede, parang ang pangit naman tingnan kung si Kheden ang makakatuluyan ni Astralley, eh parang magpipinsan na kaya kayo,” sabi ko at natawa naman siya. “We don’t treat her like our own cousin, dahil lang din sa kapatid namin na si Alked. Mas nakikita ko pa siya na dala-dala ang pangalan ng pamilya namin and let me say this to you. May half-sister din si Kheden. Kapatid niya ito sa ina and...” Nanlaki ang mga mata ko sa posibleng naisip ko. “Huwag mong sabihin...” saad ko. “I won’t tell then,” sabi niya. Gusto ba niya ang half-sister ng kapatid niya?! Nahihibang na ba siya? Parang kapatid na kaya niya iyon kung nagkataon! Tapos si Kheden? Pinsan pa ng kapatid niya! Nakakaloka silang magkapatid! “Magiging komplikado lang ang lahat sa inyo,” naiiling na sabi ko. “But I love complicated love story, Mrs. Fortalejo,” nakangising sabi niya at umawang lang ang labi ko sa gulat. *** Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ang kaba ko sa dibdib dahil magsisimula na raw ang kasal at parang ang bilis pa nang pangyayari na halos hindi ko na namamalayan pa. Dahil siguro nadadala rin ako sa emosyon ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa altar at yakap-yakap ko ang braso ni Tatay Jasper na naririnig ko ang mahihina niyang pagsinghot habang nakatutok naman ang atensyon ko sa lalaking nakatayo na katabi lang ng priest. Suot niya rin ang tuxedo niya at kahit nasa malayo pa kami ay nakikita ko agad ang taglay niyang kaguwapuhan. Naninibago pa rin ako na makita siya na hindi suot ang kanyang uniporme. Gusto ko namang alalahanin ang bawat segundong lumilipas pero sadyang napakabilis niya talaga. Ang tanging tumatak lang sa utak ko ay ang pag-anunsyo ng pari na kami ni Alked ay mag-asawa na. Bumilis pa ang t***k ng puso ko nang itaas niya ang belo sa ulo ko at nakangiting hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko. Parang mabibingi talaga ako sa lakas nang tambol sa dibdib ko at tila lalabas na rin ang puso ko ng wala sa oras. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at titig na titig siya mga labi ko. Nanuot din sa aking ilong ang mabango niyang perfume at tumatama na sa akin ang mainit niyang hininga. Kasabay nang masuyong pagpatak ng halik niya sa akin, akala ko ay iyon lang ang gagawin niya. Ang halikan lang ang pisngi ko pero bumaba pa ang mukha niya. Marahan na siniil niya ng halik ang mga labi ko at napapikit ako dahil sa nararamdaman na kung ano mang bagay ang lumilipad sa loob ng tiyan ko. Hindi ko mawari ang mga nararamdaman ko ngayon. Parang mapapaso ako sa paraan nang paghalik niya sa akin at wala akong experience sa halik-halikan na iyon kaya sumabay na rin ako sa marahan na paggalaw ng mga labi niya. Na sana lang ay makuha ko ng tama. First kiss ko iyon kaya mahalaga rin iyon sa akin pero okay lang kung kay Alked--sa asawa ko na ang unang makakakuha no’n. Nang matapos ang halikan namin ay kinapos ako nang hininga. Maging siya ay habol niya rin ang kanyang paghinga. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at parang nakadikit pa rin sa akin ang malambot niyang mga labi. Hinapit niya ako sa baywang at pinatakan ng halik ang aking noo saka niya ako mahigpit na niyakap. Humilig ako sa dibdib niya at pinakinggan ang pintig ng puso niya. Naghihiyawan ang mga bisita na sinabayan nang malakas na palakpak pero mas gusto kong pakinggan ang heartbeat niya. Nakararamdam ako ng sekuridad sa mga bisig niya. Parang naging tahanan ko na rin siya. “I love you, Kirsten...” Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig. O tama nga ba ang aking narinig mula sa kanya? Hindi ba ako nagkakamali lamang? “Ha?” gulat na tanong ko sa kanya at tiningala ko pa siya. Hinaplos niya ang pisngi ko at matamis na nginitian pa niya ako. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta ang alam ko rin ay mahal na kita...” madamdamin na sambit pa niya. Hindi na ako nakapagsalita pa nang lumapit sa amin ang family niya at sina Tatay Jasper para kunan daw kami ng litrato. Nakahawak pa rin siya sa baywang ko na hindi ko na binigyan pa ng pansin. Paulit-ulit ko lang din na naririnig ang boses niya at ang pagbigkas ng mga katagang iyon, na hindi ko inaasahan na maririnig ko mismo mula sa bibig niya. Sa reception area pagkatapos ang tungo namin at parang wala pa ako sa sarili ko. Hindi pa rin ako nakaka-get over sa mga narinig ko kaya parang wala pa akong energy noong hinagis ko ang bouquet ko at nang makita kong si Alley pala ang nakasalo no’n ay parang doon lang ako natauhan. Natawa pa ako nang biglang kinuha ni Keo ang garter ni Alked at walang sabi-sabi niyang itinali ito sa braso ni Kheden. Nasundan pa ng mga mata ko ang bibig ng isa, na alam kong nagmura siya nang gawin iyon sa kanya ng kapatid niya. “Pagod ka na ba?” tanong sa akin ni Alked at napalingon ako sa kanya. “Medyo,” tipid kong sagot at naiilang na ako sa mga titig niya. Dahil sa tuwing tinititigan ko ang mukha niya ay hindi ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi. Ang guwapo naman kasi niya at hindi ako nasasanay na makita siya sa ganoong ayos din. Iginiya niya ako sa table namin at inalalayan pang makaupo. “Ano’ng gusto mong kainin?” tanong niya. May buffet table at maraming iba’t ibang klase ng pagkain ang nakahain doon at pinaghandaan ng Mommy ni Alked. “Ikaw na ang bahala. Kakainin ko naman kung ano ang nakahain diyan,” nakangiting sabi ko at tumango naman siya. Hinawakan pa niya ang ulo ko saka siya naglakad palayo. Sinundan ko pa siya ng tingin. Paano nga ba niya nalaman na mahal na niya ako? Paano nangyari iyon at sobrang bilis naman yata? Bumaba naman ang tingin ko sa mga daliri ko. Napangiti ako nang makita na dalawang singsing na iyon at ang gaganda nila. Hindi ko akalain na darating pala ang panahon na ito na ikakasal ako sa lalaking... Hindi ko pa man lubos na kilala ay parang unti-unti naman siyang kinikilala ng puso ko. Si Alked Herran Fortalejo, ang lalaking pulis na humuli sa akin dahil akala niya ay kasabwat ako ng isang magnanakaw dahil natiyempuhan niya rin ako sa araw na iyon pero ngayon...asawa ko na siya. At...kasal na ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD