Chapter 17: Isla Hari
BUMALIK naman siya pagkatapos niyang kumuha ng pagkain para sa amin pero bakit isang plato lang ang dala niya? Hindi ba siya kakain?
“Here it is,” saad niya at inilapag iyon sa table namin. May mga bisita kaming napapatingin sa amin kaya nginingitian ko na lang din sila. Ang iba kasi ay hindi ko naman kilala. Baka family friends ni Alked.
“Bakit isang plato lang? Hindi ka ba kakain? Hindi ka gutom?” mahinang tanong ko sa kanya nang makaupo na siya sa tabi ko. May dala rin siyang wine and cocktail glass.
“I’m not hungry,” sagot niya lang sa akin na sinabayan pa nang pag-iling.
“Bakit? Kumain ka ba kanina?” tanong ko at pinanliitan ko siya ng mga mata. Umiling lang ulit siya.
Napatingin ako sa mga pagkain sa plato. I pouted my lips. Ang dami, mukha ba akong malakas kumain? “Hindi ko naman mauubos pa ‘yan, ay. Gusto mong share na lang tayo?” Napangiti siya at napakagat labi pa at dahan-dahan tumango. “Gusto mo lang yata na mag-share tayo, eh,” ani ko at nag-iwas siya nang tingin sa akin. Napangiti ako nang makita ang pamumula ng tainga niya.
Sa ilang mga araw na nakasama ko siya ay unti-unti ko na talaga siyang nakikilala. Kapag namumula ang tainga at leeg niya ay isa lang ang ibig sabihin no’n. Kinikilig siya.
Nagulat pa siya nang hawakan ko ang dibdib niya at namimilog ang mga matang tiningnan ako. Bayolenteng napalunok pa siya.
“Why?” he asked me.
“Ang bilis ng heartbeat mo,” namamanghang sabi ko. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hindi na niya iyon pinakawalan pa. Ang laki talaga ng palad niya kaya at ang init pa.
“Let’s just eat, baby?” Tumango na lang ako. Kaliwang kamay ko lang naman ang hawak niya.
“Sinadya mong damihan ito para lang iisang plate tayo, ‘no?” I teased him.
“I don’t know?”
Kumakain na rin sina Astralley na panay ang pagkaway niya ng kamay niya tapos ngingiti ng malapad.
Habang kumakain naman kaming dalawa ay lumapit sa amin si Mama Yssaven.
“Congratulations again,” she greeted us. Pareho niya kaming hinalikan ni Alked sa pisngi at niyakap pa. Halatang masaya siya para sa araw na ito.
“Thank you po, Mama,” nakangiting sabi ko. Ang suwerte talaga ni Alked sa Mama niya dahil mayroon siyang mabuting ina na nakasama niya pa simula pagkabata at hanggang ngayon din.
“Magandang idea rin naman ang maging daughter-in-law kita, Jam. Kahit hindi na pala kita ampunin, eh,” she said at umupo siya tapat namin. Alam ko naman na nagbibiro lang siya noong sabihin niyang aampunin niya ako. Baka gusto niya lang pag-trip-an ang anak niya.
“Kumain ka na po ba, ‘Ma?” tanong ng asawa ko-- ay hindi talaga ako sanay. Hindi ako sanay na iyon na rin ang itawag ko, na asawa ko. Naninibago pa rin ako pero alam ko na darating pa rin ang panahon na masasanay rin naman ako. Hindi pa naman ngayon.
“I’m still full, anak. Kumain ako kanina dahil nagutom ako sa excitement for this day,” she said with a smile.
Sinundan pa niya nang tingin ang paglagay ng katabi ko ng ulam sa kutsara ko. “Aw, ang sweet nila agad.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Sabi na, eh. Papansinin niya talaga iyon.
“Mama, don’t look at us like that. Nahihiya na naman po ang daughter-in-law mo,” nahihiyang sabi pa ni Alked sa Mama niya.
“Nahihiya ka rin, Alked?” pilyong tanong pa ni Mama.
“Tititigan niyo po talaga kami, Mama?” pangungulit pa niya. Naiilang din yata siya na titigan nito.
“Yes.”
“Si Dad na lamang po ang titigan mo nang ganyan, ‘Ma. Alam kong hindi iyon magrereklamo,” utas niya.
“Oh, shut up, son,” Mama Yssaven said at inirapan pa siya kaya mahinang natawa ako.
“Dad is still in love with you. You know that, ‘Ma?” Mahinang siniko ko siya dahil hindi niya rin tinitigilan ang Mama niya. Ang kulit-kulit talaga niya at palaban din. Ayaw magpatalo sa kanyang ina.
“Speaking of the devil, son. Nagalit daw ang Dad mo dahil hindi mo siya in-invite sa wedding day niyo,” pag-iibang topic ni Mama Yssaven at napatingin siya sa kabilang table. Kung saan nandoon si Mr. Fortalejo at pati na ang dalawang anak nitong sina Keo at Kheden.
“I know that you’re goin’ to invite him, ‘Ma,” my husband blurted out. Okay... Sinasanay ko lang ang sarili ko.
“Alam din naman niya ang situation,” she said again. “Anyway, may napili na ba kayong place? Saan ang honeymoon niyo, Alked? It was a surprise ba kaya hindi mo rin sinabi sa akin, son?” Bigla ay nalunok ko ng buo ang kinakain ko kaya bumara agad iyon sa lalamunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at marahan kong tinapik ito. Hindi ako makahinga.
Nataranta naman si Alked nang mapansin niya ako. Dumapo agad ang kamay niya sa likuran ko at marahan niyang tinapik iyon.
“Mama naman... You okay?” he asked me.
“Oh, sorry! Nagulat ko yata ang wife mo, son. Here’s the water!” natatarantang sabi naman niya at kinuha ko naman ang isang basong tubig saka ako uminom. I felt Alked’s hand rubbed my back, he did that repeatedly.
“Sorry, honey. But I’m serious. Hindi sinabi sa akin ni Alked kung saan ang flight niyo to honeymoon, you know.” Lumabas yata ang tubig sa butas ng ilong ko nang marinig ko na naman ang katagang iyon. Nasamid na naman ako ng tubig.
Mabilis naman pinunasan ng asawa ko ang tubig sa ilong ko at pinunasan pa ang bibig ko. Dahil sa malakas na pag-ubo ko.
“A-Ayos na ako,” sabi ko at napaayos ako nang upo. Mahinang humalakhak na lamang ang mother-in-law ko.
Kailangan ba talaga iyon? Pagkatapos ng wedding namin ay kailangan ng...h-honeymoon? Alam ko rin naman ang bagay na iyon pero kasi...
Ang isipin ko lamang iyon ay nahihiya na ako. Ang mahawakan nga lang niya ang mga kamay ko ay kakaiba na ang impact niya sa akin. Presensiya pa lang niya ay hindi na ako napapakali pero komportable naman ako sa kanya. Komportable naman ako na kasama ko siya dahil nasanay na rin ako. Na kung dati ay nahihiya rin ako na kausapin siya. Palagi kaya siyang tahimik.
Is just that...parang nahihiya pa ako at hindi ko pa...kaya? Ang halik kanina. Hanggang ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang malambot na labi niya sa akin. Parang hindi na yata mawawala pa iyon. Tandang-tanda ko pa ang hindi normal na pagtibok ng puso ko.
“'Ma, puwede naman po kami pupunta somewhere, pagkatapos nito pero...kung hindi pa po handa ang asawa ko ay hindi pa po namin gagawin iyon. H-Hindi naman po iyon...” Parang matutunaw na naman ang puso ko sa sinabi niya. He’s understanding husband and I like him for that. Mas mahuhulog talaga ako sa kanya kapag palagi siyang ganito.
Hindi malabong mangyari nga ang bagay na iyon. Eh, mahal ko na rin yata siya... Maybe?
“Hmm, I understand. Sige na, kumain lang kayo riyan at babalik na ako sa table namin,” aniya saka siya nagpaalam na babalik na sa table niya.
***
Marami pa kaming ginawa sa reception at parang pinapaalis talaga kami ni Mama Yssaven dahil ang isang malaking maleta namin ay nakahanda na agad. Mabilis na naisakay iyon sa kotse. Bago ang mga gamit na iyon at kasama niya si Alley sa paghahanda ng gamit na dadalhin namin. Paano ko nalaman? Of course galing kay Astralley iyon.
Hindi naman kami mag-a-out of the country dahil mas pinili ni Alked sa isang isla na hindi naman ako sigurado kung saan ba iyon. Basta secret lang daw iyon.
“Jam, pasalubungin mo ako ng pamangkin, ah?” Inirapan ko si Astralley dahil sa pagbibiro niya sa akin na pasalubong.
Ano ang akala niya ay madaling ibigay sa kanya ang pasalubong na hinihingi niya? Pero nararamdaman ko na naman ang pamilyar na init sa pisngi ko. Pasalubong na pamangkin? A baby? Parang...hindi pa yata ako handa na magkaroon ng anak pero darating din kami sa puntong iyon. Ang magkaroon kami ni Alked ng sariling anak.
“I like the idea, hija. But...we can’t still wait naman. Hindi naman tayo nagmamadali pa, eh,” Mama Yssaven said and I nodded. Kahit na sobrang nakakahiya talaga iyon.
“Ah, basta po, Tita Yssaven. Pamangkin po ang gusto kong pasalubong from them. Hindi ba, Kuya Alked? Pagbibigyan mo ako, hmm?” At tinanong pa niya ang pinsan niya. Ewan ko lang sa isasagot ng katabi ko ngayon.
“Puwede rin si Kheden ang magbigay sa ‘yo ng pasalubong, Astralley,” laban niya sa kaibigan ko at tiningnan ko ang reaction ng kapatid niyang si Kheden.
Nagsalubong ang kilay nito at napatitig pa kay Alley. Nakita ko pa ang pag-alon ng adams apple niya saka siya mabilis na tumingin sa ibang direksyon. Pero nahuli ko rin ang same reaction nila ni Alked.
Naguguluhan na tumingin naman ang mga kuya ni Alley kay Kheden at mahinang humalakhak pa si Keo. Nasa exit kami ng hotel at hinatid nila talaga kami hanggang dito. Nakahanda na rin ang sasakyan namin na as usual talaga ay may decorations pa.
“At bakit si Kheden? Ano’ng mayroon sa kanya, Alked?” seryosong tanong ni Kuya Asher at mukhang naintindihan naman niya yata ang ibig sabihin ng asawa ko dahil marahan niyang hinila ang kanyang kapatid palapit sa kanya.
Hindi na lang din pinansin pa ng iba naming kasamahan na matatanda dahil mas nag-focus yata talaga sila sa amin o baka hindi na rin sila nagkomento pa.
Lumapit sa akin si Tatay Jasper at niyakap na naman niya ako. Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik.
“Mag-iingat kayo ro’n, anak,” paalala niya.
“Opo, ‘Tay,” ani ko.
“Alked, son?” tawag ni Mama sa anak niya.
“Yes po, 'Ma?”
“Ang mga gift niyo, dadalhin na lamang namin sa mansion,” aniya. Hindi ko alam kung saang mansion ba niya dadalhin iyon baka sa bahay rin nila.
“Kayo po ang bahala, ‘Ma,” narinig kong sagot ni Alked.
“Oh, siya. Umalis na kayo at magparami,” she said at nagtago na ako sa likod ni Alked. Nakakahiya talaga kapag sinasabi nila iyon sa akin tapos ang dami pa nilang nakatingin sa amin.
“Sige po, Mama.”
“Congratulations again, newly wed!” sabay-sabay pa na sigaw nila. Natatawang kumaway na rin ako sa kanila pabalik sa kanilang lahat.
Sila yata ang mas excited na aalis kami ni Alked.
***
“Saan tayo ulit?” tanong ko kay Alked. Lulan na kami ng kotse ngayon at hindi naman ito patungo sa airport, eh. Sa ibang direksyon pa.
Curious talaga ako kung saan kami pupunta. Malayo kaya? Saang isla kaya ‘yon? Bakit kasi masekreto siyang tao? Tss.
“Pang-sampung tanong mo na ‘yan, Kirsten,” naaaliw na sabi niya sa akin at pinadaanan pa ng hintuturong daliri niya ang kaliwang kilay ko.
“Bakit kasi hindi mo pa sinabi sa akin ng diretso? Bakit kailangan mo pang itago, ha?” tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.
“Sinabi ko naman na sa ‘yo. Sa isang pinakamalayong isla tayo pupunta,” sabi niya at hinipan pa niya ang talukap ng mga mata ko.
“Sasakay ba tayo ng eroplano?” tanong ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Naaaliw na naman niya akong pinagmamasdan at hinawakan ang ulo ko.
“You looks like a child when you asked me in that way, baby,” he said. I just shrugged my shoulder. Ewan ko sa kanya. “You will see it later,” he added.
Nanahimik din ako mayamaya, sumuko na rin sa pangungulit sa kanya kasi bumibigat na ang pagkurap ko dahil parang inaantok na rin ako. Nakatulugan ko na rin ang biyahe namin at ginising niya ako na matagal na rin yatang nakahinto ang kotse.
Nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya at hawak na naman niya ang mga kamay ko. Hinubad pa niya ang tuxedo niya kaya sa akin.
“S-Sorry, nakatulog pala ako,” sabi ko at napahikab pa ako. Tumingin ako sa labas ng bintana para silipin ang lugar na pinaghintuan namin.
“Nasa port terminal tayo,” sagot niya sa akin.
Ang tanong ko kanina ay nasagot na. Na kung ano ba ang sasakyan namin papunta sa isla. Barko naman pala. Hindi ko naisip iyon. Hindi na first time sa akin na sumakay ng barko pero nae-excite pa rin ako.
Binuksan na ni Alked ang pintuan sa shotgun seat at naglahad pa siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon nang nakangiti at inalalayan na niya akong makababa.
“Malayo ba ang pupuntahan natin?” pangungulit na tanong ko at narinig ko ang matunog na pagngisi niya.
“Are you excited do you?” he asked at parang bata ako na masunurin dahil sa paulit-ulit kong pagtango.
“Sasabihin mo na rin sa akin kung saan tayo pupunta?” Malakas na humalakhak lang siya at hinaplos ang magkabilang pisngi ko.
“We’re going to Isla Hari, Mrs. Fortalejo.”
My eyes widened in shock when he called me Mrs. Fortalejo. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko dahil doon. Mrs. Fortalejo...
Hindi na lang Jam Kirsten Celestial ang pangalan ko dahil may kadugtong na. Fortalejo... Hindi ko akalain na hindi lang mapapalitan ang last name ko. Madadagdagan pa siya.
“Nagulat ka sa ginawa ko sa ‘yo, hmm?”
“S-Sino ba ang hindi?” nakangusong tanong ko.