Parang dinaanan ng matinding bagyo ang silid ni Senyorito Pancho. Nakakalat sa sahig ang mga basag na kagamitan na ibinato niya sa saan saang parte ng dingding. Wasak rin ang kaniyang tokador at ilan pang muwebles na pinagbuntungan niya ng galit. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin. Sa loob ng buong araw ay iyak lang siya ng iyak sa loob ng kaniyang kwarto habang binabalibag ang ano mang mga bagay na nakikita. Kaninang umaga lang ay hindi na siya makapaghihintay pa sa napagkasunduan nilang pagkikita muli ni Sabio sa lawa. Ngunit, ang inakalang maligayang pagtatagpo ay hindi niya inaasahang bangungot ang maging kahahantungan nito sa kaniya sapagkat sa pagsapit ng gabi, makipaghiwalay na siya kay Sabio na mahal na mahal niya. Mas lalo pang nagngitngit ang kaniyang kalooban sa tuwing maalala k

