Akala ko kapag makabalik na ako sa palayan, magiging maayos na rin ang pag-usad ng buhay ko. Akala ko kapag hindi ko ma makikita pa si Senyorito Pancho ay mas lalong mapadali ang paghilom ng mga sugat sa aking puso. Ngunit nagkamali ako dahil sa bawat paglipas ng mga araw na hindi ko siya nasisilayan, abot langit ang pamamanglaw ng aking dibdib para sa kaniya. Pakiramdam ko may malaking parte sa aking sarili ang nawala sa sandaling ito. Hindi man aaminin ngunit sa kabila ng sakit at sama ng loob na ibinigay niya sa akin, hindi man lang nabawasan kahit kaunti ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya. Alam ko, sa piling pa rin ni Senyorito Pancho ang aking kaligyahan. Gusto kong sumaya mula sa mga bisig niya. Hinahanap ko ang kaniyang mga yakap at halik. Makailang ulit na inuutos ng aking

