"Sabio, alam kong marami akong nagawang pagkakamali sa iyo. Gusto kong magpaliwanang ngunit hindi ko alam kung anong tamang sasabihin ko upang mapagaan ko ang kalooban mo. Hindi ko sinasadiya. Nahihirapan rin ako sa sitwasyong ito. Pakiramdam ko, kahit saan ako lulusot, hindi ko pa rin matatakasan ang kapalarang ito. Pakiusap, Sabio. Kailangan kita sa tabi ko. Umuwi na tayo," muling pagsamo ni Senyorito Pancho. Sa paraan kung paano siya makiusap, wari ring may kung anong humaplos sa aking puso na nag-udyok sa akin upang pagbigyan ko ang kaniyang hiling. Ngunit, hindi ko na siya pinansin pa, bagkus ay hindi na ako kumibo. Kung tutuusin, malaki ang parte ng pagkakamali niya kung bakit humantong kami sa ganito. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Marahil ay ramdam niya ang matindi

