Hindi mapigilang madismaya ng husto ni Senyorito Pancho nang malamang wala na si Sabio sa hacienda Salvatore. Ang sabi sa kaniya ng ilang mga trabahador sa palaya na kaedaran ni Sabio noon, pagkatapos raw ng paglipad niya patungong Amerika, umalis na rin si Sabio pati ang buong pamilya nito sa palayan. Hindi maiwasang hindi makaramdam ng hinanakit ang puso ni Senyorito Pancho. Marahil ay masyado niya itong nasaktan noon kaya ito lumisan palayo sa kaniyang lupain. Ngunit ganoon pa man, kailangan niyang mahanap si Sabio. Kailangan niyang maangkin muli ang lalaking minahal ngunit tinalikuran niya noon. Noong isang buwan pa sila nakauwi sa hacienda at nailibing na rin ang ama niyang si Don Flavio. Isa nang ganap na haciendero si Senyorito Pancho saagkat tuluyan nang nakalipat sa kaniyang pang

