"At saan ka naman naggaling?" ang pasinghal na bungad ni Amanda pagkapasok ni Senyorito sa mansiyon. "Nawala lang ako saglit, may pinagkaabalahan ka na! Magaling Pancho! At talagang nag-iinom ka pa!" "Sana'y hindi ka na bumalik dito," ang malamig na tugon ni Senyorito Pancho na siya namang ikinangisi ng kaharap. Akala niya ay matatagalan pa si Amanda sa pagbisita nito sa lupain ng ama niya. "At isa pa, kailan ka ba nagkaroon ng huling pakialam sa mga ginagawa ko sa buhay? Ano man ang gusto kong gawin, gagawin ko! Matagal na tayong walang pakialam sa personal nating mga buhay. Alam mo iyan!" "Alam ko!" ang unti-unting nanlilisik na mga matang sabi ni Amanda. "Ngunit gusto ko lang ipaalala sa iyo na asawa mo pa rin ako, Pancho. Walang sino man ang maaring pipigil sa akin kung magkakaroon a

