Mabigat ang mga hakbang ni Senyorito Pancho na tinungo ang pintuan palabas sa opisina ni Sabio. Hanggang sa sandaling iyon ay tila pasan niya ang buong kalawakan sa kaniyang balikat dahil sa labis na kabigatang nadarama. Hindi man niya kayang aminin sa sarili ngunit alam niyang wala ng pakialam pa si Sabio sa kaniya. Napakasakit lang kasi hindi naman niya sinasadya na talikuran si Sabio noon. Iniligtas niya ang buhay nito. Hindi niya deserve ang magdusa. Napakadaya lang kasi napakadali lang para kay Sabio na tuluyan siyang iwala sa buhay nito gayong siya... sa loob ng dalawang dekadang lumipas na wala ang isa't isa hindi man lang nabawasan ang pagmamahal niya kay Sabio. Nagkaroon na ng sariling mundo si Sabio kung saan wala siyang parte sa buhay nito, gayong siya... hanggang sa sandaling i

